"Captain!"
Tumakbo kaagad ako kay Papa nang makita ko siya nang pababa ako ng hagdan. Niyakap ko siya kahit may hawak pa siya ng basong tubig sa isang kamay. Muntik pa siyang nabilaukan kaya tumawa ako ng malakas at bumitaw.
"You didn't tell na uuwi ka ngayon..." I spoke. "Alam mo, Zander Allena, kapag isang araw lang naman ang magiging stay mo, wag ka nalang umuwi!"
"What? Jemaica Allena, for your information, one week pa bago ang susunod naming flight ni Tita Cassy niyo." Nakapameywang si Papa. "Actually, may flight talaga ako pero marami namang piloto kaya ayos lang kung mag leave muna ang pinaka-professional."
"Aha!" Turo ko sa kanya. "Kaya ka siguro nag leave ay dahil na miss mo si Lugen Allena. Hindi dahil miss mo mga anak mo!"
Tumawa si Papa. "You're right, I've missed your mother so much." Papa hugged me again bago siya umakyat sa taas at puntahan ang kwarto ni Mama.
I am really so blessed to have a parents na kahit hindi na gaanong nagkikita dahil sa trabaho ay inlove pa rin sa isa't isa. I hope Kent and I will come to that point in the future.
"Hoy, Maldita!" Biglang gulat sa akin ni Vinzent. Akma ko sana siyang susuntukin nang uniwas kaagad siya at tumawa. Kunot noo ko pa siyang tinignan dahil nakasuot siya ng police uniform. "Ano tingin tingin mo d'yan? Dalian mo na at baka magalit si Cassandra Allena!"
"Wait, what?" Kunot noo kong tanong pero tumakbo lang siya papalabas ng buhay.
Nakita ko namang nagmamadaling bumaba si Dave sa hagdan na bitbit ang sapatos niya. Nagtaka pa ako kung bakit naman siya nakasuot ng Pilot uniform. Umupo siya sa sofa at nagsuot na ng sapatos. Napangiti ako nang makitang gumwapo ngayon ang kapatid ko.
"Oy, bagong gupit tayo ngayon, ah!" Nakangiti kong saad.
"You better hurry up," Sagot nito sa akin at tumayo. "Alam kong hindi mo nabasa 'yung group chat dahil ikaw lang ang hindi naka seen. Si Tita Cassy nasa bahay nina Yalin. Pupunta tayo 'dun lahat. At isa pa, ang sabi niya ay suotin daw natin ang uniform ng future career natin."
"And you won't wait for me? Ano? Pupunta ako 'dun na mag co-commute?"
"Ang arte mo, maligo ka na! Naaamoy ko pa ang panis mong hininga," Aniya at naglakad palabas.
Inamoy ko pa ang bibig ko sa kamay ko at tama nga naman siya. Kakagising ko lang din naman kasi kaya ganito pero ang totoo, ako naman ang may pinakamabango ang hininga sa aming lahat.
When I'm done preparing for myself to go, I texted Kent first for an update. Alam ko namang hindi 'yun makakapag-reply sa akin dahil nasa construction site siya at nagtatrabaho. Kumatok ako sa pinto ng kwarto nina Mama para sana magpaalam pero nakarinig ako ng ungol kaya umalis nalang ako. Dali dali kaagad akong bumaba ng makarinig ng busina ng sasakyan sa labas. Buti nalang ay hinintay pala ako ni Kuya Paul. Akala ko ay nauna na silang lahat 'dun.
Pumasok ako sa backseat at nakita ko si Chin sa front seat na suot ang nurse uniform at si Kuya Paul na naka police uniform. Pareho silang gulat na nakatingin sa akin. May mali ba sa akin? Is there something wrong for what I wear?
"Ate..." Tunog dismaya si Chin na may kagat na apple pa sa kabilang kamay.
Tumawa lang si Kuya Paul at nagmaneho na din. Nang makarating kami sa bahay nina Reymark ay nakita ko na si Ymee na nakikipaghabulan kay Ayla. Mukhang nag aaway silang dalawa dahil si Lyrel ay nakapameywang na nakatingin sa kanila. Tumigil lang sila nang makita ako. Tinawanan pa ako ni Ayla at Lyrel habang si Ymee ay mataray na nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024