"Ganitong oras ba, nakauwi na Kuya mo?"
Napatingin ako kay Tito Tepen dahil sa naging tanong niya kay Rhealyn. Nakakunot ang noo ko at naisip na katulad ni Mama at Papa ay hindi din niya alam ang schedule ng mga anak. Napangisi ako sa tiwalang mayroon sila para sa amin.
"Minsan lang naman umuuwi si Kuya ng hindi nadidiliman sa labas, Papa. Hindi ko memorize ang schedule niya." Sagot ni Rhealyn at nilagay ang golf ball sa lalagyan nito sa baba.
"Naka-depende pala ang pag uwi niya sa mood niya..." I spoke.
"Ganoon na nga," Napaturo sa akin si Tito Tepen sabay ngisi dahil tama yata ang sinabi ko. "Sa mga anak ko, si Rayray lang talaga ang hindi ko maintindihan. Napakatagal laging umuwi! Minsan nga, umuuwi na lang 'yun na naka-shorts na, hindi na naka-uniform."
"That's why I love her confidence, Tito." I smiled.
Sa tuwing nakikita ko si Rabella na masaya sa mga ginagawa niya at lalabas siya sa XU na naka shorts lang, minsan papasok lang 'yan na naka shorts, eh, at oversized t-shirt. She's confident for being a plus sized woman and I love it. She knows how to deal with it. So, who says that isn't sexy? Mas madami nga lang siyang nakakasundong lalaki kumpara sa mga babae.
Rhealyn luckily hit the ball and sinked it to the hole. Napatalon-talon pa siya sa sobrang tuwa. Mabuti na lang at nakuhanan iyon ng video ni Tito Tepen. Kumuha naman ulit ng isang golf ball si Tito Tepen para sa akin at binigay na sa akin ni Rhealyn ang isa pang golf club.
"Tito, eh... hindi talaga ako marunong, eh!" Saad ko nang matitigan ng matagal ang bola sa baba.
"Just keep your head down, bend your knees, focus, over all body posture... and then strike the ball." Tito said. "Madali lang, kaya mo 'yan!"
I did what Tito Tepen said. I bended my knees, I stared at the ball for a second. Nang titirahin ko na sana ay may bigla namang tumawag sa pangalan ko at natatawa pa.
Napaayos ako ng tayo at tinignan si Dom na naglalakad palapit sa pwesto namin. Ganoon din si Tito Tepen at Rhealyn. Katulad ko ay naka-uniform pa din siya pero may dala nga lang siyang golf bag.
"Jemaica! Wow, hindi ko inaasahang makikita kita dito..." Ani ni Dom. "Naglalaro ka pala ng golf? Patingin nga ako!"
"Umalis ka," Sabi ko. "Ano bang ginagawa mo dito? 'Di ba, every sunday ka lang naman pumupunta dito? Wala kang makukuhang sugar daddy ngayon!"
"Hoy, i-preno mo 'yang bibig mo, ah!" Tunog nasasaktan ang boses ni Dom at napatingin kay Tito Tepen. "Hi, Attorney! Grabe 'tong pamangkin mo, no? Sama ng ugali!"
"Umalis ka na!" Mataray kong sabi.
"Kaya ako lumapit dito ay dahil akala ko may sugar daddy ka na rin, si Attorney Tepen Allena lang pala!"
"Stefen." Rhealyn corrected.
"Ay, yeah! Taray!" Si Dom.
"Is she your classmate, Jemaica?" Tito Tepen asked me.
"Yes, Tito." I nodded. "I think... nasa unahang ng—"
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024