Kapitulo 52

17 2 0
                                    

"Kaibigan mo lang ba talaga 'yun?"












Napairap ako dahil sa pabalik balik na tanong ni Romer. Kahit nasa Magis na kami ay ganoon pa rin ang tanong niya.









"Baka kasi maging ka-fling mo rin, kung gusto mo naman pala sa mga architecture, pwede ko namang balikan ang kursong 'yun..."










"What happened to you?" I asked, annoyed.










"Magkaibigan din tayo, eh..." Romer smirked.










Mabuti nalang ay natapos na din ang pangungulit ni Romer sa akin at nauna na siyang umalis. May meeting pa daw sila ng mga classmate niya sa library para sa group project nila at sobrang kailangan siya.









Nang dumating si Leyo ay tumambay muna kami sandali kasama sina Zye. Dumating din si Nicole na kasama si Ymee na para bang ayaw niya akong tignan. Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya at parang wala siya sa mood sa tuwing nakikita niya ako?












"Hi, Maica!" Lembert greeted me. "Alam mo ba? Boyfriend na ngayon ni Nicole si Kevin!"








"Mamumuo talaga ang love story nilang dalawa sa loob ng dance studio!" Zye laughed.








"Really?" Nagulat ako sa narinig.








The fuck! Ganoon kabilis?








I really think that Nicole had a crush with Leyo. Si Kevin naman pala talaga ang gusto niya! Hindi ko din minsan mabasa itong si Nicole dahil kung gaano karami ang lalaki ko, ganoon din sa kanya.








Napatingin ako kay Leyo sa tabi ko. Parang wala naman sa kanya ang narinig. Kumakain lang siya sa kinakain ni Ymee. Baka ako lang talaga ang nag i-ilusyon na may kung ano sa kanila ni Nicole pero wala naman talaga.








"Kung buhay pa sana ang kapatid mo, dalawa sana tayong may KJ ngayon..." I pouted.








"Are you okay?" Nicole asked.








Inakbayan naman ako kaagad ni Leyo kaya sinamaan ko siya tingin. Ayos lang naman ako. Mabuti nalang at si Kevin na at si Nicole. Sana naman ay hindi nila paglaruan ang isa't isa, naalala ko pa namang mabilis magsawa itong si Nicole at si Kevin naman ay nakita ko talaga noon kung gaano niya kagusto ang ex niyang si Colen na malapit na kaibigan din ni Zye. Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi naman yata mabilis mawala ang pagmamahal na 'yun kung talagang totoo.








"Eh, tayo naman, Mai... Ex na!" Napanguso si Lembert. "Sayang din tayo..."







Tinawanan ni Zye at Leyo si Lembert. Nakita ko din na muntik nang mabilaukan si Ymee sa narinig.








"Wag mo kong matawag tawag na ex kasi wala pa akong ex." Mataray kong sabi kay Lembert.









"Eh, anong tingin mo sa'kin?"












"Warm up! Teenage mistake lang kita, no!"










Biglang hinawakan ni Lembert ang kamay ko kaya masama na ang tingin ko sa kanya. "Naalala mo pa ba 'nung panahong lagi tayong naka-holding hands?"










Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now