Kapitulo 27

22 3 0
                                    

"Joaquin, tapos ka na sa assignment mo?"











Tumango lang si Joaquin at nginitian ako. Umupo ako sa tabi ni Jolly na abala sa pangongopya sa papel ni Joaquin.







"Ang tagal mo, sa kanya nalang ako nangopya..." Nakangising sabi ni Jolly.






"Pinapatawag kami sa guidance pagkatapos ng klase mamayang hapon, alam niyo ba 'yun? Nakita niyo sa main group chat ng biology?" Biglang sabi ni Joaquin. "Hindi namin alam kung bakit. Marami pa naman kami. Kinakabahan lang ako kasi baka na-leak 'yung group chat ng section natin."





"Patay!" Si Jolly.





"Wag kayong mag-alala, hindi naman kayo kasaling dalawa."





"If ever na naleak man 'yung group chat," Bumuntong hininga ako. "Mag sorry ka nalang, Joaquin. Babaan mo nalang pride mo. Para din naman 'yun sa'yo."





"Gumawa kasi si Shia ng new group chat na kami kami lang." Bumigat ang hininga ni Joaquin. Tinutukoy niya ang isa naming kaklase na pinakamaingay sa group chat. "Na sa inyong dalawa lang ang suspect nila."





"Ano?" Napatayo si Jolly pero hinigit naman siya paupo ulit ni Joaquin. "Wag lang nila ako madamay damay d'yan! Hindi nga ako nagse-seen sa group chat na 'yun, putang ina! Ako pa gagawin nilang suspect."





"Tumigil ka nga," Si Joaquin at tumingin sa akin. "Just promise me, guys, that you both will defend your side. Ayos ba?"





"Putang ina, idadamay pa nila kami ni Maica na nag-aaral lang naman kami ng mabuti!"





"Jolly naman!"





"Oo na, sige sige!"





Kalaunan, pagkatapos ng una naming klase ay nagmamadali kaagad akong lumabas ng room. Nakatanggap kasi ako ng text galing kay Zye na pumasok na si Kent. Nagkabangga pa kami ni Dom paglabas pero hindi ko na 'yun pinansin kahit alam kong sinadya niya.





Pinansin ko ang mga kaibigan ko pagkarating ko sa canteen. Si Marco ay halatang may problema dahil hindi nagsasalita at panay type lang sa cellphone niya. Si Kent naman sa tabi ni Leyo ay nagsusulat pero hindi ko siya pinansin. Sinadya ko talaga 'yun! Kahit na halata sa mukha niya na hinihintay niya akong lapitan ko siya.





"May bagong chismis akong nasagap galing sa med department," Si Nicole na kahit kaharap ang laptop.





"Bilisan mo nalang ginagawa mo." Sabi ni Hershey.





"Bakit? Anong chika?" Si Ymee na sobrang ganado. "Maica, alam mo ba ang chikang 'to?" Sarkastiko pa si Ymee kahit alam niyang alam namin.





"Ay oo nga, Mai!" Si Nicole. "Alam mo na ba 'yung issue between your section and the two professors?"





"Of course, isa ako sa nagsumbong, eh." I proudly said. Nagpalakpakan pa ang mga kaibigan ko maliban kay Kent.





"You did it?" Kent asked. Hindi ko pa din siya pinansin.





"Deserve naman nila 'yan, lalo na 'yung Dom na 'yun." Si Marco.





"Oo nga, teh! Buti nalang at hindi tayo naninira ng professor sa group chat natin." Ani naman ni Zye. "Dapat gumaya sila sa atin, dapat kasi sa personal manira ng tao."





Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now