"Shawn followed me back!"
Panay kwento sa akin si Marco habang hinihigit niya ako sa building ng Engineering. At eto naman ako, sumusunod sa kanya. He supported me when I was just having a crush with Kent and now, I'm doing the same thing he did. Just how fast the days changes.
"So, what are we doing here?" I asked. Nakarating na kami sa labas ng room nina Nicole. They are still having a class.
"Magkukunwari lang tayong hinihintay si Nicole, but actually... si Shawn talaga ang inaabangan natin!"
"You're so unbelievable, Marco..." I smiled, shaking my head.
I also shared to Marco what happened in Kuya Jham's birthday. At first, he seems interested pero naalala niya daw na madaming nagkagusto kay Reymark kaya wala na siyang pakealam. He also had a crush with Reymark back then.
"Hoy, Allena!" Napalingon ako nang biglang may tumawag sa akin. Ganoon din si Marco. "Dito ba 'yung building nina Reymark?" It was Dom, asking me.
"Hmm, yeah," I smirked. "But... I think you are in the wrong floor..."
"Why? What's floo—?"
"Because you're not on my level,"
"You... shit! Bakit ba ako nakikipag-usap sa'yo, eh, napakasinungaling mo!" Ani ni Dominique at tinalikuran kami.
"That was your classmate? The one you told me so felingera?" Marco asked and I nodded. "Tang ina, mas maganda ka pa pala, eh! Ni hindi nga ata marunong mag suklay 'yun!"
Nang matapos na ang klase nina Nicole ay siya pa ang unang lumabas kaysa sa professor nila. Grabeng attitude ng babaeng 'to! Sinalubong niya kaagad kami pero ang tingin nitong kasama ko ay nasa loob pa din.
"Midalguez," Napalingon kami nang may tumawag kay Nicole. Kinurot kurot ko si Marco nang makitang si Shawn iyon. "Naiwan mo 'yung papers ng engineering data analysis mo..." May inabot si Shawn at kinuha naman iyon ni Nicole.
"Na sa'yo 'yung papel ko sa calculus, right? Ipapasa na 'yun mamaya." Ani ni Nicole.
"Yeah, ako nalang magpapasa. Hindi pa ako tapos." Mahinang napangiti si Shawn. "Is this your friends?" Tanong pa niya at nilingon kami. "Hi guys!" Bati niya sa amin kaya kinurot ko ulit si Marco dahil kinikilig ako sa kanilang dalawa at nang umalis na si Shawn ay ako naman ang binatukan ni Marco.
"Okay, act like it's nothing..." Bumuntong hininga si Marco at parang pinipigilan ang sarili.
"Wala lang naman talaga 'yon, assumerang baklang 'to!" Si Nicole.
"Pwede close nalang ang mouth? At bakit na'sa kanya ang papel mo?"
"Pinapakopya niya ako minsan kaya papakopyahin ko din siya kapag siya 'yung wala..."
"Hala, beb..." Napangisi ako. "Nicole will betray you..."
"Subukan niya lang!" Napairap si Marco.
"Sus! Mas bakla pa ata si Shawn kaysa sa'yo, eh!" Ani pa ni Nicole.
"Hindi ako bakla." Seryoso si Marco.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024