Kapitulo 46

26 3 0
                                    


"Sheesh! We really look good together when we have matchy outfits!"







Napangiti ako sa narinig kong sinabi ni Rhealyn habang nasa harap kami ng salamin dito sa kwarto ko. Marami talagang style ng damit na hindi sinasadyang magkaparehas kami kaya madalas din ay nagkakaparehas kami ng mga sinusuot lalo na sa kulay.





"Kung gaano kahaba ang buhok mo, Ate, ganoon din kahaba ng lalaki ang pumipila sa'yo." Sabi pa ni Rhealyn habang sinusuklayan ako.





"Talaga?"





"Yeah, kahit nga mas bata sa'yo, gusto ka. Hindi pa 'yan, ah! May isang teacher daw na may crush sa'yo."






Napatawa ako kay Rhealyn. "Kung ano ano nalang talaga ang naririnig m—"











Nanlaki ang mata kong lumingon kay Rhealyn nang makarinig malakas na sigawan sa labas. Nagulat si Rhealyn kaya mas nauna siyang lumabas ng kwarto sa akin habang ako ay nakasunod lang. Dali dali kaming bumaba at dumeretso sa living room. It was Tito Charlie who shouted.





Nakaupo si Jasper at Lyrel sa iisang sofa pero nasa gilid. Malayo ang agwat habang si Ymee ay nasa gitna at umiinom ng mugo-mugo. Si Ymee ay mukhang wala lang dahil maayos naman ang make up niya. Lahat sila ay kaharap ang tatlo maliban kay Chin na kausap pa sa mahinang boses si Vince at Leyo.







"Anong nangyari, Mama?" Dinig kong tanong ni Rhealyn nang lumapit siya kay Tita Eyla.







"Your Kuya Lyrel and Kuya Jasper had a fight just because of a basketball game."






"The heck?" Bulong ko.







Lumapit ako kay Leyo at tinanong siya sa mata sa mata. Napaiwas naman ng tingin si Vince sa akin. Nagsalita ulit si Tito Charlie pero wala akong maintindihan. Pilit naman siyang pinapakalma ni Tito Jeph at ni Lola J. Si Tita Achi ay tahimik lang na mukhang nagtitimpi habang nakaupo sa isa pang sofa katabi si Mama at Papa. Si Tita Cassy ay nakikipaglaro kay Matthew sa likod. Isa pa itong si Tita Clarise na kanina pa tawa ng tawa habang pinipigilan siya ni Hershey.





"Ano, Lyrel? Jasper? Kahihiyan na naman sa pamilyang 'to?" Sigaw pa ni Tito Charlie. "Wala na ba talaga kayong ibang gagawin? Palagi nalang ba talaga kayong magsusuntukan sa harap ng napakaraming tao dahil lang sa pisteng basketball na 'yan!? Wala akong pakealam kung anong sasabihin ng ibang tao pero sana naman, marunong kayong rumespeto! Wag sa labas, dito kayo mag bugbogan sa loob!"





"Oh sige, Paul, kumuha ka ng dalawang kutsilyo!" Natatawang sabi ni Tito Dwight.





Nanatiling tahimik ang lahat. Wala pa nga akong nariring ay parang alam ko na ang nangyari kaya naintindihan ko kung bakit tahimik lang din ang birthday boy na si Attorney Tito Tepen. Naulit na naman kasi 'to. They had a fight just because of the basketball game. Magkakabungguan sila nang hindi sinasadya at kahit magkasama naman sila sa team ay pareho silang nasobrahan ng pagkaseryoso at mainitin ang ulo kaya sa isa't isa nilalabas ang sama ng loob dahil sa laro. Alam ko na 'yan dahil ilang beses na nangyari 'yan. Highschool palang sila ay pareho na talaga silang mainitin ang ulo. Sa lahat ng Allena ay sila naman ang namana kay Tito Charlie. Wala talagang magpapatalo sa kanila dahil nga pareho naman sila ng mga ugali. Mas magkakasundo pa silang dalawa sa academics, inuman at sa paghahanap ng babae kaysa sa paglalaro.






"Baka naman... mainit lang ang ulo mo, Jasper, kasi hindi pumayag si Lyrel sa mga gusto mo? Dinadamay mo na ba siya sa mga bis—"





Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now