Kapitulo 44

18 2 0
                                    

"How are you feeling?"







Napayuko ako saglit at kinain ang steak. Hindi naman ako talaga mahilig kumain sa mga mamahaling restaurant kahit afford ko naman. My mother wants us to be simple as that kaya kapag kumakain kami sa restaurant, dalawang beses lang ata sa isang taon. Pero ngayon ay inimbitahan kasi kami ng Dinner ni Officer Sarsalejo kaya mahirap tumanggi dahil kaibigan ko din si Wendel. Ginabi pa kami ni Reymark sa paglibot ng buong Ayala Center.







"Ayos na po ako..." I answered to Officer Sarsalejo's question.






"He's my mother's college friend. How did you know him?" Reymark whispered in my ear again.





Kanina pa siya hindi mapakali sa tabi ko at tanong ng tanong. Hindi man lang makapaghintay ang bobo!





"Eh, kayo po ba? Bakit po ba kayo nandito sa Cebu?" I asked.





"Ganito kasi 'yan, Maica—" Hindi natuloy ni Josyl ang isasagot niya sa akin nang nagkatitigan sila ng kapatid na si Wendel.





"We have a place here." Officer Sarsalejo answered. "Dito kami nakatira simula noong nag-asawa ako. Taga Dalaguete kami."





Napatango tango nalang ako. Gusto ko pa sanang magtanong pero baka naman maisip nilang sobrang interesado ako. Naisip ko lang na kung nandito pala sila nakatira, paano naman sila napunta sa Cagayan de Oro?





"Eh, kayo? Bakit kayo nandito?" Si Wendel naman ang nagtanong.





"Mukhang alam mo na 'yata, eh..." Bulong ni Reymark. Siniko kaagad siya at buti nalang ay hindi nila 'yun narinig at nag-aabang pa din sa sagot ko.







"We also have a place here. Our grandparents." I answered. "We have a farm and a kubo mansion in Minglanilla." Dugtong ko pa.





"Wow, really?" Hindi makapaniwala si Josyl. "Ganoon pala kayo kayaman?"





"Hindi naman... normal lang 'yun." Nakangisi kong sagot. "May dala ka bang business card?" Bulong ko kay Reymark.





"Ba't naman ako magdadala 'nun, eh, wala naman akong business," Bulong din ni Reymark pabalik.





Mapait nalang akong napangisi. Tarantadong Reymark 'to! Ayaw man lang makiramdam! Nagmamayabang na nga ako!





"Okay na ba talaga? Hindi ka na ba umiiyak tuwing gabi?" Tanong ulit ni Wendel.





I drink the juice before I answered. "Secret!" Napatawa ako.





Nagtataka naman ang mukha ni Reymark nang tumingin siya sa akin. Napatawa din si Officer Sarsalejo lalo na ang mga anak niya. Paano ba 'to? Ang awkward naman! Wala kaming mapag-uusapan. Halata pang binabantayan nila ang kilos ko kung talagang maayos na ba ako. Alangan naman na habang buhay akong miserable!





"Ah... may alam ba kayong club dito sa Cebu?" I asked.





Napanganga si Officer Sarsalejo. Parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Si Reymark naman ay tahimik na. Nakita kong mahinang siniko ni Josyl ang ama niya kaya napangisi na si Officer. Si Wendel ay napakamot nalang sa ulo.





"Ah... hindi ba kayo mahilig sa mga party?" Tanong ko pa ulit. "Di'ba, Wendel, mahilig ka din uminom? Right, Didi?"





Matagal ang tingin ni Wendel sa akin bago sila nagkatitigan ni Josyl. Napaka-awkward naman nilang kasama!





Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now