Kapitulo 31

21 2 0
                                    

"Mi Amore..."





Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may halik ng halik sa noo ko. Napangiti ako at niyakap si Papa na siyang bumungad sa akin. He keeps on whispering 'happy birthday and I love you', while I'm still hugging him and lying in the bed.



Bigla namang pumasok sa kwarto si Leyo na halatang kakagising pa lang kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Papa. Lumapit naman si Leyo at kaagad na niyakap ako. Naramdaman ko din ang halik niya sa pisnge ko.







"Happy happy birthday, Shawty..." Leyo with his gentle voice when he was just wake up.





"You slept here?" I asked.





"Yeah, tulog ka na 'nung pumunta ako dito kagabi. Nasa kwarto ako nina Vince."





Bumangon ako upang tignan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas tres pa lang ng madaling araw. Bigla namang pumasok si Mama kasama si Matthew kaya kaagad kong kinuha si Matthew sa kanya na malaki ang ngiti sa akin.





"Hapi betdey, Atyi..." Matthew said, clapping his hand.





Lumapit naman si Mama sa akin at kaagad at na niyakap ako. She greeted me and just for a minute, naibigay ko kaagad kay Leyo si Matthew nang makitang pumasok sa kwarto ko ang aking Lolo, kasunod si Lola.





"October ten... October ten..." Pagkanta kanta pa ni Lola.





I screamed with happiness and ran towards them. I hugged Lolo first, while still singing happy birthday for him. Niyakap ko naman si Lola at nagyakapan kaming tatlo.





"Happy birthday to us, apo..." Lolo smiled and laugh, even if he doesn't have a front teeth anymore.





"What happened?" Natatarantang sigaw ni Dave nang makapasok. "Shit!" Napamura siya at niyakap kaagad ako. "Happiest birthday, Boss." He also greeted Lolo after me.





Umalis na din sila sa kwarto ko maliban kay Leyo na tumabi ng higa sa akin dahil magpapahinga pa sina Lolo. Si Lola at Lolo ay kakauwi lang pala kagabi tapos hindi ko man lang naabutan dahil natulog ako ng maaga, kaya pala walang excite na sa mukha ni Leyo ng pumasok sina Lola. Si Vince lang ang hindi gumising ng maaga. Hindi naman 'yun nagigising ng madaling araw.





"Check mo na phone mo, sure madami na namang nag message sa'yo..." Kanina pa ako pinipilit ni Leyo sa tabi ko. Nakasandal siya sa head rest ng kama.



Umirap lang ako at chi-neck ang sariling phone. I saw from my unread messages a greeting from an unknown number. Pinakita ko 'yun kay Leyo at curious naman kaagad siya dahil 'yun kasi ang number na 'yun ang unang bumati sa akin. Leyo checked his phone and search the number on his contacts.





Leyo laughed a bit. "Gago, kay Reymark pala! Talagang 12:01 pa, ha!"





Napakunot ang noo ko. Is he waking up in the middle of the night just to greet me? Ganyan pala ang pinsan na kaaway! After all, he's the most caring when it comes to his girl cousins. Ako nga lang ang hindi niya tinuturuan sa acads. Siguro ay naisipan niya lang mag greet sa akin dahil nga hindi pa siya natulog at nag-aaral pa. O baka naman... o 'di kaya hinintay niyang mag alas dose para lang batiin ako?







"Si Kent ang pangalawang nag text sa'yo, uh..." Ani ni Leyo na napanguso. "Pangatlo lang ako... matagal pa naman akong natulog para lang batiin ka. Naunahan pala ako..."





Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now