"'Yung pinsan ko galing sa cebu, pinadalhan ba naman ako ng wine!"
Naalimpungatan ako galing sa pagtulog dito sa library nang makarinig ako ng mga ingay. Inangat ko ang ulo ko at sumalubong sa akin ang gitnang daliri ni Kent na nakataas. Wala talagang araw na hindi ako binibigyan ng sama ng loob ng lalaking 'to!
"Mai, may bago akong wine," Mahinang sabi ni Lembert.
"Nasa bag mo ba?" Nicole asked.
"Shit! Bawal pala inumin dito!"
"Itago mo, Bert." Saad ko.
"Kayo nalang girls, mas magaling naman kayong magtago." Nilapag ni Lembert sa mesa ang inumin.
"Aray, Mai!" Pang-aasar ni Marco.
Kinuha kaagad ni Kent ang wine at dali daling nilagay sa bag niya. Tawa pa ng tawa silang dalawa ni Lembert.
"Baka ma-suspend pa tayo ne'to, mapapagalitan girlfriend ko!" Ani ni Kent.
"May CCTV dito," Bulong ni Marco.
Dali daling tumayo si Kent at naglakad paalis. Sinundan ko naman siya pero hinarangan kami kaagad ni Marco. Bumalik naman kami sa pagkakaupo bago kami mapagalitan ng librarian.
"Sira ang CCTV," Saad ni Marco. "Hindi pa nga ako tapos!"
Nicole laughed. "Kinabahan..."
"Midalguez!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ng librarian. Nag peace sign naman kaagad si Nicole sa kanya.
"Dinadawit mo pa apilyedo ko," Binatukan ni Kent ang kapatid.
"By the way, tol, kumain na ba shota mo?" Biglang tanong ni Lembert na kinasalubong ng kilay ko.
"Anong shota? Girlfriend, tol!" Sagot ni Kent. "At ano namang pakealam mo?"
"Oh, wag kang magselos, nag-aalala lang ako sa kanya." Ani pa ni Lembert kaya nabatukan ko siya.
"Wag mo naman masyadong pakapalin ang face mo," I said.
Nicole suddenly stood up. Tumayo din ako at nagpaalam kaming dalawa na aalis na muna. Magpapasama siya sa akin sa mall.
"Ano ba bibilhin mo?" Kent asked to his sister.
"It's just an engineering supply, Kuya."
"May motor ako, samahan nalang kita?"
"No need, Kuya. Maglalakad lang kami ni Maica." Sabi ni Nicole at deretsahan akong hinigit patakbo sa labas.
Narinig ko pang tinawag kami ng librarian pero hindi na kami bumalik pa. Nang makaabot kami sa gate ay ako pa ang nag sinungaling sa guard na inutusan ako ni Tita Berna sa Senior High Building para lang makalabas kami. I don't want to commute because I really don't like the smell of jeep. Kahit taxi ay ayoko sa amoy. Kaya talagang no choice si Nicole kapag kami lang dalawa ang magkasama. Maglalakad talaga ako.
Nang makapasok kami sa malapit na mall ay imbes na sa supply kami dumeretso ay hinigit ko siya sa watson. Tumatawa pa kaming dalawa nang dumaan kami sa gitna ng grupo ng mga lalaking nagtatawanan. Natahimik tuloy sila.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024