It was afternoon when I went out to Lolo's office near the farm. Ayaw niya akong mag trabaho sa farm kaya sa office niya lang ako namamalagi for almost one month that I'm staying here in Minglanilla.
My brother Vince celebrated his birthday at Palawan. Ang mga pinsan ko lang ang kasama at wala sina Mama at Papa. I only greeted him and send my gifts to him. Ganoon din kay Tito Jeph. Unang beses palang tong magkahiwalay sila ni Vince mag celebrate ng birthday. We all just see each other by video call every night. Gusto lang naman nila na kumustahin ako araw araw.
Wala namang ibang pinapagawa sa akin si Lolo kundi ang mag encode at nasa computer lang lagi ang tingin. Noong wala ako dito, hindi niya pinapaandar ang aircon niya at ngayong nandito na ako namalagi sa office niya, ayaw na niyang patayin. Ganyan siya katipid.
I'm done encoding, printing some papers -and helping other people nang tinungo ko ang pathway papunta sa Mango Farm. I saw Julyana's mother cleaning the side of it. Kahit sobrang init ay kayod pa rin. Binati ko lang siya at in-offer ang dala kong payong pero ayaw niyang tanggapin.
Nasa dulo ang Rose Garden kaya naisipan kong pumunta doon. Nakita ko kaagad si Julyana na nililinis din ang lupa ng may tagak na dahon kausap ang isang trabahador din na babae. Kasing edad ng Mama niya.
Napalunok ang trabahador na babae nang makita ako. She looked at me from head to toe. Napatagal pa ang titig niya sa heeled sandals ko. Hindi ata sila sanay na makakita ng babaeng naka heels dito. Marunong naman akong maglakad ng naka heels. Bet ko lang ngayong araw.
"Maica," Si Julyana.
Binati din ako noong matandang babae bago siya umalis. Binigyan ko ng panyo si Julyana para punasan ang pawis niya pero nagdadalawang isip pa siyang tanggapin 'yun kaya napairap ako sa kanya kaya wala na siyang magawa at tinanggap iyon.
"Alam mo bang si Reymark ang nagpagawa nitong Rose Garden, nagtulong din siya sa pag tanim ng mga 'to..." Kwento ni Julyana.
Really? Kaya siguro gustong gusto niyang pumunta dito sa Cebu ay dahil may sarili na pala siyang ginagawa dito. Siguro ay habit na niyang tumulong kina Lolo at Lola.
"Apo!"
Napalingon ako sa tumawag at nakita kong si Lolo iyon na nakasakay sa kabayo. He's wearing a cowboy hat. Mas lalo tuloy siyang nagmumukhang bata at kamukha ni Papa. Kapag naka-side view naman ay si Tito Tepen ang kamukha.
"Gusto mo bang sumakay?" Ani ni Lolo sa malakas na boses. Hindi kasi ako lumapit sa kanya.
"Magaling talaga 'yang mangabayo si Lolo Jaelan, Maica. Minsan nga ay nagkakarerahan pa sila ni Lola Ina." Saad ni Julyana sa likod ko.
Kaya talagang bumabata sina Lolo at Lola ay dahil hindi sila nabubuhay pag walang inaasikaso sa isang araw. Parang walang salitang pahinga sa kanila at gusto nilang laging may ginagawa kaya mas nagiging malakas pa ang pangangatawan nila.
"No, thanks, Lolo!" Maarte kong sagot.
"Ay, oo nga pala! Takot ka sa kabayo." Pang-aasar ni Lolo at tawa tawang umalis.
I leave Julyana right away I receive a call from someone.
"Wag kang dumaan sa gitna, Jemaica! May putik d'yan!" Dinig ko pa ang sigaw ni Julyana.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
De TodoA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024