Kapitulo 15

21 3 0
                                    

"Lasing ka kagabi, no?"












I raised my middle finger at Vinzent. Kakauwi lang namin, 'yan ibubungad niya sa akin.  Si Dave naman ay hinubad na ang suot niyang sapatos. Kina Hershey kami natulog kagabi. Si Dave katabi ni Leyo habang ako ay nasa kwarto ni Hershey. Hawak hawak ko ang ulo ko nang umupo ako sa sofa.






"Umalis na ba si Mama?" I asked and Vinzent nodded. Tumayo ako at nakipag highfive kay Dave. Sumayaw sayaw ako sa sala at habang paakyat ako sa hagdan. Wala si Mama kaya walang makakaalam na nalasing anak niya kagabi!






Nawala ang tuwa sa mukha ko at napalitan ng gulat nang makitang pababa ng hagdan ang Papa ko habang karga si Matthew. Paatras naman akong bumaba. Nagtingininan kaming dalawa ni Dave na inamoy pa ang sariling hininga. Buti na lang ay nakapagpalit ako ng damit kay Hershey.






"Oy, Captain! Na miss kita sobra, Papa!" Sigaw ko at tumakbong paakyat ng hagdan at nilagpasan siya sa gilid. Tawang tawa naman ako nang sumunod si Dave sa akin at nag unahan pa kaming tumakbo sa sarili naming mga kwarto.






Dali dali akong naligo at nag toothbrush ng siguro ay sampung beses. Halos niligo ko na din ang perfume ko para siguraduhing wala talagang maaamoy na alak si Papa sa katawan ko. Pagkababa ko ay nakita kong kumakain na silang apat kaya tumabi ako kay Matthew matapos kong halikan si Papa sa pisnge.






"Ang bango, ah..." My father complimented me.






Nagsimula na din akong kumain. Si Vinzent naman ay panay tanong sa akin kung ano daw nangyari kagabi. Kunwari pa siyang nagpapakwento, hinuhuli niya lang ako.






"May gusto atang masapak mamaya," I heard Dave whispered. Siguro ay hindi 'yun narinig ni Papa dahil nga tinawag siya ni Matthew. Nagkunwari akong nahulog 'yung kutsara para maabot kay Vinzent ang 200 pesos sa ilalim ng mesa. Kinuha niya naman 'yon gamit ang daliri sa mga paa niya.






"How are you these days, Mi amore?" Captain suddenly asked. "And how's your relationship with Kent?






"We're doing great, Captain." I answered.






"Ang bait kasi ni Kuya Kent kay Ate, Papa. Kahit maldita yang gagang 'yan!" Nakisabat pa si Vinzent na nginisihan ako.






"Is Lembert okay?"  Tanong pa ni Papa. Siguro ay inutusan siya ni Mama.






"We're on the same circle, Captain. He's still loud as before so I think he's okay." Sagot ko pa.






"Is he still had a fight with his mother?"






"I don't think so, Captain. Hindi na siya nag chi-chika." Bumuntong hininga ako. "Si Mama, gustong gusto niya si Lembert para sa'kin. Ikaw, you don't like Kent for me, Captain?"




"I like Kent, Anak." Malambing ang boses ni Papa. "Pero nangingibabaw pa din sa'kin... that no man could ever deserve you."






"Really? Panay Lembert ka kasi," Napairap ako.






"Sus, nagtataray! Magpapalambing na naman 'yang daddy's girl na 'yan!" Vinzent teased me.






Walang flight si Papa ngayon pero kailangan kong umalis. Kahit nakokonsensya ako dahil gusto kong sumama sa kanilang apat na mamasyal, hindi ko pa din ginawa. Ayos lang sana kung parehong lugar ang pupuntahan namin, eh. Kailangan kong samahan si Kent na mamili ng regalo para sa birthday ni Nicole. Nagpaalam naman ako kay Papa. I told him I'm gonna go with Kent and he understands it. Si Mama kasi ang pupuntahan nila sa trabaho nito.






Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now