"Look, we're enjoying here!"
Lumapit ako kay Chin nang makitang nag video call silang dalawa ni Dave. May hawak pa siyang mais sa kabilang kamay at pumipila sila para makasakay naman sa ferris wheel.
"Oy, Mautganon!" Bati ko kay Dave at kumaway pa nang iharap siya sa akin ni Chin.
"Wow, parang hindi mo ko kapatid, ah? Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Hindi mo ba ako namimiss?"
"Miss na kaya kita, brother! Busy lang kaya ako!"
"Ang sabi ni Chin ay ikaw daw ang representative ng department niyo sa upcoming foundation day pageant?" Ani pa ni Dave sa kabilang linya. "Uuwi talaga ako d'yan sandali para manood! Gusto kong maging witness sa magiging biggest embarrassing moment ng buhay mo," Pang-aasar pang dugtong niya.
Napalunok ako sa narinig. Embarrassing moment. Nangyari na nga 'yan sa akin kanina, eh! Kapag naaalala ko lang 'yun, mas lalo ko lang nasabi sa sarili ko kung paano ako kagulong babae. Hindi ko pa nga alam kung paano ko kakausapin si Reymark ngayon, nahihiya pa nga ako sa kanya dahil sa tagos panty moment ko tapos tinanong ko pa siya ng malalaswang bagay kaya siguro ay baka sinabi niya na 'yun kina Rabella para mas mahiya pa ako.
"Hindi pa nga sure kung ako nga, eh, no? Madaming magaganda sa Allied Health," Usal ko.
"Yeah, katulad ko." Sabi ni Chin.
"Wag ka ng sumali, Chin..." Natatawang pang-aasar ni Dave.
"Wag ka ring umuwi dito sa Cagayan de Oro, babalian talaga kita ng buto!"
Nag-uusap pa din si Dave at Chin tungkol sa mga bagay bagay kaya hindi na ako nakasali 'nun nang nakapasok na kami sa loob ng ferris wheel. Tatlong tao lang naman sa isang lungga at si Reymark at Kuya Jham ang kasama ni Chin. Si Leyo, Rhealyn at Hershey naman ang magkasama sa isa. Si Tito Dwight, Ayla at Rabella naman ang magkasama. Si Paul naman at Hva ang magkasama dahil si Vince ay kailangang samahan si Matthew kaya hindi na siya sumali pa sa pagsakay.
Ako naman ay kung minamalas nga naman, si Lyrel pa at Jasper ang kasama ko na nag-aasaran at sinasabi pa nilang mag-uunahan daw silang buksan ang pintuan ng lungga dito sa ferris wheel kapag nasa itaas na at kung sino ang unang mahulog sa amin ay talo pero bibigyan ng bente pesos.
"Inday baduday katkat kamunggay abtan kidlat gising bilat..." Sabay pang pagkanta ng dalawa kong kasama nang mag simula ng umikot ang ferris wheel.
"Wag niyo kong dinadamay sa kalokohan niyo, ah!" Natatakot ko ng sambit at pinagtatawanan na ako ngayon ni Lyrel.
"Hindi, Babi..." Natatawa si Jasper. "Humawak ka lang d'yan ng mabuti sa railings."
Nang medyo lumakas na ang ikot ng ferris wheel ay napapikit kaagad ako ng mata at humawak ng mabuti sa railings nang mabuksan nga ni Lyrel ang pintuan kaya delikado ng tumingin doon ngayon dahil parang anytime ay pwede kang mahulog. Tawang tawa pa ang dalawa pero nang lumakas na ang ikot ay naramdaman kong hawak na ni Jasper ng mabuti ang paa ko habang sabay kaming sumisigaw tatlo kaya ang ending nang bumaba kami ay nag-uunahan na sumuka si Jasper at Lyrel. Tawang tawa naman si Rabella habang kinukuhanan sila ng video.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
DiversosA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024