Kapitulo 71

14 1 0
                                    



"Iyak ka na kasi hindi ka kasali!"











Sinamaan ko ng tingin si Jasper dahil sa pang-aasar niya na naman kay Jomari. Pinapabalik na kami sa stage para sa announcement ng top 4 pagkatapos i-tabulated ng mga judges ang scores kuno.










"Kinakampihan mo na 'yang gagong 'yan, ah? Nakakalimutan mo yatang sinabihan niya akong bad influence sa'yo..." Mainit na naman ang ulo ni Jasper nang bumulong sa akin.






Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakaka-move on. Hindi niya talaga kakalimutan ang dahilan kung bakit sumasama ang loob niya sa isang tao. Kung hindi ka niya pinsan o kapamilya, kapag inis siya sa'yo, inis talaga siya sa'yo habang buhay. Kahit anak ka pa ng presidente o sikat ka pang artista. Wala siyang pakealam.








Tumahimik na din si Jasper at kumaway sa lahat, nang nasa stage na kami, animo'y walang nangyari kasi pati si Jomari nginitian niya. Reymark was just seriously standing beside Nicole. His one hand is inside in his pockets while the other one, he runs it through his hair. It makes him more cool. Parang wala naman yatang ini-expect ang lalaking 'to sa coronation na 'to!





"In particular order, here are our top four male candidates." Reeve announced. "Let's begin. We're expecting you; you are one step closer to the crown, Mr Reymark Allena of Engineering!"





"Panganay ko 'yan! Wohoooo!!" Tito Tepen shouted to the crowd.








Napangiti ako. Lahat ng tao napatayo at pumalakpak nang mag step forward si Reymark. Tama si Reeve, malapit na si Reymark sa kapanaluhan. Mas lalo lang akong kinakabahan, hindi na dinadamdam ang ingay sa paligid. Mas malakas pa ang kalabog ng puso ko dahil sa kaba.








"You have the spot on the top 4, Mr Romer Vargas of Arts and Sciences!"








Nang sinigaw ni Marco ang pangalan ni Romer, lahat ng babae sa department nila napasigaw. Naalala kong close niya naman pala silang lahat.








"You can now breathe happily, Mr Jasper Allena of College of Criminal and Law!"











"Ano ka ngayon, Jom?" Nakangising naglakad si Jasper sa gitna matapos iyon sabihin sa katabi kong si Jomari. Mabuti nalang ay walang ibang nakarinig 'nun kundi kami kami lang.









Everyone clapped for Jasper, and it makes me more nervous. Naghihiyawan na ang pamilya namin. Pasok ang dalawang pinsan ko. Medyo nakakahiya 'yun sa parte ko kapag ako hindi. Lagi pa naman akong wala sa amin. Sila lahat matalino at consistent dean lister simula elementary habang ako... lagi nalang talagang walang naaabot.








"We are now down to the last gentleman who made it to the top 4," Si Reeve. "And that spot is for you... Mr Jomari Sarsalejo of College of Allied Health!"








Dinig ko ang paghinga ng malalim ni Jomari. Napangiti pa siya sa akin at yumakap.











"Congrats," I whispered.









"Wag kang mag-alala, pasok ka rin," Bulong niya pabalik. "Congrats in advance, sis..."










Napatingin ako sa kanya nang naglakad na siya sa harap. Hindi halatang bakla siya. Hindi halata dahil lalaking lalaki ang galaw niya. Sis pa ang tawag niya sa akin kaya may pagkabading talaga ang lalaking 'to! Kaya pala sobrang galing sa dance sport!








Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now