"What's this?"
I asked Leyo directly when he come out from the bathroom. Tuwalya lang ang nakatapis sa ibaba habang walang suot na damit pang-itaas. Hawak ko ang papel ng DNA. Paano niya kaya nakuha ito? Masikip pa rin ang dibdib ko habang si Leyo ay hindi makatingin sa mga mata ko. Gulat na gulat siya. Hindi ko maintindihan. Hinihiling ko na baka prank lang 'to at hindi 'to totoo pero kitang kita ko sa petsa na bago palang ito.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay kumuha siya ng damit sa cabinet niya at bumalik sa banyo. Ang daming tanong sa isip ko. Naalala ko pa ang sinabi ni Josyl sa akin. Umiiyak pa rin ako nang lumabas ulit siya ng banyo pero may suot ng damit.
"Thank you sa pag silent cut off sa akin, ha?" Sarkastiko kong sabi, binalewala kung ano man ang nararamdaman. "Alam na alam mo talaga kung paano ako bigyan ng peace of mind."
"I did not." He said.
"Then, what's this?" Halos malukot ko na ang papel na hawak ko, umiiyak pa rin. "Leyo, ano 'to? Bakit nandito pangalan ko? Saan mo nakuha 'to? H-hindi... h-hindi a-ako Allena?"
Mas nanghina pa ang tuhod ko nang dahan dahan siyang tumango. Napaupo ako sa sahig at umiyak ng umiyak. Halos natitikman na ang sariling luha. Ang sakit ng dibdib ko!
"K-kaya pala... nitong nakaraan may nag iba sa'yo, sa pagitan nating dalawa. Parang hindi na ikaw ang Leyo na dati kong kilala." I exhale shakily, still crying. "Dahil ba... hindi mo ko p-pinsan?"
"Of course, not!" Nagtagis ang bagang ni Leyo.
"Then, why?" I almost shouted it. Ayoko lang na marinig kami ni Tito Charlie sa ibaba. "Bakit meron kang ganito? Paano mo nakuha 'to? Ito ba ang dahilan kung bakit bigla kang pumunta sa kwarto ko kahit ayaw mo kong kausapin? Naghanap ka ng bagay na pwede mong..." I cried. I broke down. "May duda ka na ba dati pa, Leyo? Kaya kayo... magkasama ni J-josyl?"
"Galit ka ba?" He asked, worriedly.
"I'm not mad, Leyo. I'm hurt. It physically hurts inside!"
Dumungaw ako upang matignan siya. I saw his tears. He's crying with me. Lumuhod siya sa harap ko at bigla akong niyakap.
"Bakit h-hindi mo s-sinabi... kaagad?" Patuloy lang akong umiyak.
"I don't want to hurt you." Leyo answered. "Hindi ko kaya..."
"Sana sinabi mo pa rin," Humagulhol na ako at lumayo sa yakap ni Leyo. "Gusto ko pa rin namang malaman 'yung totoo kahit na ikakadurog ko..."
Leyo wipes his own tears and get the envelope at the bed. May kinuha pa siya sa loob noon at nilatag sa sahig. Mas lalo lang akong umiyak sa sakit nang makitang mga litrato iyon ni Mama kasama si Officer Sarsalejo. They actually looks good together... before! It's true! It's really true! Totoo pala 'yung picture na nakita ko 'nung una. Sana hindi ko binalewala.
"These are the memories of the greatest love that once existed." Leyo said, referring to my Mom and Officer Sarsalejo.
"This is so information overload..." I'm sobbing. "Ano pa? Anong alam mo?"
"Marami." Huminga siya ng malalim. "I'm not in the place to tell you everything. It's hurts, actually. Nang malaman ko, hindi ko kayang tanggapin. You have such a big impact to me. You were my favorite... cousin. My closest one. Hindi ko kaya... kaya nagpanggap nalang ako. Kahit nga nasa Manila ako, kinakamusta kita kina Hershey. Iniisip ko pa nga lang ang mangyayari sa buhay mo, gusto ko ng patayin lahat ng nanakit at mananakit sa'yo..."
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
DiversosA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024