"Good morning." Reymark said after hugging me.
Manipis akong ngumiti kay Reymark nang bumalik na siya sa pagkakaupo. Kitang kita ko ang tingin ni Hershey sa akin.
"You shouldn't hug Maica, Rey. I can smell her laway na panis from here! Kagigising lang niya!" Ymee uttered, chuckling.
I raised my middle finger to her and rolled my eyes.
"Actually, mabango pa rin siya..." Ngumisi si Reymark.
Hindi ko alam pero mukhang may sumampal sa akin. Imaginary slap! Baka sobrang pula na ng pisnge ko ngayon. Nang tignan ko si Jasper, masama na ang tingin niya kay Reymark.
Hindi dapat ako kinikilig pero putang ina, bahala na nga!
"Na hurt ang damdamin ko," Seryoso na parang bata si Jasper. "Yayakapin ko na sana si Maica pero nakipag-unahan ka pa!" Dugtong ni Jasper na na kay Reymark ang tingin.
"Wish us luck, okay?" Bulong ni Lyrel sa akin sabay yakap at halik sa noo.
Magkasalubong naman ang kilay ni Jasper nang yakapin ako at napanguso. Hindi niya matanggap na naunahan siya ni Reymark at Lyrel na yakapin ako.
"Para kang bata, si Leyo nga... hindi nakayakap!" Ani ni Hershey kay Jasper.
"Wala akong pakealam sa kanya!" Napairap si Jasper. "Teka nga, napapansin ko... hindi na kaayo gaanong nagkakasama, ah! May problema ba kayong dalawa?" Tanong pa ni Jasper at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Leyo.
Napatingin naman ang mga pinsan ko sa akin. Nagtagpo ang mata naming dalawa ni Leyo pero siya ang naunang umiwas at tumayo.
"Let's go! Daan tayo sa uptown, gutom na ako!" Sabi lang ni Leyo at tinalikuran kaming lahat para maunang lumabas ng bahay.
"Gutom? Kakakain niya lang!" Ani Kuya Paul.
"May problema nga..." Si Chin at tumingin sa akin. "May kasalanan ka kay Leyo?"
"Ako kaagad?" Inis kong sabi.
"For sure, si Leyo ang may kasalanan." Sabi ni Hva at ngumiti sa akin.
"Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi pa kayo bati, pero alam naman nating lahat... na si Maica talaga ang nauuna sa tuwing may misunderstanding." Si Kuya Paul na nakangisi.
"But this time, it's not me!" I spoke.
"It's not you, it's me!" Pang-aasar pa ni Lyrel at kunwaring humagulhol na parang baliw.
Napairap nalang ako at hinayaan sila sa kung anong gusto nilang isipin. I raised my brows to Hershey who's looking at me like I am the greatest maldita in the whole world. Hindi naman siguro. Umiwas ng tingin sa akin si Hershey at tinignan si Rabella na abala pa rin sa paglalaro.
"We'll go now," Si Kuya Paul.
"Onward, Crusaders!" Reymark said, huskily.
Reymark fist bump the four. Ganoon din ang ginawa ni Kuya Jhamer, Hva. Si Vince, Edmar at Dave rin na nasa camera kina Leyo.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024