"Ang sarap bumalik sa Cebu!"
Sinamaan ko ng tingin si Dave dahil sa bigla niyang pagsigaw habang nagsusuot siya ng sapatos. Tumawa kasi si Matthew habang pinapakain ko siya.
"Bumalik ka na lang doon para wala ng gago dito sa bahay. Sama mo si Vinzent." Pang-aasar ko.
"Hindi, Ate." Dave chuckles. "Totoo talaga. Ang sarap bumalik sa kubo nina Lola. Walang school works at walang research na iisipin! Sobrang peaceful lang! Ba't kasi umuwi tayo kaagad kahapon nang dumaan tayo kina Lola, eh! Sandali lang tayo 'dun! Ni hindi man lang natin kasama sina Lola sa pag celebrate sa birthday ni Ate Hershey!"
Hindi kasi nakasama sina Lolo at Lola dahil nilalagnat si Lolo at kailangan siyang alagaan ni Lola. Ang sabi ni Hershey nang tumawag sa kanya si Lola ay hindi na lang daw kami mag ce-celebrate sa Island pero ayaw iyon ni Lolo. Magagalit daw sila kapag hindi natuloy nang dahil lang sa kanila. Sapat na daw sa kanilang daanan namin sila sa Kubo.
"Alis na ako, mga anak!" Mama said when she walked downstairs and kiss Matthew.
"Take care, Mom!" Dave shouted. "Ay, wait! Mama! Allowance! Allowance! Allowance!"
"Hoy, ang ingay ingay mo!" Sita ko dahil tinatawanan na siya ng bunso naming kapatid at ginagaya.
"Nasa Ate mo! Take care, mga anak!" Sigaw din ni Mama sa labas at narinig na naming bumusina siya for us to know na nakaalis na talaga siya.
"Na sa'yo allowance namin for one week?" Masungit na tanong sa akin ni Dave pero nginisihan ko lang siya. "Tang ina, babawasan mo na naman!"
When Matthew already done eating ay kaagad ko na ding binigay kay Dave ang allowance niya. I ponytailed my hair and wash the dishes while comfortably knowing that my younger brother was playing.
"Vinzent, hurry up!" I shouted when I'm done.
"I gotta go, Ate!" Si Dave.
"Wait, aalis ka na?" Gulat kong tanong. "Hindi mo na naman ba hihintayin si Vince?"
"Yeah..." Tumango siya. "Magra-rank pa kami ng mga kaklase ko." Sumasayaw siya habang naglalakad papunta sa pinto.
"Ba't mo na ba laging iniiwan ang kapatid mo?" Inis na kong tanong kay Dave na akma na talaga siyang lalabas ng pinto. I was referring to Vinzent.
"Ate Boss, Ang bagal ng kilos ng batang 'yan! Daig pa isang babae! Kapag ginigising magagalit naman! Lagi nalang late! Akala mo naman siya 'yung teacher!" Sagot ni Dave nang lumingon siya sa akin. Tumawa na naman si Matthew sa kanya kaya napatawa din kaming dalawa.
"Sino maghahatid sa'yo?" I asked.
"Sasabay na ako sa paghatid ni Kuya Edmar kay Chin simula ngayon. Vinzent will likely to commute. 'Yun ang gusto niya. Minsan nga nilalakad niya lang 'yung Xavier Estates to Xavier University, makabili lang daw siya ng sariling sasakyan. O di kaya... sasabay siya kay Kuya Reymark dahil pareho naman silang laging late!"
"Reymark is different. Matalino siya!"
"Ay, wow! Academic achievers kami ni Vinzent, Ate! Hindi kagaya mo na simula kinder hanggang senior highschool, hindi man lang makaranas makahawak ng medal! Medal sa pagiging best actress, pwede pa."
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
De TodoA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024