"Ate, anong oras matapos ang klase mo?"
Napatigil ako sa pagsusuklay sa harap nang salamin nang madinig ko ang boses ni Dave sa labas. Kakatapos ko lang maligo at may klase pa ako.
"Hindi pa nga nagsisimula ang klase, tinatanong na kaagad." Reklamo ko sa sarili. "Sabihin mo kay Mama na wag siyang mag-alala at hindi ako gagabihin."
Bumaba kaagad ako pagkatapos kong mag-ayos. Nagpaalam na ako kina Mama at hindi na ako nag almusal pa pag gising ko tapos hindi pa ako nag tanghalian ngayon nang dumating na si Kuya Paul. Sumabay ako sa kanya papunta kina Hershey. May sadya kasi siya kay Kuya Jham. Hindi pa naman ako male-late.
Nakatanggap pa ako ng text galing kay Kent habang nasa kotse ako ni Kuya Paul pero hindi ko na muna siya nireplyan.
From: Kj
Hey bai, I'm gonna be busy today, I'll text you once I'm done. Talk to you later, mahal.
"Thanks, Lord!" Saad ko at naupo sa tabi ni Hva na kumakain pagpasok namin sa bahay.
"Hindi ka na naman nag almusal? Isusumbong kita sa Papa mo." Biglang sabi ni Tito Charlie pero nginitian ko lang siya.
"Kaya nga ako manananghalian dito," Natatawa kong sabi at tinignan si Tita Clarise. "Hi, Tita! Ang ganda mo today!" Dugtong ko at dumungaw muna sa kanya para mahalikan ang pisnge niya.
"Kumain ka na, wala ako sa mood." Sagot naman ni Tita Clarise sa akin.
Napanguso nalang ako at kumain na. Kinikindatan ko pa si Kuya Jham dahil mukhang wala din siya sa mood at inaantok pa. Si Hva at Tito Charlie lang ang kumakausap sa akin. Si Kuya Paul naman ay nasa sala at nakaupo sa sofa.
"Mama!" Napatayo kaming lahat nang marinig namin ang sigaw ni Hershey nang pababa siya sa hagdan.
"Hindi na hinhin 'yarn?" Dinig kong pang-aasar ni Kuya Paul. Inirapan lang siya ni Hershey.
"Ano ba nangyayari sa'yo?" Iritang tanong ni Tita Clarise.
"Are you okay, Shey?" Kuya Jham asked.
"Ma, si Leyo, Ma!" Parang batang saad ni Hershey. "Nag pa-print sila ni Kent ng maraming ice candy for sale na papel tapos dinikit nila sa mga bahay bahay!"
What the fuck?! Ayan ba ang sinabi niyang pagkakaabalahan niya?
"Ayan na!" Naupo ulit si Tita Clarise. "Sinasabi ko sa'yo, Charls! 'Yang anak mo talagang 'yan ako mamamatay!"
"Ang OA mo naman, mabait naman si Leyo." Si Tito Charlie.
"Maupo ka na dito, Shey. May klase ka pa." Tawag ni Hva.
"Hindi ka ba kakain, Paul?" Tanong ni Hershey. Umiling lang si Kuya Paul. "Hi, best girl! Ang best friend mong gago kasama ang boyfriend mong tarantado, ayun dinikit sa buong bahay sa subdivision ng The Grove ang pinaprint nilang Ice candy for sale. Pati bahay nina Reymark, huh!"
"Sino naman nagsabi sa'yo?" Tanong ko.
"Nahuli ni Ymee kaninang umaga, tawang tawa!"
"Kumain ka na, Shey..." Si Tita Clarise.
"Si Reymark ba, doon natulog sa inyo kagabi?" Masama kong tinignan si Kuya Jham sa biglang pagtanong niya. "I was just asking."
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
De TodoA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024