You'll experience both the best and the worst emotions throughout life. It will remain unpredictable, demanding, and challenging at times. You'll still receive hazy road signs from it, up until you lose your equilibrium, and it will keep throwing and spinning you around until you figure out how things work for you, whether you go along with it and be complacent or fight back and take risks, it will keep pushing you around.
You will still find yourself moving forward, you will still find reasons to board another train, you will still continue to live and breathe. However, living through its stormy scene and getting through every difficult road are elements of it. Even though you may have suppressed many worries and concerns at night, you will still find yourself taking the shots the next day.
"Mukhang stress ka na sa trabaho mo..." Ani sa akin ni Leyo nang sumampa siya sa kama ko habang ako ay tinutuloy ang pag gawa ng blueprint ko. "Ba't andami pa din nagkakandarapa sa'yo?"
"Ako na to, oh." I smirked.
"Really? Iniwan ka nga, eh," He teased me. "Uuwi na 'siya'. Hindi ka ba sasama saming sunduin 'siya'?" Leyo asked me.
"Kayo nalang," I answered.
"Talaga?" Ngumisi siya. "Pa'no ba 'yan? Nagkabalikan na sila ng kaibigan ko."
"Ano bang pakealam ko?" Inis kong sagot at sumasayaw naman itong lumabas sa kwarto ko at sinara ang pinto upang asarin ako.
Napaisip ako saglit habang nakatingin sa mga documents na pinoproseso ko pa lang. Uuwi na siya? Ba't pa!? Ano namang gagawin niya dito? Akala ko ba tatapusin niya ang med sa ibang bansa?
Napakurap ako nang biglang tumunog ang phone ko. Someone is calling so I answered it.
["Hey! Susunduin namin 'siya'. San ka na? Hindi pwedeng hindi ka kasama!"] It's Ymee.
"I am busy. " I lied.
Yes, I lied. I just don't have any excuses. Wala din akong masabi kahit gusto ko naman talagang makita siya.
["No, you gotten be lying!"] It's Hershey.
Shit, that girl! Nalalaman niya talaga kaagad kapag nagsisinungaling ako.
"No, I'm not." I answered coldly.
["Really? Hindi mo ko maloloko! Leyo said, nagpapakabusy ka lang!"]
Shit!
["Just let him be. Hindi talaga 'yan sasama. Kawawa naman, broken!"] Dinig ko naman ang pagpapadinig sa akin ni Hva.
Kung noon, hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi ako pumapayag kapag may gusto silang gawin, ngayon ay parang hinahayaan nalang nila ako. Eh, ano naman? 'Yun naman ang gusto ko. Hindi pa ako handang makita 'siya' kaya ba't ako sasama? Ano namang pakealam ko kung uuwi na siya? Natural, uuwi naman talaga siya!
Bukod doon, siguro hindi na siya kagaya ng dati o baka mas sumobra pa siya sa dati. Binalikan niya pa talaga 'yung naging ex niya? How dare her? Is that mean, she didn't love me at all? Ang kapal ah, mas gwapo pa nga ako dun! Ang lakas talaga ng pagiging pagsubok niya sa buhay ko.
Napatingin ulit ako sa phone ko nang may nag pop-up na text message sa akin galing sa unknown number. Wow, ang bilis niya namang nalaman. Nagpalit na naman 'yata ng number ang babaeng 'to.
From: Unknown
Magpaka-stay toxic ka na lang, Kuya.
_______
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024