Kapitulo 47

22 3 0
                                    

"Just send your prospectus to mom's email when its available,"







Pinatay ko na ang video call namin ni Dave sa harap ng laptop ko. Nag-isang buwan na simula no'ng birthday ni Tito Tepen at nakauwi na nga kaming lahat dito sa Cagayan de Oro pero si Dave lang ang nanatili doon. Natatawa pa ako kapag naaalala ko kung paano naiiyak si Chin nang malaman niyang hindi mag aaral sa Cagayan de Oro si Dave.







They are really close with each other to the point that people think they are twins. Parehong matangkad at parehong morena at moreno. Sa palagi nilang magkasama noon ay nahahawig na talaga sila ng mukha sa lahat ng anggulo.






"Tapos ka na ba?" Biglang dumating si Leyo.





Nakasunod naman sa kanya si Nicole at Lembert na nag-aasaran na naman kaya inayos ko na ang gamit ko at tumayo na. Tumango ako kay Leyo at siya na ang nagdala ng tote bag ko kung saan nakalagay ang laptop. Siya na din ang nagbukas ng payong para payongan ako. Ganoon din ang kanya kanyang ginawa ni Lembert at Nicole hanggang sa makalabas kami ng XU.





"Bakit hindi sumama si Zye?" Tanong ko.





"Ewan ko pero sabi niya ay may importante daw siyang gagawin ngayon. Sinundo nga siya ni Bernard sa room kanina, eh." Si Lembert ang sumagot sa akin.





Napagpasyahan kasi namin na dumalaw sa puntod ni Kent. Halos dalawang araw sa isang linggo ko dinadalaw si Kent at kinakausap. Nasasanay na din ako na dumating sa punto na nakakaya ko na at medyo magaan na ang pakiramdam ko. Noong bumalik ako galing sa Cebu ay napagpasyahan ko kaagad na ipa-tattoo ang pangalan ni Kent sa katawan ko. I tattoed his name on my back. Kaunting design lang at maliit niyang pangalan. Masakit pero mas masakit 'yung nawala siya. Sobrang liit lang talaga. Saka lang mababasa kapag tinignan ng maigi. He will forever be a part of me.





First week pa nga lang ng pagiging second year ay napapagod na ako sa dami ng gagawin. Mabuti na lang ay maayos na ang pakikitungo ni Dom sa akin kahit na medyo mabigat talaga ang schedule namin. Nalaman ko ding hindi pala first choice ni Dom ang biology. He really dream of being a pharmacist, sinunod niya lang daw ang sinabi ng Nanay niya. Kung nagkataon ay sana sila ni Ymee ang magkaklase at magkaaway. Sana talaga nangyari 'yun!





"Ba't mo kasi sa labas pinark ang kotse mo?" Maarte kong sambit kay Leyo.





Dumaan muna kami ng grocery upang mamili ng makakain at mabilis naman ang pagpapatakbo ni Leyo ng kotse kaya mabilis kaming nakarating sa sementeryo. Nauna nga lang akong naglakad sa kanila papunta sa puntod ni Kent. Inayos pa kasi nilang tatlo ang mga gamit sa kotse at nahulog din ni Nicole ang ilan sa mga pagkain. Nilinis ko saglit ang lapida ni Kent. Hinaplos ko pa ang pangalan niya doon habang nakangiti bago ko sinindihan ang kandilang dala ko at nilagay sa gilid ang bulaklak na para sa kanya.






"Sa dami kong naikwento sa'yo, may isang bagay talaga akong nakalimutan sabihin sa'yo..." Sabi ko sa harap ng lapida.





Bumuntong hininga ako at umayos ng upo sa damo. Wala na akong pakealam kung madumihan ang type A uniform ko basta ay  komportable ako.





"You know what, I tattooed your name at my back, mahal..." Masaya kong sambit habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa kwentas na binigay niya. "It's minimalist too just like what you like. I tattooed it because you always tell me that I got your back always. I'm taking you with me everywhere I go, bai... I had you since May twenty-five and after three years in January twenty-five, God upgraded you. From simply being my lover to being my angel. I will try my very best to lead the life we dreamed of."





Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now