Kapitulo 54

23 2 0
                                    

"Nakapag-usap na ba kayo ni Ymee?"













It's friday afternoon and I am here in Tita Eyla's house. Hinihintay kong matapos sila nina Rabella at Rhealyn sa pag-aayos dahil nga may usapan kaming lahat na mag pi-picnic. Hindi kasama ang mga lalaki. Kami kami lang na mga babaeng Allena. Nandoon na sina Tita Bernalyn, Tita Clarise, Tita Achi at Tita Cassy sa area kasama sina Ymee, Hershey, Ayla at Chin. Si Matthew naman ay pinapabantay ni Mama kay Tito Dwight. Nasa kina Lyrel ngayon ang kapatid ko.








"Bakit naman ako makikipag-usap sa kanya?" Pabalik kong tanong kay Reymark.











Kakababa niya nga lang galing sa kwarto niya at 'yan kaagad ang isasalubong niya sa akin. Suot niya pa ang Type A uniform niya kaya siguro ay may klase pa siya.









"Wala naman daw siyang problema sa'yo pero sa ginagawa mo meron." Ngumisi si Reymark. "Ikaw na naman ang problema. Ano na naman ba ang ginawa mo?"








"Talaga? Sinabi niya 'yan?" Napatayo ako sa pagkakaupo sa sofa pero pinabalik niya ako ng upo sa tabi niya.










"Galit ka kaagad," Natatawa si Reymark.








"Kasalanan mo kung sasabunutan ko siya mamaya!"








"Ano ka ba naman," Nakangisi si Reymark. "Binigay ko na sa kanya 'yung sulat. Ang sabi niya ay makikipag-usap daw siya sa'yo kaya akala ko ay nakapag-usap na kayo. Malapit na midterm, alangan naman at mag te-take kayo ng exam na may iniisip na problema."











"Lagi nga kitang pino-problema, may exam man o wala..." Bulong ko.











"Huh? Anong problema sa'kin?"











Sinamaan ko ng tingin si Reymark pero kinindatan niya lang ako kaya umiwas kaagad ako sa kanya. Aalis na sana ako para puntahan sina Mama sa kwarto ni Tita Eyla nang bigla namang dumating si Ayla.










"Oh? Akala ko ba ay nauna na kayo?" Tanong ko.










"Nagpaiwan ako, Ate, dahil sasabay ako sa inyo." Sagot ni Ayla at hinalikan ako sa pisnge nang makalapit siya.










Umupo siya sa gitna namin ni Reymark at ginalaw ni Reymark ang buhok ni Ayla. Nakakunot ang noo kong napatingin kay Ayla nang marinig siyang bumuntong hininga.








"You're not okay." Si Reymark. "Anong problema, Ayla?"








"Ate, Kuya, tulungan niyo naman ako..." Ani Ayla. "My father always ask me on what course I will take in college. Hindi ko pa kasi alam!"










Senior High na si Ayla at GAS ang kinuha niyang track. Talagang hindi niya pa nga talaga alam sa ngayon ang gusto niyang kurso.









"Just tell them honestly that you don't know yet." I answered. "Surely, Tito Dwight would understand."










"Pinapatanong din kasi 'yun ni Lolo J sa akin. Lagi akong tinatawagan..."








"Tell them what you really want. Kung wala ka pang desisyon, tama namang makakapaghintay sila." Sagot naman ni Reymark.









Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now