Kapitulo 61

19 2 0
                                    

"Ang init!"














Pagpasok ko pa nga lang sa loob ng room ay sumalubong na kaagad sa akin ang maiinit na mukha ni Eliyan, Dominique, Jolly at Joaquin sa akin. Wala akong ibang marinig sa buong room kundi ang reklamo nila kung gaano sila kanaiinitan. Napabuntong hininga nalang ako nang makitang wala si Romer. Siguro ay mamaya pa 'yun dahil palagi namang late 'yun.








"Si Romer ba hinihintay mo?" Joaquin asked.








"Hoy, wag kang mag hintay!" Sabi naman ni Jolly. "Galing na 'yun dito, pinapabigay niya lang sa akin ang assignment niya. Hindi daw siya papasok."








The heck? Hindi siya papasok? Putang ina, ako ba 'yung rason? Hindi naman siguro, no?  Hindi dapat! Matalino siya, siguro naman ay hindi siya tanga.










"May sinabi ba siya sa'yo, Eliyan?" Tanong ko.








"Wala, kakarating ko lang kaya!" Aniya. "Hindi ko siya nakita buong araw."








"Ayun lang ang sinabi niya, Jolly?" Tanong ko ulit sa kaibigan.








Nagdadalawang isip pang tumango si Jolly. "Ayun lang talaga! Baka... absent lang siya dahil mag pa-practice sila ng talent 'nung partner niya!"








"Ba't ba alalang-alala ka?" Natatawa si Joaquin.








Hindi nalang ako nagsalita at hinarap sa sarili ang dalang maliit na electric fan. Hindi ko naman dapat isipin si Romer. Ni kahit kailan naman ay hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa amin. Siguro ay wala talaga. Ako lang naman ang nag-iisip na baka meron.










"Ang ganda mo talaga, like everyday." Biglang sambit ni Eliyan sa akin kaya nakakunot ang noo kong lumingon sa kanya.








"Anong 'yari sa'yo?" I asked.








"Kahit saan ka magpunta, sobrang ganda mo." Eliyan smile grew more. "Tapos lagi ka pang mabait, mapagbigay! Ang balita ko nga ay marami daw nagkaka-crush sa'yo... baka nga bigla isang araw ganoon din ako. Ayoko na lang sabihin pero..."











"Pero, ano?"











"Pwede pakopya sa assignment?" Nakangising ani pa ni Eliyan. "May hangover kasi ako kagabi, hindi ko nagawa!"








Umirap ako. "Ayan, Eli! Diyan ka magaling!"









Napahagikhik si Eliyan sa naging reaksyon ko.








"Saang libingan ka ba bumangon, ha?" Sabi ko pa.








"I'm telling the truth," Ngumisi siya. "Naiinitan ka ba?" Tanong niya pa at kunwaring may hinahanap. "Ipapaayos pa kasi ang aircon sa room na 'to!"








Tumayo pa siya at deretsahang kinuha ang hawak na maliit na mini fan ni Jolly at hinarap sa akin. Nakita ko pa kung paano umirap si Jolly. Dalawang mini fan na ang nakaharap sa akin ngayon.








"Pakopyahin mo na ako, Mai..." Napanguso pa si Eliyan.








"Ba't di ka nalang sa'kin mangopya? Tama naman ang mga sagot ko!" Ani Jolly.








Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now