Kapitulo 49

23 2 0
                                    

"Thank you." I said.















Nagpaalam na din ako kay Romer pagkatapos niya akong maihatid sa labas ng subdivision. Dala niya kasi ang kotse ng Mama niya. Apat na oras na akong late sa pag-uwi. Hindi ko pa sinabi kay Leo kung saan ako pumunta at hindi ko din sinagot ang mga tawag ng pinsan ko.









Romer accompanied me to go to my favorite fastfood. Hindi naman ako sanay na nililibre ako kaya siya nalang ang nilibre ko. Natagalan lang kami dahil nga ay napasarap ang kwentuhan namin tungkol sa buhay niya. Hindi man lang kami nakapaghalikan pero atleast madami na akong alam sa kanya dahil hindi naman siya mahirap pakisamahan. Ayoko sa mga lalaking palatanong at hindi siya ganoon.











I receive a text from Lyrel. Naglalakad pa lang ako sa gilid ng daan ng subdivision nang mabasa ko iyon. Nag reply na din ako.










From: Idiot

Wyd rn?







To: Idiot

Sleeping.







From: Idiot

Gago!












Tawang-tawa akong pumasok ng bahay habang kinakamot ang siko ko para hindi ako mapagalitan. Sinalubong kaagad ako ng mga seryoso na mukha ng mga pinsan ko. Si Lyrel at Hva na masama ang tingin sa akin lalo na ang kapatid kong si Vince. Si Leyo naman ay walang pake at patuloy lang na kumakain ng apple. Ganoon din si Chin at Kuya Paul. Si Ymee naman ay napatayo sa pagkakaupo sa sofa.










"Saang planeta ka galing?" Lyrel asked.









"I was in..." I don't know what to say. "I am with the Red Cross Team. May biglaang meeting kami."









"Talaga?" Si Kuya Paul at napatingin silang lahat kay Ymee.












Shit! Nakalimutan kong siya pala ang VP!










"Hindi siya sumama sa meeting—"










"Oo, hindi ako sumama. 'Yung meeting na biglaang sabi ng coordinator namin. Sinabi kong may klase ako pero ang totoo ay pagod lang ako kaya hindi ako sumama." Si Ymee.











"Eh, bakit 'nung tinanong ka namin kanina kung nasaan si Ate, eh, sabi mo, hindi mo alam?" Ani naman ni Vince.








"At may meeting bang umaabot ng alas nwebe ng gabi?" Si Leyo.









"Magsabi ka nga ng totoo, nakipag-date ka ba?" Tanong naman ni Hva.








"Anong date? Sino naman ang i-de-date ko? Grabe sila, oh!" Kunwari akong natatawa.









"Ah!" Jemryll shouted. "Si Psych Boy!"







"Huh?" Nagulat ako. "Anong Psych? Gago! Hindi, no! Hindi naman siya ang taste ko!"










"Mukha mo!" Si Vince.








Tinaasan ko ng kilay ang kapatid ko nang makita ang suot niya. "Ba't mo na naman suot ang sweater ko? Lagi ka nalang nakablack!"









"Oh, dahil ready na kasi ako sa funeral mo." Naiinis na si Vince.










"Baka mas mauna ka pang mamatay sa akin!"











Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now