Kapitulo 75

22 2 0
                                    

"Rey!"









Napatigil ako sa harap ng pintuan sa kusina nang biglang dumating si Hershey. Nakaayos na ito. Sinalubong niya kami ni Reymark. Nakasunod naman si Lolo J sa kanya at binigyan kami ng tig-iisang tuwalya.






Nauna na akong pumasok kay Reymark. Kaagad akong naligo at nagbihis sa kwarto ko. Sakto namang inaayusan ko ang sarili ko nang may biglang kumatok. Sumigaw lang ako para magsalita ang nasa labas.









"What the fuck, Vince!" I shouted. Siya naman lagi kasi ang kumakatok sa tuwing nasa kwarto ako.









"This is Edmar!" Sigaw nito sa labas. "Hurry up, Universe!"









Dali dali ko namang sinuklayan ang buhok ko at sinuot ang sandals ko. Saka ko lang naalala na flight niya na pala mamaya kaya ihahatid namin siya sa airport. Magkasama sila ni Tita Cassy.









Nang bumaba ako ay naabutan ko sa sala sina Mama at Papa kaya ganado akong yumakap sa kanila. I kissed my parents cheeks. Si Matthew ay nasa kandungan ni Papa at nakayakap. Hindi ko naman inaasahang pupunta sila dito kaya nasorpresa talaga ako.









"Wala kang flight, Captain?" Tanong ko kay Papa, malaki ang ngiti.









"Wala pa, sa susunod na bukas pa." Sagot ni Papa.







"Hindi niyo man lang sinasabi na pupunta rin pala kayo dito," Ani ko.









"Mauuna rin kaming uuwi sa CDO bukas, Mi amore..." Napanguso si Papa nang sinabi niya iyon, hinawakan niya pa ang pisnge ko. "Itong Mama mo kasi... kapag umuwi galing sa office, umiiyak. Ang sabi niya ay 'Kinuha mo sa akin ang lahat ng anak ko, Zander. Pag hindi mo 'yon kukunin, susunogin ko talaga ang bahay na 'to.' So, I cancelled all my flights. Namiss lang pala kayo!" Gayang gaya pa talaga ni Papa si Mama.









I chuckle.






"You know that I'm not used to be alone at home. Kapag umuuwi ako galing sa office, sinong kakausapin ko? 'Yung pader?" Sarkastikong sabi pa ni Mama at tumingin sa akin. "Sabi ko naman kasi sa inyo na wag niyong isama si Matthew para may kasama naman ako..."









Nagpaalam na rin ako sa kanila at lumabas na ng kubo mansyon. Nadatnan ko pa si Reymark at Hershey na seryosong nag-uusap sa balcony. Nang makita ako ni Hershey ay nauna na siyang umalis at pinuntahan ang mga pinsan namin sa Van.









Reymark looked at me. He lightly smiled at me, and I did the same with him. We have a matchy outfit again. I wore a white top and black short skirt. While him, he wore a white long-sleeved polo folded up to the elbow and his black ripped knee jeans. We both have white shoes. And he also wore his white cap backwards again.





"Anong pinag-usapan niyo ni Hershey?" Tanong ko.









"Tinanong niya lang sa'kin kung nasaan na daw ba 'yung pusang lagi kong kasama." Reymark answered.









My forehead creased. "Nasaan na nga ba?"









Napapansin ko nga rin 'yon. Hindi ko na nakitang kasama niya 'yung pusang dito lang din naman niya sa Cebu nakita.










"Nandoon siya kay Nicole. Babalik din 'yon sa'kin. Mas lumalapit kasi siya kay Nicole kesa sa ibang tao."









"Lumalapit din naman 'yun sa'kin, ah?"









Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now