Kapitulo 38

24 2 0
                                    

Hirap akong bumangon nang maramdaman ko ang sakit sa ulo pero bumangon pa din ako nang makita ang text ni Hershey na nasa Starbucks silang tatlo ni Chin at Ymee. Kaagad akong pumunta doon gamit ang bike ni Vince pero naabutan kong apat pala sila dahil nandoon din si Reymark.






Hindi muna ako pumasok sa loob nang may tumawag sa akin. Napangiti ako nang makitang si Mark iyon. I didn't expected to see him here. Ang laki na talaga ng pinagbago niya!






"Hello!" I greeted.






"Can I hug you?" Aniya.






Napairap ako sa inis. Gago ata 'to! Umiling ako na ikinatawa niya. I don't have a choice so he hugs me. Ayoko namang isipin niya na sumubra na ang kasamaan ng ugali ko. It just a three seconds though and I leave him alone outside. Ni hindi ko nga siya inayang pumasok sa loob.






"Are you... having a thing with Mark?" Kaagad na tanong ni Ymee sa akin.






I rolled my eyes. "Of course, no!"





"Good." Si Reymark na seryoso ang tingin sa akin. Hindi ko talaga nalalaman kung anong iniisip nitong taong 'to!





"What are you looking at?" Mataray kong tanong.





"A mistake."





"Hoy," Chin laughed. Ganoon din si Ymee at Hershey na inaasar na ako.





"You know what, Jemjem, Ayoko talaga sa Mark na 'yan!"





"Sino bang nagtatanong?"





"Oo, may pangalan siya sa pangalan ko pero wala siyang kagwapuhan na kagaya ko." Mayabang na dugtong pa ni Reymark.





"Bakit naman ayaw mo sa kanya? You don't even know him."





"Is it good to have a friend like him?" Hershey asked.





"Yeah, Not until he started to mentioning me in romantic posts."





"I knew it!" Si Ymee.





"Ayoko nga din sa kanya, eh! Like, ew! Ang jejemon niya kaya!" Parang nandidiri pa si Chin.





Hindi na ako nagsalita at kinain na lang in-order nilang ube cake para sa akin. Alam kong nakatingin silang apat sa akin. Siguro ay akala nila ay hindi ako maayos dahil iniwan ako ni Kent. Kahit noong pasko at bagong taon ay ako pa rin ang inaalala nila. Lalo na sina Lolo at Lola na kakabalik lang ng Cebu. They celebrated here with us last month or should I say last year.





Ang haba kasi ng bakasyon namin dahil maaga ang simula ng klase noong nakaraang taon. Hindi namin gaanong na enjoy 'yun kaya nag pa-plano na ang mga pinsan ko na mahaba ang bakasyon namin ngayon kasi sa June pa ulit ang klase. Hindi ko nga lang alam kung saan nila gustong pumunta.




Napatingin naman kami sa phone ni Ymee sa mesa na kanina pa nag ri-ring. Si Ymee naman ay inis na inis na kinuha ito.





"Kanina pa 'to tawag ng tawag si Hva! Mang be-bwesit na naman!" Ani ni Ymee.





"Maybe my brother really needs something." Si Hershey.





"Sagutin mo na!" Si Chin.





Umalis si Ymee at lumabas ng Starbucks para sagutin ang tawag. Si Chin at Hershey lang ang nag-uusap sa aming apat at panay sagot lang si Reymark kapag tinatanong siya ng dalawa. Alam naman niyang hindi ako komportable sa kanya tapos pagdating ko, nandito pala siya!





Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now