"Ang ganda mo talaga!"
Kakalabas ko pa nga lang ng comfort room ay sinalubong na kaagad ako ng compliment ni Rhealyn. Sinamahan niya akong magpalit ng dress para sa after party pagkatapos ng event ko.
Sina Mama at Papa kasama ang mga Tita at Tito ko ay hindi na nakisali pa sa after party o baka sa kwarto na lang daw sila mag-iinuman, ewan ko. Ganoon din ang ibang guest na kaibigan ni Mama ay pumunta na sa kanya- kanyang room ng resort. Si Lolo J at Lola J naman ay nagpapahinga na. Nakadaming shots na 'yun si Lolo!
Pagpasok ko pa lang sa venue ay malakas na tugtug na ang sumalubong sa akin. Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa loob ng biglang si Lembert naman ang nakasalubong namin ni Rhealyn. Buhat buhat nito si Zye na nag pass out na nga talaga. Nakasunod naman si Marco at Shawn.
"Mukhang hindi na namin matapos ni Shawn ang party, Mai..." Aniya ni Marco.
"Happy birthday ulit, Maica..." Bati ni Shawn, may kung anong ilang pa rin.
"Hindi ko na birthday, pasado ala-una na!" I answered.
"Dadalhin muna namin to sa kwarto," Sabi naman ni Lembert. Mukhang nabibigatan na siya kay Zye at naunang naglakad sa mag jowa. "Marco, bantayin niyo 'to, ah! Iinom pa ako!" Dinig ko pang sambit ni Lembert.
Pumasok na kami ni Rhealyn at wala pa nga ako sa gitna nang sinalubong na ako ng shots ni Nicole. May hawak pa siyang isang bote ng tequila sa isang kamay niya. Ininom ko naman kaagad 'yun. Bigla namang lumapit si Rabella sa amin at binigay kay Rhealyn ang juice niya. Bawal siyang uminom!
"Saan Kuya mo?" I asked Nicole.
"Nasa couch," Sagot ni Nicole at bigla akong niyakap. "Lalasingin ko si Leyo at itatapon ko siya sa dagat!" Bulong pa ni Nicole sa akin bago ako iniwan.
Nakita ko naman si Ymee sa gilid kasama si Edmar at Kuya Carlos. Mukhang umaasta silang parang DJ ng bar. Hindi ko na sila nilapitan at dumereto na ako sa couch na nasa gilid. Doon ko nga nakita si Kent na kausap si Kevin at Juryden.
"Hi..." I greeted.
"Oy, birthday girl!" Si Juryden.
Tumayo naman kaagad si Kevin at binigay sa akin ang hawak niyang glass na may inumin. Ininom ko 'yun sa harap nila bago silang umalis ni Juryden. Umupo ako sa tabi ni Kent at sumandal sa dibdib niya.
"Wag kang masyadong uminom..." Bulong ni Kent. "Wala akong pakealam kung birthday mo..."
"Bawal akong uminom?" Tinignan ko siya. "Okay na nga kina Mama at Papa, eh!"
"Sa akin hindi..."
"And why?" Tanong ko pa. Napatingin ako sa labi niya. He parted it so I kissed it.
Nagulat pa siya sa ginawa ko kaya inulit ko.
"Pwede ka namang uminom..." Ngumisi siya.
"Ikaw nga, naaamoy ko ang alak sa bibig mo!"
"Eh, paano? Hindi ko matanggihan ang dalawang kapatid mo!" Aniya. "Sunod-sunod ang binigay na shots sa akin!"
"Maica!" Biglang lumapit si Jasper. Ang suot niyang long sleeve polo ay wala na sa ayos pero ang gwapo niya pa rin. "Kukunin ko muna pinsan ko, ah!" Hinigit na kaagad ako ni Jasper nang hindi pa nga nakasagot si Kent.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
De TodoA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024