Kapitulo 77

25 2 0
                                    

"Hey, Maica!"










Nag-angat ako ng tingin sa biglang dumating at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.









I smiled to Shiela. She's a friend of mine. Beangka's closest friend in her department, kaya hindi naging mahirap sa amin na maging magkaibigan na rin. Shiela is just a simple girl, lalaki kung gumalaw, pero kapag nakabuhayhay ang mahaba niyang buhok ay tsaka lang nakikita ang hugis ng mukha niya at ang tunay niyang ganda.






"Saan si Beangka?" I asked.






"Hindi pa tapos sa activity niya. Susunod nalang raw siya rito!" Sagot pa ni Shiela. "Palapit na finals, no? Tambak na nga mga gagawin ko!"







Mahina akong napatawa. Kapag siya kasi ang kasama ko ay natutuwa ako sa lahat expresyon niya sa mga bagay bagay.







"Look at this," Pinakita ko kay Shiela ang libro kung saan may nag re-reply sa sinulat ko.






"Infairness, maayos ang handwritten!" Shiela commented.







Nag reply na kasi ang mysterious pakialamero ng libro ko. Tinago ko na nga 'to pero may nakakita pa rin.






'Guess what?'






That was the replied. Nagsulat kaagad ako kanina pagkarating ko sa XU.







'English? Tagalog? Two words?'



'De joke. Lalaki ka, tama?'






Reply ko 'yan.







'Yes :)'






'Pagod na ako sa pag-aaral ko! How about you? Your studies?' I asked directly in the sticky notes.






Ngayon naman ay ang huli niyang reply na nakita ko.






'So far, never been fail. Kaya mo 'yan, girl!'






Napangiti ako dahil sa sinagot 'nung lalaki. Dinikitan niya pa talaga ng isa pang sticky notes na kulay pink para lang makasulat ng reply niya sa akin.






I replied now. I wrote, 'Pasikat!'






"Ex mo pala si Lembert ng computer studies?" Biglang dumating si Beangka at ayun pa talaga ang sinalubong niya sa akin.






"Paano mo nalaman?" Kumunot ang noo ko.






"Ex mo nga?"






"Oo!" Nagdadalawang isip kong sagot. "Siya 'yung maling lalaking nadala ko sa pamilya ko."






Shiela laughed. "Ex mo pala 'yon? Siraulo raw 'yon!"







"Yeah, normal lang 'yun." Napangisi ako.







"Nag stalk ako sa'yo sa IG," Sabi pa ni Beangka. "Akala ko may Allena tattoo ka din sa dibdib katulad ng mga pinsan mo,"







"No, magagalit si Lolo ko." Marahan kong sagot. "Bawal daw sa aming mga babae 'yon kasi madumi tignan. Pero si Chin, kaka-tattoo niya lang ng Allena sa forearm niya. Sa aming mga babae, si Tita Cassy lang ang may Allena tattoo sa dibdib. Maliit nga lang. Minimalist."








Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)Where stories live. Discover now