"Hoy, natanggalan ka lang ng bakal, panay post ka na ng cheesy lines sa wall ni Maica!"
Bungad yan ni Leyo nang makapasok kami sa private room ni Kent. Ngumisi lang si Kent. Si Tita Marecyl sa sofa na tulala at namamaga ang mata ang una kong nilapitan at nagmano pa kami sa kanya.
"Tita, okay lang po ba kayo?" I asked. "Ano pong nangyari? Ano pong sabi ng doctor?" Tumabi ako ng upo sa kanya. Ganoon din si Zye sa kabila.
"Kung may kulang po sa bayad sa hospital, pwede naman po namin 'yang ambagan!" Ani ni Leyo.
"Totoo 'yan, Tita! Nakakapag-ambagan nga kami sa inuman, eh!" Si Lembert.
"Ayos lang ako mga anak, naaawa lang ako kay Kent kasi baka nasasaktan siya." Tita Marecyl answered. Napangiti ako at tumayo upang lumapit kay Kent.
"Hindi, Ma. Maayos na..." Bulong ni Kent.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinalikan siya sa noo. Hinawakan niya pa ang kamay ko kaya malaking ngiti ang ginawad ko sa kanya.
"What are you feeling, mahal ko?" Malambing ang boses kong tanong.
"Maayos na ang pakiramdam ko, medyo sumasakit nga lang ang tuhod ko pero sabi ng doctor magiging maayos din 'to at makakalakad na ako after a week." Kwento pa ni Kent.
"Really? Wow! Good job, Kj!" I kissed his nose.
Napatingin kaming lahat kay Tita Marecyl nang tumayo siya. "Pupuntahan ko lang ang Tito Josie niyo." Nginitian niya kaming lahat bago siya lumabas.
"Okay ka naman na pala, tol, eh! Inom tayo paglabas mo!" Magana si Lembert.
"Bad influence pala 'tong ex mo, Ate! Sisiraan kita kay Tita Lugen!" Pagbibiro pa ni Chin.
"Wag, Chin..."
"Ang corny ng isang 'to!" Pang-aasar ni Leyo kay Kent. "Di naman sila friend ni Maica sa facebook pero panay post ng cheesy lines sa wall ni Maica."
"Kaya siya nai-issue ng Gwapo na Jejemon!" Marco laughed.
"Mahal ko, eh." Ngumisi si Kent. "If you know what the feeling of being inlove, then you would understand." Dagdag pa nito kay Leyo.
"I will never be fall in love with someone." Leyo uttered.
"Tatawanan kita kapag nangyari 'yan,"
Bigla naman akong siniko ni Zye. "Kilig yarn!"
"Naku!" Sabay kaming napalingon sa pinto nang marinig namin ang boses ni Hershey. "Hey guys, sabi ni Nicole dito daw kami magkikita. Kumusta ka na, Kent? Makakapaglaro ka na ba?"
"Hindi ko alam sa sarili ko kung gusto niya pa bang maglaro," Sagot ni Kent.
"Nag cutting ka, no?" Mapang-asar na tanong ni Lembert.
"Aakusahan mo pa ko, eh, hindi naman ako tulad mo!"
"Sabi ko naman sa'yo, Berto, eh! Wag na wag mong kakausapin ang mga katulad ni Hershey!" saad ni Lembert sa sarili niya habang tinuturo turo pa. Nang napatingin siya sa akin ay umirap lang kaming dalawa sa isa't isa.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
SonstigesA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024