"Saan ka ba galing, ha?"
Salubong ni Vince sa akin. Bumuntong hininga ako nang makita sila ni Kuya Jham sa labas ng bahay. Hinatid ako nina Romer. Lalabas pa sana siya ng kotse at siguro ay babatiin ang pinsan at kapatid ko pero kumaway na kaagad ako sa kanya at tumango para umalis na siya.
"Kanina ka pa namin tinatawagan, Ate, hindi ka naman sumasagot!" Si Vince na mukhang naiinis na.
"I'm sorry..." Maikli kong sagot.
"We're here because we will celebrate your birthday," Kuya Jham said and walk towards me. "Happy birthday, Doc..." Dugtong niya pang sabi at hinalikan ako sa pisnge.
Tumango ako kay Vince at Kuya Jham at nauna nang pumasok sa gate. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang hinawakan ni Vince ang kamay ko at iginaya akong dumaan sa bakuran. Pagdating ko sa malaking bakuran sa gilid ng bahay namin ay doon ko nakita ang buong pamilya ko.
Iginala ko ang mata ko sa paligid. Si Reymark lang ang wala. Dave and Edmar are also here pero hindi ko man lang sila mayakap. Hindi ko na alam pero mukha yatang nawawalan na ako ng gana sa lahat kahit wala namang kasiguraduhan.
"Saan ka galing?" Malambing na tanong ni Papa sa akin nang salubungin niya ako at yakapin.
"Ah..." Nahihirapan akong sumagot at napatingin kina Kuya Jham at Vince. "Nag practice lang po kami sa cheering..."
Nakita kong magsasalita na sana si Vince para kontrahin ang sinabi ko pero siniko na kaagad siya ni Kuya Jham. Sinamaan ko naman kaagad ng tingin ang kapatid ko.
"Chin," Ymee called Chin who's looking at me seriously, unable to talk.
"Ay, oo nga pala!" Napakamot si Chin sa sariling buhok. "Ate, sorry, hindi ako nakasama sa practice. Masakit na kasi ang hips ko, eh! Nagalit ba si Jolly?"
Mapait akong napangisi at umiling sa mga tanong niya. Sa galing ba naman namin mag sinungaling, nakalimutan kong may psychiatrist pala sa pamilyang 'to. Talagang iniiwasan kong wag tignan si Tita Achi pero traydor ang mga mata ko dahil napapatingin talaga sa kanya. Hindi na din naman nagsalita si Tita Achi at nanatiling nakatayo lang.
"Magbibihis lang po ako..." Pagpaalam kong pumasok muna sa bahay.
Wala naman na din nagsalita nang dahan dahan akong naglakad papunta sa gilid ng pintuan. Nanatili lang silang tahimik lalo na ang Lolo J at Lola J ko na nakatingin lang sa akin. Hindi pa ako nakatapak sa loob ng bahay ay bumalik kaagad ako upang magmano sa mga Titos at Titas ko. Niyakap ko din sila isa isa. Ganoon din ang ginawa ko kay Mama at Papa, at kina Lolo at Lola.
"Mahal na mahal kita ng sobra, apo..."
Bigla akong nanghina at gustong umiyak nang marinig ang katagang 'yun kay Lolo nang niyakap ko siya habang nakaupo siya sa dulo ng mesa, na kahit mahina ang pagkakasabi niya 'nun ay pakiramdam ko pa din ay totoo.
"Maligayang kaarawan sa ating dalawa..." Dugtong pang bati ni Lolo.
"Happy birthday for the both of us, Lolo..." I kissed his cheeks.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024