"Basta! Sumunod ka nalang!"
Dinig ko na kaagad ang malakas na boses ni Lyrel nang papasok pa lang ako sa bahay nila. Kumunot ang noo ko nang makita si Ayla na nasa hagdan habang si Lyrel ay nasa baba. Si Ayla ay umiiyak na parang nagmamaktol habang hawak ang tiyan.
"Just jump three times!" Seryosong saad pa ni Lyrel.
Sumunod naman si Ayla sa sinabi ng kapatid niya. Napangisi ako dahil saan naman nalaman ni Lyrel ang bagay na 'yan?
"Dinatnan ka na?" I asked, smiling.
"Ate!" Sigaw ni Ayla at dali daling lumapit at yumakap sa akin.
Ayla Bernadette; The second to the last born of Allena. The Seventeenth. She's the sassy Allena. She has fair skin. Nice eyebrows, pinkish lips, chubby cheeks at hanggang dibdib ang buhok. She's fourteen and grade ten student at malapit na niyang matumbasan ang height ng Ate niyang si Ymee.
"Dalawa na pala ang dalaga ni Tito Dwight!" Nakangisi kong sabi. "Paano mo nalaman ang ganoon?" I asked Lyrel.
"I called Rabella." He answered.
"Bakit? Nasaan ba si Ymee?"
"Ang bruhang Ate ni Ayla ay ayaw buksan ang pinto ng kwarto niya. Tulog pa din!" Inis na sagot pa ni Lyrel kaya natatawa ako. "Siguro nga kung may mamamatay na... 'yung babaeng 'yun, uunahin pa din ang matulog. Pharmacy pa kinuhang kurso, hindi naman gumigising ng maaga! Isa pa 'tong batang 'to, ang tagal dinatnan! Eh, ikaw? You were just grade eight when you got your first period, di'ba?"
"Wag mo nalang pakinggan ang bwesit na 'yan, Ate!" Hinawakan ni Ayla ang kamay ko.
Hinigit naman siya kaagad ni Lyrel. "Ikaw, umakyat ka sa kwarto mo at magpahinga ka!"
"May ipapakita pa lang sana akong drawing kay Ate, eh!" ani ni Ayla habang kinakamot ang buhok na paakyat sa hagdan.
"Kapag pumunta ako sa kwarto mo at naabutan kitang nagda-drawing, sasabunutan kita!"
"Alam mo, Kuya..." Bumaba ulit si Ayla. "May bago akong crush..."
"Magpahinga ka na, Bernadette!" Nakapameywang na sabi pa ni Lyrel. "Dalaga ka na, ang tigas pa din ng ulo mo! Simula ngayon, matuto ka ng maglinis ng kwarto mo! Gayahin mo ang Ate Ymee mo, hindi 'yung saan saan mo nalang nilalagay ang silicone bra mo!"
"Mo mo tang ina mo! Pakealamero ka!" Mura ni Ayla na ikinagulat ni Lyrel at siyang ikinatawa ko. "Palibhasa walang nagkakacrush sa'yo!" Dinig pa naming sabi ni Ayla.
Yeah... Fourth year highschool palang si Ayla at bago lang dinatnan pero ang dami ng crush at tatlo pa ang naging ex na. Hindi 'yun alam ni Lyrel. Si Ymee lang naman ang nagsabi sa'kin nun. Ayla will always be the all the way walker just to have her crush attention.
"Where are we going?" Lyrel asked.
"Hindi ko alam... kakain?" Patanong kong sagot.
"Gala ba?"
"You know... Lyrel, pumunta lang naman ako dito dahil ang boring sa bahay!" usal ko at humiga sa sofa nila.
YOU ARE READING
Scent Of Consanguinity (Book 1 of Scent Trilogy)
RandomA Series #1 (Scent Trilogy) "Everything that happens in this world happens at the time God chooses." Ecclesiastes 3:1-21 J.A.S. May 15, 2023 - April 10, 2024