CHAPTER 49

10 0 0
                                    

ATHALIA'S POV

"Sigurado ka bang panonoorin mo mag-isa 'yan?" tanong sa akin ni Rana habang naglalakad kami papunta sa sakayan.

"Willing ka bang samahan ako?" tanong ko at agad ko namang nakita ang pag-aalangan sa mukha nito. "I don't think makakaya mo kung ano man ang makikita ko sa flashdrive na 'to. Kaya... kaya ko na 'to."

Binigay sa akin ni Kuya Roniel ang flashdrive bago kami umalis ni Rana sa sementeryo kanina, inabot daw 'yon sa kanya ni Ate Tina bago nila mapapayag si Ate Tina na sumali sa kanila at bago sila sumabak sa BOTB.

Mukhang nakaramdam na talaga si Ate Tina na mawawala siya kaya niya inabot ang flashdrive na 'yon kay Kuya Roniel. Hanggang dulo ibang tao pa rin talaga ang inuuna niya.

Nang makarating na kami sa sakayan ay doon na kami naghiwalay ni Rana. Sakto namang nag-text sa akin si Kuya Alexis at agad kong binasa ito.

From: Kuya Alexis
Tata, where are you? I'll pick you up. I'm with Roniel.

Himala, magkasama pa rin silang dalawa. Mabuti't hindi sila nagsabong. Natawa na lang ako nang maisip kong baka kaya walang nakatuluyan si Ate Tina sa kanilang dalawa ay dahil para talaga sila sa isa't-isa HAHAHAHAHAHA.

Hay! Mga pinag-iisip mo, Tata. Kakabasa mo ng BL series 'yan e.

To: Kuya Alexis
Nasa terminal na ako. Pasakay na rin sana ako pauwi nyan.

From: Kuya Alexis
I'm on my way.

Habang hinihintay ko si Kuya Alexis ay hindi ko mapigilang mapatingin sa flashdrive na nanggaling kay Ate Tina. Napaisip ako sa nilalaman nito. Makakaya ko kayang tignan ang mga 'to?

Ang katahimikan na bumabalot sa paligid ko ay gumagawa ng ingay sa isipan ko. Ligtas kaya ngayon si Joseph? Hindi naman siguro nalaman ng taong nasa likod nito ang pagtatalo namin ni Joseph noong huli, ano?

Dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa sa oras na pati siya mawala pa.

"Oh, Athalia. Nandito ka pa?"

Napatigil ako sa pag-iisip nang lapitan ako nila Kuya Shawn at Kuya Kiro. Akala ko umuwi na 'tong dalawang 'to.

Tumango ako. "Hinihintay ko si Kuya Alexis. Akala ko kasama niyo si Kuya Roniel, hindi pa rin pala kayo nakakauwi?"

Tumabi ang dalawang 'to sa akin. "Tinulungan naming magligpit sina Colen, pauwi na rin sila nyan." sagot naman ni Kuya Kiro. "Grabe, hindi ko akalaing wala na si Tina."

"Mahal na mahal pa naman ni Roniel 'yon. Sadyang nagpaubaya lang 'yon tropa namin, dahil alam niyang mahal na mahal ni Tina si Alexis." dagdag naman ni Kuya Shawn. "Wala pa bang balita patungkol doon kay Melissa?"

Agad akong umiling. "Nakatakas siya noong araw pa lang na nabaril niya si Ate Tina."

Naglabas ng buntong-hininga si Kuya Shawn. "Ang lala. Nang dahil sa pagiging obsessed ng mga 'yon kay Kuya Alexis mo nawala si Tina. Ikaw ba Athalia? May nagpapatibok na ba ng puso mo?"

Sandali akong natigilan. "Siguro?" sagot ko. "Meron?"

"Aba ayos! Dalaga ka na." pang-aasar ni Kuya Kiro at inirapan ko naman ito. "Yung lalaki bang lagi mong kasama noon? Joseph ba pangalan no'n?"

"Mimosa rin pala kayo, ano?" natatawang sabi ko. "Oo. Siya nga."

"Sabi na may something sa inyo ng binatang 'yon eh." ani naman ni Kuya Shawn.

"Maka-binata naman ang kumag na 'to, akala mo 65 na." pangbabarda naman ni Kuya Kiro na ikinatawa ko. "Pero joke aside, kumusta ka?"

"Alam naming hindi madali sayo ang nangyayari, lalo't nabanggit din sa amin nila Colen ang mga pinagdadaanan mo. Hanep ka rin talaga, ano? Ang tapang mong bata." ani ni Kuya Shawn. "Wag kang susuko ha? Tatagan mo ang loob mo. Hindi lang para sa mga Ate mo, kundi para na rin sa sarili mo."

The Death Wish of Akime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon