ATHALIA'S POV
Ilang linggo lang matapos mailibing si Mama ay napag-desisyunan ni Papa na muling manirahan sa amin para sa kaligtasan namin ni Aliana. Ang ama naman ni Aliana na si Nelson ay nahuli ng pulis na nagbebenta at gumagamit ng pinagbabawal na gamot, kaya nakakulong na siya kamakailan lang.
Katatapos lang ng bagong taon at nagsisimula na naman ang bagong semester.
Ang Nanay ni Jojo na si Mrs. Peralta ay kasalukuyang naka-leave, dahil kasalukuyan din itong sumasailalim sa psychotherapy. Simula kasi nang malaman niya ang nangyari sa anak niya ay ilang beses 'tong nag-attempt na kitilin ang buhay niya. Mahal na mahal niya si Jojo kahit pa minsan ay sobrang hirap nitong pagsabihan, kaya sigurado akong sobrang hirap ng pinagdadaanan ni Mrs. Peralta ngayon. Hindi niya dinala ng siyam na buwan ang anak niyang si Joseph para lang katayin na parang karne ng mga taong 'yon.
Kasalukuyan akong nakatambay sa circular tree bench ng eskwelahang 'to kasama ang kaibigan kong si Rana.
"Grabe, ang daming nangyari!" ani ni Rana habang kumakain ng binili niyang empanada. "I can't still believe na hindi na natin kasama si Joseph."
Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko akalaing sa ganoong paraan siya mawawala. Ang lala." ani ko. "Sa hinahaba-haba ng karera para makuha ko ang hustisya sa kapatid ko, hindi ko akalaing maraming mawawalang tao."
Hinawakan ni Rana ang kamay ko at nginitian ko ito. "Pero 'wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyari sa kanila ha? Wala kang kasalanan doon. Hindi mo kasalanan kung hanggang doon lang talaga sila." ani nito. "Tsaka sigurado ako, kung nasaan man si Jojo ngayon; patuloy kang mamahalin noon."
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Rana at saka ko hinayaang tumulo ang mga luha ko. "Proud na proud ako sayo, Tata. Salamat dahil hindi ka sumuko sa nakakapagod at nakababaliw na karera." sabi nito at niyakap ako, niyakap ko ito pabalik. "Kaya tahan na, gaya ni Ate Akime, makukuha rin ni Ate Tina ang hustisya para sa kanya; mahahanap din natin si Esang."
Tama ang pagkakabasa niyo, mag-iisang buwan na nga ang nakalipas pero hindi pa rin namin natatagpuan si Esang; wala ring kasiguraduhan kung buhay pa ba siya.
Pabalik na kami ng room nang may maamoy kaming hindi kaaya-aya. Amoy nabubulok na malansa. Saan nanggagaling 'yon?!
"Tabi! Tabi!" ani ng mga faculty members na may kasamang mga rescuers. Anong mayroon?
Maya-maya lang ay narinig namin ang tunog ng ambulansya't pulis. Namigay ang mga nurses ng mask sa amin at sa ibang taong nandirito.
"Ano bang nangyayari?" tanong ni Rana.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam. Sundan kaya natin sila?"
Tumango ito't sinundan namin ang mga taong papunta sa likod ng Benison. Sa likod ng Benison kung saan nakapwesto ang isang balon na matagal na ring hindi nagagamit.
Nang makarating kami ni Rana sa lugar na 'yon ay mas lalong gumagrabe ang amoy. Hindi nakatakip ang balon, bukas na bukas pa rin kaya ganoon na rin kalala ang pangangamoy ng kung ano mang nasa loob.
Marami na rin ang mga taong naririto maski si President Garcia ay naririto rin. Inilibot ko ang paningin ko at agad ko rin namang nakita ang kaklase namin si Enzo na nakiki-isyuso rin doon. Hindi na ako nag-hesitate pang tanungin ito.
"Ano raw nangyari?" tanong ko.
Taka itong tumingin sa akin. "Hindi mo alam?"
Agad akong umiling. Sasagot na sana ito nang biglang sumulpot sa tabi ko sina Kuya Roniel kasama ang kapatid ni Ate Tina na si Kuya Colen. "Anong ginagawa niyo rito, Kuya?" agad na tanong ko.

BINABASA MO ANG
The Death Wish of Akime
Misterio / SuspensoMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kanyang ginagalawa...