4. Changes

2.6K 78 5
                                    

Tahimik na naka uwi ang mag-asawa. Gabi na ng maka uwi sila kaya't dumeretso si Karylle sa kama para matulog, pero si Vice ay may kinuha sa cabinet na V neck white short at pedal at isinuot ito. Napansin naman iyon ni Karylle kaya't napatayo siya at lumapit sa asawa.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito sa asawa, nilingon naman siya ni Vice at binigyan ng bored look.

"Diyan lang." Walang gana nitong sabi at akmang aalis ng biglang hawakan ni Karylle ang mga braso nito.

"Anong diyan lang?!"

"Diyan lang sa Bar. Wag kang macf alala sina Vhong ang kasama ko. Lock mo yung pinto ha. Kakatok nalang ako mamaya." Kumaripas ng takbo si Vice na para bang nagmamadali na kahit ang totoo ay iniiwasan lang ang asawa. Hindi niya man lang nai kiss ang asawa. Sumama ang loob ni Karylle sa galaw ng asawa niya eh wala naman daw siyang natatandaang may ginawa siyang mali. Napa upo siya saglit sa kama at napabuntong hininga.

Samantalang si Vice naman ay badtrip na napa upo sa upuan ng bar kaharap ang mga kaibigang sina Vhong,Billy at Jhong. Kumuha naman siya agad ng maiinom at nilagok ang dalawang baso ng alak ng sunod sunod.

"Oh? Brad. Badtrip ka ata. Anong problema?" Tanong ni Billy na busy sa kakatext.

"Nag away ba kayo ULIT ni Karylle?" Pandidiin nito sa salitang ULIT. Nakatikim naman si Vhong ng batok galing kay Billy.

"Ahaha aray ko!"

"Oo si Karylle." Walang ganang pag sagot ni Vice. At uminom nanaman ng isang baso ng alak.

"Baka mauwi nanaman yan sa hiwalayan ha."

"Ulol! Kaya nga pumunta nalang ako dito eh. Iniiwasan ko nalang magalit sa kanya. Nangako na kasi akong hindi na kami maghihiwalay. At ako mismo hindi ko gustong mangyari ulit yung hiwalayang yun."

"Aba dapat lang. Mag asawa na kayo ngayon eh. Buti lang kung mag jowa pa kayo diba?" Dagdag ni Jhong na napapasabay sa tugtug.

"Ano ba kasing pinag awayan niyo brad?" Tanong ni Vhong na nakahawak sa likod ni Vice.

"Sinabihan niya lang naman ako ng WAG AKONG MAKIALAM DAHIL IM just her Husband." Nakangiting sabi ni Vice pero damang dama ng mga kaibigan niya ang sakit na nararamdaman niya sa mga salitang yun. Napailing naman ang tatlo.

"Alam mo bra-" naputol bigla ang sasabihin ni Vhong nang biglang tumawag si Karylle sa kanya.

Hindi mapakali si Karylle dahil sa asawa. Alas otso na ng gabi umalis ang asawa at natatakot siya baka may mangyaring masama sa kanya sa bar kaya naisipan niyang tawagan si Vhong.

"Hello Vhong?" Napadungaw si Karylle sa bintana at huminga ng malalim.

"Oh? Karylle? Bakit?"

"Kasama mo ba ang asawa ko?"

"Ah. O-oo. Kasama ko siya ngayon." Dinikit ni Karylle sa tenga ang telepono para marinig ng klaro si Vhong. Malakas kasi ang tugtug sa bar kaya hindi niya masyadong naiintindihan si Vhong.

"Paki sabi naman oh. Na umuwi na siya."

"Ka-karylle? Ayaw niya pa eh."

"Uhm. Sige. Ah Vhong may Jacket ka ba?" Napakunot naman ng noo si Vhong sa tanong ni Karylle.

"Jhong? May jacket ka? (Wala) eh ikaw Billy?(meron, meron bakit?) Ah si Billy meron. Naiwan ko kasi sa condo yung akin Karylle eh."

"Ah. Ano pahiram mo muna kay Vice please naka V neck lang kasi yun. Alam mo naman ang mga babae nowadays mahilig sa hot. Tsaka paki kuha narin ng aviator glasses niya. At lastly paki sabi umuwi siya ng maaga ha? Salamat Vhong." Binaba na agad ni Karylle ang telepono at bahagyang napahiga.

"Naku naman talaga tong asawa mo oh. Concern na concern sayo!" sigaw ni Jhong. Nag smirk naman si Vice at uminom ulit ng beer.

"Possessive yun eh. Tsaka walang tiwala. She owns me naman na diba? Pero takot parin siyang maagaw ako ng iba. Ang akala niya magpapadala ako." Naiiritang pag eexplain ni Vice.

"Alam mo nakakasawa ang ganyan. Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong ni Billy na ngayon ay nakaharap na sa kaibigan.

"Hindi pa brad. Kasi nga mag 4-4weeks pa silaaa. Ahahahaha"

"Mga loko! Kahit ganun si K mahal ko naman yun no."

Panay ang tingin ni Karylle sa orasan. At nagulat siya nang makita na hating gabi na pala. Mas lalo siyang nagulat sa dalawang sasakyang sunod sunod huminto sa harap ng bahay nila. Sumilip siya sa balcony ng itaas ng bahay nila at nakita ang Range Rover ni Vice at may kasunod itong Red 4c alpha Romeo na alam niyang pag aari ito ni Vhong. Dali daling pumunta si Karylle para salubungin ang asawa. Paglabas ni Vhong ng sasakyan ni Vice karga karga na niya ang kaibigan.

"Karylle pasensya na. Sobrang lasing eh. Ayaw paawat." Sumunod naman si Karylle kay Vhong na karga karga si Vice na parang bride papunta sa kwarto nilang mag asawa. Nang nailapag na ni Vhong si Vice inabot niya ang aviator glasses nito at tinuro ang jacket na suot ni Vice.

"Sinunod ko ang sinabi mo Karylle ha. Hahaha. Sige na. Lasing narin si Billy at Jhong eh. Ilalagay ko narin ang sasakyan ni Vice sa garahe at iiwan ko nalang yung susi sa may pinto ha?" Tumango lang si Karylle at nagpasalamat kay Vhong. Hinubad ni Karylle ang suot ng asawa at pinalitan ng sando at pajama. Kumuha naman siya ng bimpo at sinabon ito tsaka pinahid sa katawan ni Vice. Amoy alak ito kaya nilagyan niya ng pulbo ang katawan at konting pabango. Nang matapos na ni Karylle ang pag aayos sa asawa tumabi siya dito at napatitig sa asawa. Walang tigil niyang hinahaplos ang brush up nitong buhok.

"You changed..." nagulat si Karylle sa sinabi ng asawa kayat napa upo siya.

"Im j-just.. your h-hussss.. band. Sak..it" bigla namang tumulo ang luha ni Vice kayat nasaktan si Karylle. Ngayon alam niya na kung bakit naglasing si Vice. Hindi niya naman sinasadyang masabihan ng ganun ang asawa, nadala lang daw talaga siya ng galit. Napansin rin ni Karylle ang pagbabago sa kanya. Noon kasi hindi siya yung taong madaling magalit. Siya yung mahaba ang pasensya pero ngayon madali na siya napipikon,naiinis at nagagalit minsan din may lumalabas sa bibig niya na hindi niya kontrolado kaya't nasasaktan siya para sa asawa. Bumalik nalang ito sa pagkakahiga at niyakap ang asawa.

"Im sorry. I love you hon." Bulong nito sa asawang tulog na tulog.

YES! nakapag Update din sa wakas hahaha keep supporting lavya-BaysKawel❤

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon