50. Heart Transplant

1.8K 57 8
                                    


Vice


Hindi ko na alam ang gagawin ko habang karga karga ko si Karylle kanina papuntang ER. Buong katawan ko nanginginig, at yung mga luha ko gustong gusto ng kumawala. Ayokong mangyari ulit ang nangyari kay Johanna wag.. wag kay Karylle ikakamatay ko talaga.


Nung natumba siya kanina para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gaya ng nangyari kay Johanna mabilis namin siyang naisugod sa hospital. Hirap na hirap siya sa paghinga kanina, hawak hawak niya pa ang puso niya habang umiiyak. Sa sakit..


"Umupo ka muna anak.." saad ni Mommy.


Ewan ko ba hindi ako mapakali habang nasa loob ng ER si Karylle. Kanina pa ako palakad lakad. Walang planong magpahinga ang naginginig kong mga paa. yung mga kamay ko parang yelo na sa sobrang lamig.


Hindi pwedeng mawala si Karylle... Kung kailangan kong gawin lahat? gagawin ko para lang kay Karylle. Once ng namatay ang anak namin ngayon hindi ko hahayaang pati siya mawala.


Gaya rin ng nangyare noong nakaraang linggo lumabas nanaman ang doctor sa ER. Tinanggal nito ang mask at parang may hinahanap.


Dali dali akong lumapit at hinawakan sa magkabilang braso ang doctor, hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya. Nangangati na ang mga kamay ko.


"Saan na ang kasama ni Ms. Tatlonghari?"



"Doc! ako po!" Nakikita ko ang pagtataka sa mga mata niya, well siya kasi ang doctor ni Johanna nung nakaraang linggo pero wala na akong oras gusto ko ng malaman ang kalagayan ng mahal ko.


"What happened to her?"


"Yung puso niya.. mahinang mahina na.."


"Pero bakit doc? masaya naman siya kanina ah?" pag cocorrect ko. Paanong lumala eh masayang masaya siya kanina.. hindi siya nagkaroon ng hinanakit..


"That was the reason Mr. Viceral right?" tumango lang ako. Anong That was the reason? napahawak ako sa batok ko. naguguluhan na talaga ako.


"Over joy. Overwhelmed.. Hindi lang dahil sa sama ng loob o hinanakit ang mag cause ng pag atake niya kundi ang sobra ding saya. Habang maaga pa at hindi pa gaanong kalala ang sakit ni Ms. Tatlonghari. I recommend her to have a  heart transplant asap."


Napakagat ako sa kamay ko. Saan kami kukuha ng donor? pero hindi rin naman pwedeng mamatay nalang si Karylle.. Hindi ako papayag.


"But Mr. Viceral sabi ni Mrs. Viceral bago pa man siya mamatay, She said na i spare ang puso niya for some reason. She said you will need it soon kaya nasa laboratory hanggang ngayon ang puso ni Mrs. Viceral. We did our best to revive her heart, actually ang ikinamatay niya ay ang pag malfunction ng organs niya.. Hindi naman gaanong na apektohan ang puso niya, tinamaan lang ito ng bala sa ugat. And her heart right now is done by observation. Normal circulation na ang nangyayari sa puso niya."

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon