By the way if you guys ever wondered who the hell Johanna is? haha. She is Georgina Wilson.
~
"Saan ka pupunta?" tanong ni Johanna habang karga karga ang baby nila. Nag shrug naman si Vice.
"Wala ka na dun." Kinuha ni Vice ang Jacket niya sa closet nila at akmang bubuksan ang pinto, napatigil ito nang may nakaligtaan siyang gawin. Bumalik siya kay Johanna at yumuko, he kissed his son's forehead.
"Bye baby Johice." at umalis sabay sarado nang napakalakas sa pinto. Wala namang magawa si Johanna kundi pinipigilang maiyak. Ganyan ang trato ni Vice sa kanya lagi. Hindi na kasi nagpapa-alam pa si Vice sa asawa kapag umaalis siya, hindi niya ito kasabay kumain, hindi niya katabing matulog, at hindi siya pinag luluto nito.
"How i wish, I'm forever pregnant." Bulong ni Johanna sa sarili. First time niya kasing nakatabi si Vice matulog, kasabay kumain, pinagluluto siya, sinasamahan siyang gumala, at umuuwi siya nang maaga at hindi niya na naramdaman pa iyon simula nung nanganak na siya. Ginagawa lang kasi iyon ni Vice para hindi ma stress si Johanna para hindi mapano ang anak niya na dinadala ng asawa.
Kasalukuyang papunta na si Vice sa bahay nina Jhong nang naisipan niyang tawagan si Karylle. Matagal niya na kasing hindi naririnig ang boses nang dating asawa at sobra niya na itong na miss.
Hindi pa nakakatatlong ring ang sinagot na agad ito ni Karylle, kahit kinakabahan naglakas loob parin si Vice na tawagan ang asawa.
"Hello?" Naging emosyonal si Vice nang marinig ang boses na sobra niya nang namiss marinig.
"H-hello?" Pang uulit ni Karylle dahil hindi parin kayang sumagot ni Vice natatakot sa maaring mangyari pag nagsalita siya.
"Ana Karylle Tatlonghari Vic- I mean Ana Karylle Tatlonghari speaking. Sino po to?" Kumirot ang puso ni Vice sa narinig, 2 years na ang nakalipas pero hindi parin sanay si Karylle sa apelyedo niya. Kaya naman minabuti niya nalang babaan si Karylle sabay hinto nang sasakyan. Napasapo siya sa manibela.
"Ano ba tong gulong pinasok ko. Lord, tulungan mo naman akong bumalik kami ni Karylle sa dati oh. Miss ko na talaga siya." saad nito sa sarili sabay tulo nang luha niya. Nahihirapan na siyang ayusin ang gulong ito lalo na't may anak na sila ni Johanna. Nagka anak sila ni Johanna kasi lasing siya sa mga panahong iyon dahil nga sa broken hearted na siya galit pa ang mga magulang niya sa kanya kasi sinasaktan nito si Johanna physically. Lasing siya at hindi wala siya sa sarili't inakala niya ay si Karylle ay si Johanna kaya may nangyari sa kanila sa gabing iyon.
Pinagsisihan niya yun ng husto dahil lalong lumabo ang pag asa niyang bumalik sila ni Karylle sa dati. Pero wala siyang magawa kailangan niyang gampanan ang pagiging ama sa anak na si Johice. Kailangan niyang iparamdam ang pagmamahal niya kay Johice na hindi niya nagawa sa magiging anak sana nila ni Karylle.
BINABASA MO ANG
Me and my Possessive wife
Fanfiction"Possessive means over protective, jealousy, clingy and etc. etc. A Possessive wife? Does a possessive wife still exist? well litsi, este lets see." Expect errors from this story. Kung ayaw niyo ng OA na story? go read other stories.