34. Spell EFFORT

1.5K 55 4
                                    

PLEASE DO PLAY THE SONG, ITS A MUST. HANGGANG MATAPOS ANG CHAPTER NA TO HEHEHEHE

Pagdating ni Vice sa hospital ay panay ang iyak nang anak kaya nag insist siyang siya na ang magkakarga nito.

"Hindi parin ba siya nakakatulog?" Tanong ni Vice kay Johanna habang matamang pinipikpik ang likod ng anak para patahanin.

Umiling lang si Johanna kasabay ng pagtulo ng luha sa mata. Namamaga ang mga mata nito dala narin siguro ng kakaiyak niya at antok. Lumapit naman si Vicekay Johanna, nilagay niya ang kamay sa likuran nito at pinasandal sa dibdib niya.

"Wag kang mag-alala, gagaling ang anak natin.." saad ni Vice at napatingin sa wall clock. Tumambad ang 3:45am. "Madaling araw na pala." Bulong nito sa sarili. Dahan dahan niyang inalis ang ulo ni Johanna.

"Magpahinga ka na, ako nang bahala kay Johice." Saad nito. Nahiga naman ang huli sa sofa dahil antok narin talaga ito.

"Sshhh.." pagpapatahan ni Vice sa anak. Nagulat naman ito nang biglang tumahimik ang bata, nang tiningnan niya ay mahimbing na itong natutulog. Napangiti naman si Vice at hinalikan ang anak sa noo.

"That's my Boy." Mahinang tugon niya, dahan dahan niyang nilapag ang anak sa kama para makatulog na ito ng deretso. Tiningnan naman nito si Johanna na mahimbing na natutulog.

"I loved you, i almost gave my everything to you. But you broke my trust, you hurt me so bad. And now Johanna i wanted to say sorry. Sorry sa pananakit ko sayo. Physically? Yes. emotionally? I guess so. And thanks a lot for breaking me dahil kung hindi dahil sayo hinding hindi ko makikilala si Karylle. I owe you a lot." Bulong ni Vice at napangiti. Naalala niya kasi yung mga panahong sobrang mahal niya si Johanna and its so funny na ngayon parang wala na ito sa kanya, pawang memory nalang para sa kanya iyon. Napasandal siya sa pader dahil sumasakit yung ulo niya, ang bigat na nang mga mata niya, parang may batong nakapatong. "Antok na ako." Saad niya, maraming nangyari sa araw na to kaya inaantok na siya, tutal madaling araw narin. Akma niyang tatabihan ang anak nang bigla niyang naalala si Karylle. Dali dali siyang kumuha nang papel at nagsulat.

"I'll be leaving, just call me if something happens. Ill be right there asap. I just need to leave. Somebody needs me too. Hope you understad it Ohanna. Kung kailangan mo nang katulong sa pagbabantay kay Johice ko, just call me. Take care at kumain ka na pag gising mo Ohanna.
LOVING, ICE

Natawa nang kaunti si Vice dahil naalala niya nanaman yung tawagan nila. Ohanna at Ice, weird pero dati ang pagtawag sa kanya ni Johanna ng Ice nagpapakilig na sa kanya, ngayon parang joke nalang ito sa tenga niya na nakakatawa.

//

Halos hindi maipikit ni Karylle ang mga mata dahil 20 minutes na abg nakalipas hindi parin bumabalik si Vice.

"Baka ano nang nangyari sa kanya."
Saad nito at napabuntong hininga. Alas 3 na nang umaga pero hindi parin siya makatulog kaya minabuti niyang bumaba.

Pumunta siya sa kusina, banyo, sala at sa pool area pero tsinelas lang ni Vice ang nandoon. Nakaramdam ito ng takot at the same time guilt, alam niyabg nasaktan si Vice sa ginawa niya. Sinasadya niya iyon para lubayan na siya ni Vice, ayaw niya kasing may buhay na mawala nang dahil lang sa kanya. Nagulat siya sa luhang tumulo sa pisngi, marahan niya itong pinunasan, bumabalik nanaman ang mga sakit na naramdaman niya nung nakunan siya at ang pagpapakasal ni Vice. Hanggang ngayon pag naaalala niya yun para siyang binabangungot at nilalamon ng sakit at lungkot. Gustong gusto niya nang mawala ang sakit at lungkot pero hindi niya kaya.

//

Pagkarating na pagkarating ni Vice naisipan niyang kunin muna ang tsinelas niya dahil malamig ang sahig. Pumunta siya sa pool area at gulat na gulat sa nakita.

Nilapitan niya si Karylle na mahimbing na natutulog sa sahig ng pool area at kinarga ito. Ipanasok niya ito sa kwarto, buti nalang at hindi ito nagising dala siguro nang sobrang antok. Akmang matutulog si Vice nang biglang napansin ang oras. 4:10am na nang umaga kailangan niyang magluto para kay Karylle, pwede naman siyang matulog pagkatapos niyang magluto eh. Humiga na muna siya saglit at hinilot ang pagitan nang mata. Masakit narin kasi yung ulo niya. Nilingon niya si Karylle na mahimbing na natutulog, napangiti naman ang huli at inipit ang strand nang buhok ni Karylle sa likod ng tenga nito.

"Gagawin ko, titiisin ko, kakayanin ko lahat lahat maibalik ka lang sakin." Mahinang tugon ni Vice sa natutulog na si Karylle. Ngumiti ito nang mapait at huminga ng malalim.

"Titiisin ko'tong sakit na nararamdaman ko. Dahil hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi kita minahal ng husto... Gusto kong mag sorry sa pagiging duwag ko at hindi ka naipaglaban. Hindi na nga kita naipaglaban, sinaktan pa kita... Sorry, alam ni Lord kung gaano ko pinagsisihan yun, dala narin siguro ng pag takot sakin ng mga magulang ko kaya't nadala ako. Sorry, mahal kita..." saka niya hinalikan ang noo ni Karylle.

SUPER SHORT UPDATE KASI MAY ISUSUNOD AKO HEHEHE. THANKS SA SUPPORT. ☺ Godbless MUAH!-BAYSHKAREL

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon