21. Unknown

1.7K 51 0
                                    

2 weeks na ang nakalipas simula nung mga masasakit na nangyari sa dalawa.
Si Vice na halos gabi gabi nalang naglalasing/gumigimik/ pag nasa trabaho nakatingin sa kawalan/ palaging bangag/ at yung lagi niyang ginagawa na iniiwasang makita si Karylle.

Si Karylle na sinasayang ang oras kaka paint ng kung ano ano/ gabi gabing umiiyak/ nagbabasa nang libro na kahit nakakatawa umiiyak/ tambay sa bahay at patagong hinahanap ang asawa, hanggang ngayon kasi hindi pa siya nakakapag file nang annulment gusto niyang subukan kung kaya niya ba o hindi. Gusto niya munang mag move on saka niya itutuloy ang annulment.

"Brad! 3 weeks nang buntis ang asawa ko!" Pagbabalita ni Billy sa kaibigan na kanina pa nakatitig sa dance floor habang umiinom nang alak.

"Mabuti naman." Yan lang ang naisagot niya at patuloy parin sa pag inom. Siniko naman ni Vhong si Billy para hayaan ang kaibigan. Kailangan kasi nilang damayan ang kaibigan.

"Nagkikita pa ba kayo ni Karylle?" Tanong bigla ni Jhong na kakakuha lang ng wisky. Umiling lang naman si Vice. Hindi na siya yung tipong Vice na natural lang manamit; siya na yung Vice na pa cool na. Lagi itong naka aviator glasses trying to hide his eyebags kakaiyak at walang tulog.

"Mag leave ka na muna Brad. Useless lang yung pagpasok mo nang opisina kung matutulog ka lang at mag ca-cancel ng meeting. Gising! Palubog na ang companya mo."

"I dont care. All i care is, i wanted to be happy! Ano pa bang gimik o ilan pa bang alak ang kailangan kung inumin para lang maging masaya? Ang unfair nang buhay! Pagod na ako Vhong!" Sa galit ni Vice naitumba niya ang ilang bote. Hinawakan naman siya ni Vhong sa balikat para pakalmahin.

"Hindi ang gimik at alak ang makakapagpasaya sayo brad. Si Karylle lang. Siya lang. Suyuin mo kaya ulit?"

"Hindi yan. Buti pa maghanap ka ng babae. Ang dami oh. Wag mo mahalin ang taong hindi ka kayang ipaglaban, mahalin mo yung taong laging nandyan. Speaking of, Hi Johanna" bigla namang dumating si Johanna at nakipagbeso kay Jhong, Vhong, Billy at Vice.

"Sorry kung natagalan ako ha? Traffic eh. Diba? I told you stop drinking beer! Akin na nga yan!" I forgot to tell you, 2 weeks naring kasama ni Vice si Johanna. Nang marinig ni Johanna ang balitang hindi na umuuwi si Vice sa bahay nila nang asawa niya? Niyaya niya agad itong tumira sa condo niya pero 1 week lang si Vice doon at bumili nalang nang sariling condo sa tapat ni Johanna.

"So? Kamusta ang planong pagpapakasal niyong dalawa?" Pagtatanong ni Billy sa kaibigan.

"Pag nag file na nang annulment si Karylle. We will plan for our wedding." Pagsagot ni Johanna habang nakapulupot ang mga kamay sa braso ni Vice na deretso lang ang mga mata sa mga sumasayaw sa dance floor na para bang walang naririnig na kahit ang totoo ay rinig na rinig niya ang mga pinag uusapan ng mga kaibigan.

Pumayag si Vice sa sinabi nang magulang na pag nag file na si Karylle nang petition for annulment magpapakasal siya kay Johanna.

"Okay. Wala akong magagawa, Karylle let go of me para maging masaya na kayo. Tapos aayaw pa ba ako? Eh kahit na anong pagsiksikan ang gagawin ko kay Karylle hindi naman na siya babalik. I accept your offer pero sana sa huli ma realize niyo na malaki na ako, may sarili na akong pag iisip at may karapatan akong sumaya."

Yan ang sinabi ni Vice sa mga magulang sabay alis nang bahay nila. Dahan dahan na rin kasi siyang nawawalan nang pag asang babalik sila ni Karylle sa dati, masakit man tatanggapin niya nalang ito kahit araw araw sa tuwing wala si Karylle sa tabi niya tuwing gigising siya para siyang pinapatay? Titiisin niya.

'I miss my wife' anito na nakatitig parin sa mga simasayaw sa dance floor.

"We planned to have 3 child.." napalingon naman si Vice sa sinabi ni Johanna, oo nga't sobrang minahal niya si Johanna pero kasi nung dumating si Karylle siya lang yung naging buhay niya. And now that his buko left him? He felt useless.

Kumuha nalang siya nang alak sa mga sinabi ni Johanna. Pero bigla itong inagaw nang huli.

"I told you to stop drinking beer!"

"Ano ba Johanna! Please stop acting like my wife? Kasi hindi mo mahihigitan si Karylle! Magiging asawa lang kita sa papel buti want you to remember si Karylle lang ang mahal ko!" Umalis naman si Vice at nagpahangin sa labas, naiiyak nanaman siya tuwing nababanggit niya ang pangalan nang asawa he miss her so bad. Nilabas niya naman ang sama nang loob sa pamamagitan nang pagsigaw sa kawalan. The place was so quiet habang sa loob nang bar maingay. Napaupo naman siya sa semento habang tinatanaw ang mga ilaw sa baba dala nang mga building. Kakaiba kasi ang bar ma pinupuntahan nila nasa tutok ito at natatanaw niya ang mga building sa ibaba.

"I wanted to go to the place were we used to hang out with our future children." Yan ang mga sinabi ni Karylle na bigla niyang naalala kaya't napaiyak ang huli. Hindi niya talaga matanggap na umayaw si Karylle, hindi siya pinaglaban ni Karylle.

"Bro? Okay ka lang?" Tanong ni Vhong na ngayon ay katabi niya na sa pag upo. He just gave Vhong a nod sabay punas sa mga luha.

"Alam kung masakit. Nakikita ko nanaman ang Viceral na broken 5 years ago, pero i guess mas malala to."

Vice laughed sarcasticaly actually dalawa sila ni Vhong.

"Mahal mo talaga eh no?" Tumango lang ulit si Vice, ayaw niyang marinig nang kaibigan ang basag niyang boses naiiyak na kasi siya ulit eh.

"Paglaban mo ulit."

"Nakakapagod na.. p-pagod na ako, n-nakakapagod lumaban nang mag-iis-sa" at dahil hindi na talaga mapigilan pa ni Vice? Umiyak na ito nang tuluyan.

"alam kong nakakapagod at mahirap lumaban na ikaw lang. Pero brad? Kaysa naman iiyak ka nalang at hayaang lumubog diyan? At pag aksayahan ang lakas? Lumaban ka nalang. Kayanin mo mahal mo diba?"

"Ayaw niya na."

"Anong ayaw? Isang beses niya lang nasabi yun. Hindi mo pa siya nasuyo o napilit man lang? Simula nung sa hospital hindi ka naman na nagpapakita ah? Alam kung nasasaktan rin si Karylle. Diba sabi mo? Ginawa niya lang yun para sayo? Hindi nga siya lumaban pero nagsakripisyo naman siya. Naisip mo rin ba yun? Hindi lang ikaw ang umiiyak. To be honest Karylle was always asking me if okay ka lang, alangan namang magsinungaling ako? I always said NO dahil totoo naman diba? Everytime i said NO humihikbi siya minsan pinapakinggan ko nalang siyang umiiyak kasi alam kong nasasaktan siya. Vice? Pano na kaya kung malaman niyang ikakasal ka na? Alam mo? Hindi pa siya nag f-file nang annulment but your parents is working that petition. Without Karylle mapapawalang bisa nang mga magulang mo ang kasal niyo. Habang maaga pa fight for it. Wag kang duwag. Lumaban ka."

VERY WELL SAID VHONG HERES THE UPDATE YOUVE BEEN WAITING LOL. MAY MAS MASAKIT SA SUSUNOD NA 2 CHAPTERS. SAKIT SA EGO ANYWAYS. SHORT UPDATE TO BABAWI AKO. KEEP SUPPORTING -BAYSHKAREL ❤❤

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon