"Babe ayoko na, ayoko ng saktan ang sarili ko. Gusto ko ng tumigil siya. Ano bang pwede kong gawin?" Tanong ni Karylle kay Vhong. Kasalukuyang nasa kabilang kwarto sila, pinakiusapan niya kasi si Vhong na puntahan na muna siya habang natutulog pa si Vice."Isa lang ang alam kong kahinaan ni Viceral.."pag sagot ni Vhong kay Karylle.
"Ano??" Tanong rin ng huli.
Napakamot naman si Vhong sa ulo dahil alam niyang mali tong naiisip niya. Gusto niya na ring tigilan ni Vice si Karylle pero may part din sa puso niya na naaawa siya sa kaibigan dahil alam niyang masasaktan ito ng sobra.
"Ano? Please Vhong help me... nasasaktan ako dahil nasasaktan ko rin siya.. Itong pagmamahal ko sa kanya mananatili pero hindi ko na papansinin alang alang lang saming dalawa. Please. I beg you tell me."
Nagulat naman si Karylle ng bigla siyang tinulak ni Vhong sa kama at hinalikan ng madiin. Panay naman ang iwas ni Karylle pero sadyang malakas si Vhong.
"Mmmmm! A-ano ba!" Sigaw ni Karylle kaya naman napatigil si Vhong.
"Diba gusto mong tigilan ka na ni Vice then ito na nga, ginagawa ko na. Siguro naman magigising na yun. Kaya paki lakasan nalang yung boses mo." Walang emosyong saad ni Vhong at hinalikan ng tuluyan si Karylle. Wala namang nagawa si Karylle kaya sinunod nalang ang sinabi ni Vhong.
Kahit labag sa kalooban ni Vhong ang gawin to kay Karylle, pinili niya paring gawin ito dahil nananaig parin ang kagustuhan niyang tigilan na sila ni Vice.
Nahihirapan man si Karylle sa mga nangyayari ngayon pilit niya nalang kinakaya alang alang sa kanilang dalawa ni Vice. Para narin sa kinabukasan nilang dalawa, si Vice sa pamilya niya at siya kay Vhong na handang ibuwis ang buhay para lang sa kanya.
Sinadyang sikuhin ni Vhong ang lamp shade na nasa gilid nila para mag cause ng ingay sa kwarto kaya naman nabasag ito sa sahig. Nagulat man si Karylle ay hinayaan niya nalang si Vhong dahil alam niyang alam ni Vhong ang pinag-gagawa niya.
Magkatabi lang ang kwarto ng guest room at ang kwarto ni Karylle kaya paniguradong magigising si Vice sa kalabog na iyon.
Kasalukuyang nakapatong si Vhong kay Karylle kahit pareho silang naiilang hinayaan nalang nila ito. Sinimulang hubarin ni Vhong ang kanyang damit dahil hindi pa nagigising si Vice. Sunod niyang hinulog ang telepono para paniguradong magising na si Vice.
Tagal namang gumising ni Vice baka maubos na tong mga gamit ni Karylle dito. Bulong ni Vhong sa sarili. Hindi niya rin magawang tingnan si Karylle dahil alam niyang pareho silang naiilang sa pinag gagawa. Dahan dahang tumungo ang mga halik ni Vhong sa leeg ni Karylle na nagresulta ng pag ugong ng dalaga.
Parehong walang malay ang dalawa na pumasok na si Vice sa silid, dahan dahan niya kasi itong binuksan baka may magnanakaw na nakapasok pero iba ang nakita niya. Pumikit si Vice ng madiin saka dumilat ulit gusto niyang matiyak na itoy guni guni niya lamang pero hindi. Napahigpit ang hawak niya sa door knob, kasabay ang pagtulo ng luha niya. Ang makitang nakikipagtalik ang mahal mo sa kaibigan mo ay ang pinakamasakit sa lahat ng masakit. Parang unti unting pinupunit ang puso ni Vice sa nakita hindi niya lubos maisip kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa pagpipigil niya ng luha napahikbi siya na dahilan upang mapalingon ang dalawa.
Nang makita ni Karylle si Vice na nasa pinto at umiiyak hindi niya magawang tingnan ito. Agad namang umalis si Vhong sa pagkakapatong kay Karylle at dali daling kinuha ang t-shirt at isinuot ito.
"V-vice." Pagkukunwari ni Vhong, inaasahan niya na ang magiging reaksyon ng kaibigan dahil naramdaman niya na ito. Napayuko nalang si Vhong ng makitang natawa ng sarkastik si Vice habang umiiyak.
"Masarap ba?" Mahinahong tanong nito.
"Sorry na distorbo ko kayo.." dagdag pa nito saka inis na sinuklay ang buhok.
"Sana pala hindi nalang ako gumising."
"V-vice itigil mo na to." Saad ni Karylle na hindi parin tinitingnan si Vice.
"B-bakit Karylle? Wa-wala na ba talagang pagmamahal ang natira diyan sa puso mo? Maski awa wala na talaga?" Ngumiti ng mapait si Vice at kinuha ang singsing na nasa bulsa niya, yun ang wedding ring nila. Pinangako kasi ni Vice na saka niya lang susuotin ang singsing pag maayos na sila ni Karylle pero nagkakamali siya mukhang malabo ng maayos pa ito.
"Sana pala hindi nalang ako nakatulog baka, baka hindi niyo to magagawa kasi nga diba gising pa ako. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon kasi hinayaan ko ang sarili kong mapagod na bantayan ang anak ko sa hospital at umuwi dito para ipagluto ka Karylle. At higit sa lahat kasalanan ko naman talaga eh, kasi hindi ako naging mabuting asawa sayo.. but God knows Karylle i did my best, at ngayon na may sapat na lakas na akong harapin ang mga hadlang satin binabawi na kita pero eto tinutulak mo na ako palayo kasi nga wala ka ng pagmamahal sakin pati awa ipinagkait mo na rin.." napaluhod naman si Vice sa hina ng katawan niya, lalo na ang mga tuhod niya nanginginig ito dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Nang lingunin ni Karylle si Vice doon parang gumuho narin ang mundo niya,knowing na nakaluhod si Vice at nakayukong umiiyak. Si Vice ang kahinaan ni Karylle ang makita itong nasasaktan ang nagpaparamdam sa kanya na dapat din siyang masaktan. Gusto niya itong lapitan pero hindi kaya ng mga paa niya.
"Patulan mo na ang kahit na sino, wag lang ang isa sa mga taong pingkatiwalaan ko at halos itinuring ko ng kapatid Karylle... Same situation with my past, pero mas malala yung sayo eh. Kasi... kasi naging asawa na kita, tumagal tayo.." hinawakan ni Vice ng mahigpit ang dalawang singsing na hawak niya. Mali, mali itong naiisip niya, hindi pwede..
Pilit tumayo si Vice at nilapitan si Karylle na naka upo sa kama, lumuhod siya sa harapan nito na tila nag po-prose pero iba kinuha niya ang kamay ni Karylle at nilagay doon ang dalawang singsing.
Nagulat si Karylle sa ginawa ni Vice. Ngayon nakita niya na ang pulang mga mata ni Vice, i feel weak bulong nito sa sarili. Unti unti niyang naramdaman ang pagkirot ng puso pero binalewala niya muna ito at tiningnan ang seryosong mukha ni Vice, kitang kita sa mga mata nito ang sakita na nararamdaman niya.
"Tanggapin mo'to, sayo naman talaga to eh. But i want you to keep mine, nasa sayo na yun ku-kung itatapon mo..." bumuntong hininga si Vice at pumikit ng madiin upang magdahilan ng pagtulo ng maiinit niyang mga luha.
"God knows ayokong mangyare ito pero para maging masaya kana... Karylle? Pareho niyo akong sinaktan ni Johanna but yours was the worst. Ayokong magaya ka kay Johanna na halos kasuklaman ko na kaya ako na ang lalayo, at hindi na ako magpapakita sayo.. please sana pag nagkita tayo someday iwasan moko dahil ayokong may magawa o masabing hindi maganda sayo please... i think my efforts to bring my life back which is you is not enough. So? Right now im setting you free. I give up.. tutal wala nang pagmamahal na natira sa puso. I'll tell this to you one last time. I love you one last time and goodbye."
Hindi na namalayan ni Karylle na wala na pala sa harap niya si Vice, at kasunod nito ang paghinga niya ng mabilis at ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas ay sa ngayon lumabas na.
I love you one last time and goodbye.
8 words that breaks her heart again.HI. MALAPIT NA ANG ENDING HAHAHAHA. WELL, MAY BAGO AKONG STORY "GAY GANGSTER" AND I HOPE YOULL SUPPORT IT TOO. THANK YOU, VOTE! VOTE! VOTE! COMMENT!COMMENT!MUAH MUAH MAUH. GODBLESS EVERYONE expect typo errors. -BAYSHKAWEL

BINABASA MO ANG
Me and my Possessive wife
Fanfiction"Possessive means over protective, jealousy, clingy and etc. etc. A Possessive wife? Does a possessive wife still exist? well litsi, este lets see." Expect errors from this story. Kung ayaw niyo ng OA na story? go read other stories.