33. BUKO

1.4K 52 2
                                    


Kasalukuyang awkward na magkatabi sa isang kama si Karylle at Vice. Pareho lang silang nakatitig sa kisame, minsan naman sinusubukang sulyapan ni Vice si Karylle pero laging nagtatama ang mata nila dahilan para mas lalo silang ma awkward sa posisyon nila.

"Gusto mo ba sa sahig nalang ako matulog?" Vice broked the silence dahil hindi niya na talaga mapigilan ang sarili. Marahan namang binalot ni Karylle ang kumot at umiling.

"No it's okay."

"Alam kong hindi ka komportable, kaya okay lang na sa sahig ako matutulog." Akmang kukunin ni Vice ang unan upang lumipat sa sahig, pero hinigit siya sa braso ng huli at umiling parin.

"No, just stay. Nasanay lang kasi akong si Vhong na ang nakakatabi ko eh. Dito ka lang. Ang rude ko naman tingnan kong sa sahig kita papatulugin diba?" Binigyan naman ni Vice nang mapait na ngiti si Karylle, hindi niya alam kung bakit pero parang tinutusok nang kutsilyo ang puso niya sa narinig. Nangingilid nanaman ang mga luha niya, buti nalang naka patay yung ilaw at ang tanging ilaw lang nila ay ang sinag nang buwan na nanggagaling sa balcony ng kwarto dahil iniwan nila itong nakabukas para pumasok ang preskong hangin.

Im aware that i hurt him, Gusto ko lang talagang itulak siya palayo at tigilan na ako. Vhong told me may Reye syndrome ang anak niya and it is a very rare illness. Delikado iyon at maaring anytime soon hindi na kakayanin nang anak niya, lalo na't wala siya sa tabi ng pamilya niya. Bulong ni Karylle sa sarili at tinalikuran nalang si Vice, kasabay nito ang pagtulo ng maiinit na likido sa pisngi niya. Why is it that everytime i hurt his feelings it was like im hurting mine too. Tanong ni Karylle sa sarili, dahil kung nasasaktan si Vice ngayon? Mas lalo siyang nasasaktan.

"Karylle?" Pagtawag ni Vice, his voice cracked nang tinawag niya ang pangalan ni Karylle. Sa ngayon umiiyak na siya pero pinipigilan niyang marinig ito ng katabi dahil hindi niya gustong makikita siya nitong mahina, at umiiyak. Pipilitin niyang maging matatag, mahal niya si Karylle, si Karylle lang ang buhay niya. And now he is trying to get his life back even though hindi niya alam kong kakayanin niya, pero isa lang ang sinisigurado niya. GAGAWIN NIYA LAHAT NANG MAKAKAYA NIYA dahil wala nang puwang ang buhay niya kung mawawala rin naman sa piling niya si Karylle.

"B-bakit?" Saad nang huli, ayaw niyang lumingon dahil ayaw niyang nakikita siya ni Vice na umiiyak dahil hindi magiging effective ang pagtutulak niya.

"Hindi m-mo na ba... ako mahal?" Hirap man ay nairaos niya rin ang sasabihin. Para kasing nalunok niya ang dila niya at hirap magsalita.

Napakagat sa labi si Karylle, hindi niya alam ang sasabihin. Oo mahal niya parin ito, at hindi nawawala yun. Kumbaga nananatili ang pagmamahal niya kay Vice pero hindi niya magawang maipakita dahil takot siyang masaktan ulit. Hindi nawala ang sakit na nararamdaman ni Karylle kundi nasanay lang siya.

"O-okay lang kung hi-hindi mo sasagutin.." napalunok naman si Vice at tinalikuran narin si Karylle, anytime hihikbi na siya.

"G-good night, I. LOVE. YOU." Makahulugang saad ni Vice saka pumikit nang madiin para mag dahilan nang pagtulo ng mainit niyang mga luha sa pisngi.

Ring.. Ring.. Ring...

Inabot ni Karylle ang cellphone na nasa gilid lang, nang makita niya kung sino ang tumatawag sinagot niya na agad ito.

"Babe?" Tanong ng nasa kabilang linya. Karylle cleared her throat para hindi mahalata ni Vhong na umiiyak siya.

"Babe.. napatawag ka?" Napakunot naman ang noo ni Vice sa narinig.

"Hindi ka pa natutulog?"

"Matutulog pa."

"Tulog na ba si Vice? Magkatabi kayo diba? Ako lang ha." Tanong ni Vhong, natawa naman ang huli at umiling.

"Ikaw lang. Sige na, Good night babe. I love you." Sumikip naman lalo ang puso ni Vice sa narinig. "Hindi ito sapat na dahilan para sumuko ako, mas masakit pa dito ang naramdaman ni Karylle hindi pa ako nakakalahati kaya wala akong sapat na rason para sumuko, kailangan kong namnamim ang sakit na to." Bulong ni Vice sa sarili at lumisan sa kwarto. Dahan dahan niyang isinara ang pinto at napahawak sa puso, "kakayanin ko'to, kailangan kong ibalik sakin ang buhay ko." Pa ulit ulit niyang saad sa sarili, kinuha niya naman ang cellphone sa bulsa at sinimulang pindutin ang numero na gusto niyang kausapin. Hindi pa nakaka apat na ring ay sinagot na agad ito ng kabilang linya.

"V-vice?"

"I will... uhmmm okay lang ba kayo?" Punong pag aalalang tanong ni Vice, First time niyang mag alala sa mag ina lalo na sa anak niyang nasa hospital at nagpapagaling. 4 months old palang si Johice pero may malalang sakit na ito. Binalot ng takot si Vice nung sinabi ng doctor na malubha ang sakit ng anak, at kailangan pang mag undergo ng ilang test dahil masyadong baby pa si Johice para sa ibang test.

"W-where fine.. hindi lang ako makatulog because of Johice. He keep on crying, it was like there is something painful in him. Vice naawa na ako sa anak natin.." humahagulgol na saad ni Johanna dahil hindi niya na talaga alam kung anong nangyayari sa anak nila. Mag isa lang siyang binabantayan ang anak dahil kailangang pumunta ng mga magulang ni Vice sa Hawaii para sa conference kaya naiwang mag isa si Johanna sa hospital.

"Aren't you gonna come? Im all alone here, i dont even know what to do.. please i beg you Vice.." nakaramdam naman nang awa si Vice. Kaya naisipan niyang sagutin ito nang OO PUPUNTA AKO NGAYON, HINTAYIN MO NALANG AKO. Hindi niya na kailangang sabihin kay Karylle na aalis siya, tutal hindi naman ito komportableng makatabi siya. Saka niya lang napansin na nasa pool area na siya. Nilagay niya ang dalawang paa sa pool at matamang umiyak. Kailangan ako ng anak ko, kailangan ko rin si Karylle kaya kailangan niyang tiisin ang sakit na nararamdaman niya dahil alam niyang mas nasaktan niya si Karylle. Hindi siya susuko ng basta basta, mahalagang maibalik sa kanya ang buhay niya dahil hindi niya alam kong anong mangyayari sa kanya pag nawala si Karylle. Hindi niya kayang makita ito na masaya sa piling nang kaibigan. Kung sa loob ng dalawang taon wala siyang nagawa pwes! Ngayon gagawin niya ang lahat ng makakaya niya maibalik lang ang buhay niya.

SHORT UPDATE FOR MY NEW HAIRSTYLE WHICH IS SHORT DIN. HAHAHAHA SAREY NA. OH ETO. ABANGAN ANG PAGPAPAKAHUSBAND NI VICE KAY KARYLLE. AT ANG PAGPAPAKA AMA NIYA KAY JOHICE. TILL NEXT UPDATE GUYS. THANKS FOR THE SUPPORT. LAVYA MUAAAH!- BAYSHKAREL

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon