35. RHD

1.4K 53 2
                                    

Hirap si Karylle sa pagmulat sa kanyang mga mata dahil pakiramdam niya namamaga ito. Dahil ba ito sa pag iyak niya kagabi? well, oo umiyak siya kagabi nang maka-alis na si Vice. Masyado siyang nasaktan sa mga binitawang mga salita ni Vice, nagui-guilt tuloy siya pero nananaig parin ang galit at sakit na nararamdaman ng puso niya.

Napa-upo siya at hinalamos ang kamay sa mukha. "Anong klaseng problema ba to? ang gulo." bulong nito sa sarili kasabay nito ang pag init ng sulok ng mga mata niya. May luha nanamang bahagyang tutulo. Minabuti niya nalang humarap sa salamin at pinusod ang buhok. "San na kaya si Vice?" saad nito at pumasok sa banyo para mag toothbrush at hilamos. Lalabas na sana siya ng kwarto ng may narinig siyang tunog ng plato kaya't napahinto ang huli. Sinilip niya muna galing sa ibaba ang kalabog na narinig niya at doon niya nakita si Vice na naghahanda ng almusal habang ang daddy niya naman ay nagkakape. Huminga siya nang malalim bago bahagyang bumaba.

"Good Morning anak, nga pala ang mommy mo umuwi na muna. Dont worry mamaya aalis na ako baka naman naka distorbo ako sa inyo eh." binigyan naman ng nakakalokong ngiti ni Modesto si Vice na ngayon ay nakalingon na sa kanya habang hinahain ang pagkain. Ngumiti nalang din si Vice bilang sagot at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Good morning too dad. Okay lang naman, kahit kailan niyo gustong mag stay dito okay lang. Nga pala kailan kayo babalik ng states? tsaka kamusta na si Dingdong?" may isa pang anak si Mr. Modesto at ito si Dingdong anak niya ito kay Benita Dianon. Humigop na munsa si Modesto bago sagutin ang anak.

"Baka next week babalik ako sa States anak, hindi pa kasi tapos yung proposal na ginagawa ni Dongdong eh at kailangan nandoon ako alam mo naman CEO ako." naupo narin si Karylle sa upuan kaharap ang ama at tila iniiwasang pansinin si Vice.

"Ah. Businessman na pala si Dindong ngayon ah. Good for him. Ako eto nagtayo ng restaurant pero wala ako doon para umasikaso, kailangan ko muna kasing magpahinga. May... May RHD kasi ako dad eh." pag amin ni Karylle, tanging siya pa lang ang nakaka-alam. Noong malaman niya nga ang sakit niya nung nakaraang lunes ay parang gumuho ang mundo niya. Maliit ang butas ng puso niya kaya madalas siyang mabilis mapagod at nahihirapan sa paghinga. Ang RHD ay isang Reumatic Heart Deases na ang tanging cure ay heart transplant pero masyado itong mahal kaya sinusubukan niyang magpagamot gamit ang pag i-inject sa kanya once evry 28 days for a lifetime.

Napatigil naman sa pagluto si Vice at tinabihan si Karylle. Magkasalubong ang mga kilay nito dahil nagtataka siya sa RHD na sinasabi ni Karylle.

"RHD?" tanong nito.

"Reumatic Heart Deases V-vice, i mean Hon.. Sorry hindi ko pa sinabi sa inyo natatakot kasi ako eh.." napahawak naman sa batok ang daddy ni Karylle at tinanggal ang antiparang suot suot.

"RHD... RHD needed a heart transplant. Maghahanap ako ng donor." saad ng ama na tila namromroblema sa kondisyon ng anak. Hindi naman makapagsalita si Vice dahil hindi niya lubos maisip na may sakit sa puso si Karylle tapos ito sinaktan niya pa. Now he is blaming his self. At maaaring lumalala pa ito dahil sa kanya.

"No dad, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magpa heart transplant. There's no way im going to undergo that kind of operation. Ayokong bumalik sa hospital dad! ayoko!" naluluhang sambit ni Karylle. Nung huli kasi siyang na hospital ay nung mga panahong nakunan siya at ayaw niyang maalala ang mga nangyari sa kanya noon. Mukhang na troma na siya sa pangyayaring iyon. Pero nung nagpa check-up siya pinilit niyang ang doctor ang pumunta sa kanya dahil ayaw niya talagang bumalik ng hospital.

"Ayokong bumalik sa hospital dad! ayoko!.." pabalik balik ang mga salitang ito sa utak ni Vice. Bigla namang nag flashback sa utak niya ang nangyari nung huli silang pumunta nang hospital. Yun ang ikalawang beses na iyakan ni Vice si Karylle at ang mas malala pa doon first time niyang luhuran si Karylle para lang pigilan ito sa pag f-file ng annulment nila.


"Paano ka gagaling niyan? at bakit ayaw mong bumalik sa hospital? may hindi ba ako nalalaman tungkol sayo anak?" tanong ni Modesto na nakakunot ang noo.


"I- i just can't go back to Hospital. Ayoko, i would rather choose to die kaysa mag undergo ng operation. I'm contented with my heart dad. Because of this heart i learned to love someone  more than i loved myself. Don't let it happen.. please.." pagmamakaawa ni Karylle sa ama, nanatiling tahimik lang si Vice, wala talaga siyang maisagot sa mga pinag uusap-an nila. Napipi siya sa mga naririnig niya tila wala siyang naririnig sa pinag uusapan ng ama at ni Karylle kundi ang tanging naririnig niya lang ay ang mga pag iyak ni Karylle.


"Ayokong mawala siya, Lord hindi ko pa nga siya nababawi tapos ito pa kukunin mo na siya.. May nagawa ba akong mali para mangyari sakin lahat lahat ng ito? sa pagkaka alam ko ako ang once naloko at kahit kailan man hindi ko naisipang maghiganti dahil walang maidudulot na mabuti iyon pero bakit ganun? bakit ganto? bakit ako nasasaktan ng ganito? did i do something wrong?" bulong ni Vice sa sarili at hindi na napigilan ng mga luha niya at tumulo na ito.


"Vice? Aren't you gonna do something? About Kary---" naputol ang sasabihin ni Mr. Modesto ng makita ang luhang kumawala sa mga mata ni Vice. Nakatulala lang ito habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya.


"Naging mabuti ng nobyo at asawa naman ako sa kanya ah? Kulang nalang pati kaluluwa ko ibigay ko na sa kanya pero bakit masyadong mapaglaro ang tadhana? Naging mabuting anak ako sa mga magulang ko pero bakit ang makasarili nila? dahil ba naghihiganti ang mama ko at ako ang ginawa niyang pain para sa paghihiganti niya? If that's it pwede bang ang mama ko nalang ang kunin niyo? wag lang si Karylle dahil ang mama ko naman ang puno't dulo ng lahat na to eh. Dahil alam kong napupuno a binabalot ng galit ang puso niya pati inggit. Ang laging nasa utak niya ay ang paghihiganti.  Lord, gagawin ko lahat lahat bumalik lang kami ni Karylle sa dati, kung kailangan mokong pahirapan at saktan? TATANGGAPIN ko ng buong puso. Wag niyo lang siyang kunin sakin Lord. Please..."


"I Feel you Vice.." saad ni Mr. Modesto.


"Bat ka umiiyak?" tanong ni Karylle kay Vice. Natauhan naman si Vice ng marinig ang boses ni Karylle. Ngumiti ng pilit si Vice at pinahiran ang mga luha gamit ang likuran ng kamay niya.


"Dahil may sakit ka?" saad nito at hinalamos ang dalawang kamay sa mukha.


"God! ayokong mawala ka... sobrang mahal kita" saad nito at patuloy sa pag iyak.



HI HERE'S MY UPDATE AHAHAH. SORRY KUNG NGAYON LANG, KAKATAPOS LANG KASI NG EXAM KANINA E. HEHE MEDYO HINDI PA MAKA MOVE ON SA EXAM KAYA ITO LUTANG YUNG UTAK KO KAYA ITO ANG RESULTA NG CHAPTER NA TO HEHEHE PASENSYA NA PO. OSHA THANKS A LOT SA VOTES. AT SA MGA SILENT READERS DIYAN MAG VOTE NAMAN KAYO OH, TSAKA MAG COMMENT. NAKAKA FLATTTEEEERRREEED KASI PAG MAY NAG COCOMENT EH. LALO NA PAG MAY NAG VOVOTE. THANKS GODBLESS. ABANGAN ANG NEXT UPDATE HEHEHE.-BAYSHKAWEL

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon