48. Ipaglaban Muaaah!

1.5K 55 6
                                    


Vice

Hindi ko namalayan na dinala ko si Johanna sa hospital, hindi ko maisip kong paano ko siya naidala dito ng sobrang bilis.

Pagtingin ko sa mga kamay ko punong puno ito ng dugo idagdag mo na rin ang panginginig nito.

Nasa ER na ngayon si Johanna the last thing i knew nahihirapan na itong huminga at panay ang sorry sakin.

Right now masasabi kong pinapatawad ko na siya, kahit paano mahal ko si Johanna pero bilang kaibigan na lamang. Masakit isipin na kahit anong oras gustuhin ng panginoon kukunin niya na si Johanna but F*CK! Wag muna! Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, sa mga pasakit na nagawa ko i really wan't to say sorry bago paman siya mawala..

Mag isa lang akong naka upo sa tapat ng ER hindi ko rin naman kasi masabi sa mga magulang niya ang nangyari dahil patay na ang mga ito. Ako nalang ang pamilya niya at ako pa ang magiging dahilan ng pagkamatay niya. Pero wag naman po sana..

Nadumihan ng dugo ang puti kong t-shirt as in ang daming dugo, ano ba naman kasi ang sumagi sa isip ni Johanna at nagawa iyon.

"Vice!" Inangat ko ang tingin ko at nakita si Vhong na may hawak na kape,

"A-anong ginagawa mo dito? At bakit ang daming dugo? ano nang balita kay Johanna?" Tanong niya at sinuri ang suot kong damit, ang kamay kong na mantsyahan ng dugo. Dugo ni Johanna...

Yumuko lang ako at pilit na tinatanggal ang dugo sa kamay ko.

"Si Johanna..." saad ko nalang.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya? Si Anne kamusta? Ang anak mo?"

Shit, si Anne pala tsaka ang anak ko. Naiwan ko sila sa bahay baka napano na sila nanginginig pa naman si Anne. Kailangan ko silang puntahan.

Narinig kong bumukas ang pinto ng ER kaya't napatigil ako at nilingon ang doctor na kakalabas lang ng silid. Please... please... i need a good news Doc. Good news...

"Sino ang kamag-anak ni Mrs. Viceral?"

"A-ako po Doc,ako yung asawa." Tinanggal niya ang mask na suot at binigyan ako ng malungkot na aura, don't tell me...

"We did our best Mr. Viceral pero tumigil na sa pagtibok ang puso niya. Natanggal na namin ang balang bumaon sa puso niya. Pero wala na siya, we tried to revive her pero wala na talaga, tumigil na sa pag function ang mga organs niya. Were very sorry. She died 9:05pm. Excuse me.."

Hindi ko alam kong ano ang magiging dapat na reaksyon ko sa sinabi ng doctor, hindi ko alam... I fond myself na hinang hinang naa upo.


I can't believe that the girl loved so much died, ang malala sinaktan ko pa siya. She dided because of my stupidity. Kumikirot ang puso ko, yes aaminin ko kahit papaano mahal ko parin si Johanna pero mas mahal ko si Karylle sadyang nasasaktan lang ako na wala na siya... wala na ang mommy ni Johice..


"Condolence Vice..." inangat ko ulit ang tingin ko kay Vhong habang tinatapik ako sa likod.


"Condolence, alam kong hindi tamang sabihin ko'to sayo ngayon pero kasi wag mo nang alagaan si Karylle, bumabalik na siya sa dati at salamat. Ako ng bahala sa kanya. Bukas lalabas na siya ng hospital napagplanuhan kong mag iibang bansa kami uuwi kami sa mga magulang niya."



Napakuyom ang kamao ko sa narinig ko. Marahas kong inalis ang kamay niya sa likuran ko.

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon