Kasalukuyang seryosong nag u-usap si Vhong at ang doctor ni Karylle, pinagsamantalahan na nila ang pagkakataong mag usap habang mahimbing na natutulog si Karylle."Over fatigue ang dahilan ng pagkahimatay niya ang kailangan niya lang ay ang magpahinga at iwasang ma stress, kumain sa tama at tamang oras, mag pa-araw at wag na wag mong hahayaang makalimutan niyang inumin ang gamot niya sa puso dahil walang pagbabago ang sakit niya but the bad news is..." huminga nang malalim ang doctor at hinawakan ang braso ni Vhong, nagbigay naman iyon ng kaba sa huli. Isang linggo na kasing hindi umiinom si Karylle ng gamot, iniinom niya ito pero isang beses sa tatlong araw minsan nga sapilitan pa. Napapadalas din ang pagsakit ng puso niya at ang hirap sa paghinga mabuti nalang at nag leave muna siya ng 4 months sa trabaho para may makasama naman si Karylle. Isang linggong tiniis ni Vhong ang makitang umiiyak at nahihirapan si Karylle at sa tuwing nakikita niya itong mahina at nasasaktan? Nasasaktan na rin siya pero lalong tumatatag dahil alam niyang siya lang ang tanging lakas ni Karylle ngayon. Sa totoo lang plano niya ng sumuko lalo na nung sinabi ni Karylle na "I need Vice..." napa isip tuloy siya na hindi ba siya sapat para kay Karylle eh siya lang naman yung laging andiyan para sa kanya, laging nagpapasaya sa kanya pero yun ay akala lang niya sa totoo kasi pinakisamahan lang siya ni Karylle dahil gusto niyang suklian ang pagmamahal na inalay ni Vhong sa kanya ng buo gusto niyang kahit kakarampot lang na pagmamahal maibigay niya pero bigo ito dahil si Vice lang ang sinisigaw ng puso niya.
"Lalong lumala ang RHD niya, so? We need to try to her the injection every 28 days for a lifetime. Mabibili lang naman sa botika ang Salpin na maliit na liquid na nasa bottle at yun ang gagamitin pang inject sa kanya. Makakatulong ito sa pag iwas ng pagkirot ng puso niya at sa paghirap ng paghinga. Common na ang sakit na ito kaya ang kailangan lang ay dobleng pag iingat." Matapos ng mga sinabing iyon ng doctor walang nagawa si Vhong kundi ang mapakamot sa ulo wala siyang ibang choice kundi ang tawagan si Vice baka, baka kasi makatulong siya.
Labag sa loob ni Vhong na kinuha ang cellphone, kahit siya hindi nagugustuhan ang plano pero wala siyang magawa dahil maski si Karylle si Vice ang kailangan. Kahit anong pilit ang gawin niya kay Karylle alam niya namang hindi ito susunod sa kanya kahit kapakanan lang ni Karylle ang inaalala niya.
Hindi pa nakaka-apat na ring ay sinagot na agad ito ni Vice.
"Hello"-Vice
"Vice? Si Vhong to.." narinig niyang bumuntong hininga si Vice kaya dali dali siyang nag salita.
"T-teka wag mo munang ibaba.. may sasabihin lang sana akong importante.."
"Ano?! Don't tell me magpapa alam ka pa sakin para ikiss mo si Karylle well, Vhong wala na akong pake alam. Baka kasi akala niyo masasaktan ako pwes hindi!" Sigaw ni Vice sa kabilang linya. Napa facepalm naman si Vhong hindi niya alam kung paano sisimulan ang gusto niyang ipahiwatig sa kaibigan. Kahit labag sa kalooban niya ang humingi ng tulong kay Vice? Kailangan niyang gawin iyon para kay Karylle dahil si Vice ang kailangan nito at hindi siya. Kailangan niya si Vice para mabuhay pa ito ng matagal dahil sa kundisyon niya ngayon bihira na ang tumagal ng isang taon gaya nga ng sabi ng doctor lumalala na ang sakit niya. Marahang pinunasan ni Vhong ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nito, umiiyak na pala siya. Napangiti ito ng mapait at bumuntong hininga.
"Karylle need you.." bago pa man siya makarinig ng sagot kay Vice napahawak siya sa sintido hindi pa siya handa sa sasabihin ng kaibigan dahil maari itong hindi pumayag lalo na't sabi ni Johanna aalis na sila bukas pero gagawin niya lahat ng makakaya niya.. gagawin niya alang alang sa babaeng mahal niya..
Walang sagot na natanggap si Vhong kaya minabuti niya itong ulitin.
"Karylle need you Vice.." narinig niya namang natawa ng sarkastik ang kaibigan.

BINABASA MO ANG
Me and my Possessive wife
Fanfiction"Possessive means over protective, jealousy, clingy and etc. etc. A Possessive wife? Does a possessive wife still exist? well litsi, este lets see." Expect errors from this story. Kung ayaw niyo ng OA na story? go read other stories.