10. Birthday Celebration (I)

1.9K 54 0
                                    


Pagkatapos ng sinabi ni Vice kay Karylle tungkol sa nakaraan nila napapadalas na ang pag ngiti ni Vice dahil alam niya na magiging maayos na sila at hindi na sila guguluhin pa ng nakaraan nila.

"Para kang timang kakangiti diyan." Sabi ni Karylle sa asawa habang nagmamaneho ito papunta sa sinasabing surprise ng asawa.

"Eto naman. Gusto ko bakit ba?" Nilingon ni Vice si Karylle na nagpipigil ng tawa.

"Marami ka sigurong iniisip no kaya ka ngumingiti ng walang dahilan diyan." Tinigil ni Vice ang sasakyan at tinitigan ang asawa.

"Bakit? Marami ka ba?"
Namula naman at natameme sa sinabi ng asawa si Karylle kaya lihim na napangiti si Vice at nagsimulang nagmaneho.

Nang makarating na sila sa park dali daling bumaba si Karylle at tumakbo sa isang malaking puno. Kinuha ni Vice ang susi ng sasakyanan at nakangiting sinundan ang asawa na nakatitig sa isang malaking puno.

"Buti naman at hindi pa nila pinutol ang kahoy na to." Ramdam ni Vice ang tuwa sa mga boses ng asawa kaya't kinuha niya  ang maliit na kutsilyo sa bulsa niya at nagsimulang magsulat sa puno.

"Ma....hal...din...ki...ta....Ka...ry....lle.." pagbabasa ni Karylle sa sinulat ni Vice sa puno. Nagtaka naman si Karylle kung paano nalaman ni Vice ang storya sa punong ito. Nung mga oras na walang wala at hinang hina si Karylle dahil sa breakup nila ni Vice naisipan niyang pumunta sa lugar na ito at doon niya naukit ang salitang 'Mahal kita Vice'

"Pa-paano mo nalaman ang lugar na to?" Tanong ni Karylle sa asawa na ngayon ay nakatitig lang sa kanya.

"I was following you. Gusto kong malaman na okay ka lang. At ito nakita ko to. I took a lot of photos i hurted you so much im sorry."

"No i should be the one saying that. I love you and im sorry. Thank you for everything, i owe you my life. I love you so much!" Niyakap ni Karylle ang asawa at umiyak.

Nanatili silang magkayakap hanggang sa biglang umulan kaya dali dali silang pumasok sa kotse. Kumuha naman agad si Vice ng towel sa likod at binalot sa asawa.

"Baka magkasakit ka kasalanan ko pa. Haha. Wait lang kukunin ko muna yung tubig ubusin mo ha." May kinuha si Vice na bag sa backseat at kinuha ang tubig.

He was about to open the bottle pero pinigilan ito ni Karylle.

"Pano ka? Pareho kaya tayong nabasa. Ikaw na uminom niyan may towel na ako eh."

"Tsk. Makinig ka nga sakin. Ubusin mo yan ha. Ubusin mo."

'Umandar nanaman ang pagka bossy ng asawa ko' sabi ni Karylle sa sarili.

Kinuha niya ang bottle at ininom habang si Vice naman ay nagsimulang magmaneho pa uwi.

"Best day ever hon." Pagpuputol ni Karylle sa katahimikan. Nilingon naman siya ni Vice saglit at ngumiti ng napaka laki. Yung ngiting halatang sobrang saya.

"I think this day will be just one of your best day ever. Remember bukas pa ang birthday mo." Sagot ni Vice at hinawakan ang kamay ng asawa.

"Anything for my wife." Anito.

Kahit medyo may edad na sila kinikilig parin si Karylle sa mga pampakilig ng asawa. She blushed pero hindi niya ito pinahalata sa asawa by just turning her head sa may bintana.

'Im so lucky to have you.' Bulong ulit nito sa sarili.

"Your blushing." Kinurot ni Vice ang tagiliran ng asawa at tumawa.

"H-ha? Hindi ah."

"Sus. Kilala kita no. Ayeh! Kinikilig ang asawa ko." Hindi naman maiwasang tumawa ni Karylle dahil kiniliti siya ng asawa sa tagiliran gamit ang isa nitong kamay.

"Haha. Oo na! Haha tama na. Uy nagmamaneho ka oh!"

"Haha. I love you." Nilingon niya saglit si Karylle habang hinihintay ang 'I love you too' neto.

"I love you more and more." Vice smiled. He was expecting 'i love you too' but he received more than he taught Karylle would say.


SHORT Update. Sorry dahil ngayon lang nakapag UPDATE. Pramis babawi ako sa next chapters okay? Keep supporting Lavya! -BAYSHKAREL❤

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon