Napalingon nang sabay ang dalawa at kasabay nito ang pagtayo ni Vice."Kuya Vhong kanina ka pa hinahanap ni mommy, ate si daddy inatake." Pagbabalita ni Coco.
Hindi na nag abala pang lumingon si Karylle sa kinaroroonan ni Vhong pero si Vice nilingon nito si Vhong na kanina pa pala nakikinig sa kanilang dalawa.
"Eavesdrop." Anito ni Vice pero narinig ito ni Vhong.
"Ang lalakas ng boses niyo sino naman ang hindi makakarinig nun." Sarkastikong sagot ni Vhong.
Nakaramdam naman si Vice ng inis sa kaibigan sa naging sagot nito at napa tikom ng kamao.
"Hindi ka ba bababa? Inatake ang tatay mo." Napakamot si Vice sa sinabi ni Vhong at hindi na nag abalang sagutin ang huli.
Dumeretso siya sa baba kung saan pinapainom na si Mr. Padilla ng tubig na mukhang nakahinga na ng maluwag.
Panay parin ang pag papaypay ni Karylle sa Stepfather at iniiwasang makita ng ama ang mugto niyang mata.
Hindi naman iyon nakalagpas sa mga mata ng ama kaya't naitanong niya kung bakit mugto ang mga mata ng anak. Nanigas si Karylle dahil hindi niya alam ang sasabihin, plano niya sanang sabihin ang totoo pero natatakot siya dahil kakatapos lang ng pag atake ng sakit sa puso ng stepfather niya at ayaw niyang lumala ito. Sakto naman na lumapit si Vice at inakbayan si Karylle.
"Naging emosyonal lang po sa mga sinabi ko." Binigyan naman ni Vice ng pekeng ngiti ang ama at pilit pinapakalma ang sarili. Mabuti nalang at nakaisip agad siya ng isasagot kahit alam niyang hindi sang ayon si Karylle sa sinabi niya.
"Pati ikaw?" Tanong ng ama niya at akmang tatayo upang mayakap ang anak na si Karylle.
Tumango lang naman si Vice bilang sagot. Napa atras naman ito ng yakapin ni Mr. Padilla si Karylle.
"Happy Birthday anak."
"Thank you po. Sa susunod wag ka nang kumain ng lechon ha? Baka atakihin ka nanaman sa sakit sa puso." Puno ng pag aalalang saad ni Karylle habang yakap yakap ang ama. Natutunan niyang mahalin ang StepFather ng dahil kay Vice kaya malaki din ang pasasalamat ni Mr. Padilla sa anak na si Vice kahit hindi niya alam na nagka anak pala siya kay Mrs. Rosario at si Vice ang naging bunga nang pagkakamaling iyon.
Nang nagsialisan na ang mga bisita naiwan si Karylle, Vhong at Vice sa sala na parehong na a-awkward sa sitwasyon nila. Hindi sila pwedeng mag usap sa ngayon dahil nasa itaas ang stepfather ni Karylle at paniguradong maririnig sila nito.
Sinenyasan naman ni Vhong ang dalawa na tumungo sa pool area para makapag usap silang pareho. Sumunod naman ang huli.
Nang makarating sila sa pool area hindi alam ni Vhong kung paano sisimulan ang pag uusap nila kaya naglabas ito ng sigarilyo at akmang sisindihan ito.
"Wait. When did you start using cigarete?" Tanong ni Karylle habang pinipigilan ang nobyo.
"Kanina lang." Malamig na tugon ni Vhong at pinilit na gumamit ng yosi.
"So? Ano nang plano niyo?" Inis na tanong ni Vhong. Napalingon naman si Vice na tila nahihiya.
"Sasabihin ko na kay daddy bukas." Sagot ni Karylle. Para namang statwa na binuhusan nang mainit na tubig si Vice sa sinabi ni Karylle kaya't minabuti niyang lumapit sa dalawa at magmaka awa.
"Karylle please. Wag. For the sake of your father. Tsaka hindi ko kaya." Vice is now hugging Karylle behind. He hugged Karylle so tight.
"Vice. Hindi natin pwedeng patagalin tong pagkukunwaring ito."
"Kahit sandali lang Karylle hayaan mo muna akong maging asawa mo kahit sa mata lang ng stepfather mo please.. At pinapangako kong hinding hindi mo na ako makikita." Wala nang ibang paraan pang nakikita si Vice upang mapakumbinsi si Karylle dahil atat na atat na talaga itong makasama ang dating asawa kahit sandali. Kahit na hindi niya alam ang mangyayari sa kanya after ng desisyon niyang ito.
Kinabahan naman si Karylle sa sinabi ni Vice dahil ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kahit gustuhin niyang bumalik sila sa dati hindi niya parin maiaalis ang kaba, sakit at konsenya sa sarili.
Halos hindi naman makatingin si Vhong sa dalawa dahil nilalamon ito ng selos, alam niyang option lang siya at dadating ang araw na iiwan siya ni Karylle kaya hindi niya kaya ang nakikita.
"Karylle please.. hindi ako mangangako na hindi na ako magpapakita dahil tulad ng sinabi mo hindi na ako kapanipaniwala pero gagawin ko Karylle gagawin ko maniwala ka. Please bigyan mo lang ako ng mahaba habang panahon. Aalis ako pagkatapos, kusa akong lalayo at hindi na magpapakita..." kahit hirap na hirap man si Vice na sabihin ang mga salitang iyon, pinilit niya parin para lang makumbinsi si Karylle sa gusto niyang mangyari.
Kinuha ni Karylle ang kamay ni Vice na nakapulopot sa bewang niya at hinarap ito.
"I dont want you to do this but you leave me no choice... okay."
Ring ring ring...
Napalingon si Vice at Karylle kay Vhong na hawak ang telepono.
"Oh?...... talaga? Sige sasabihin ko.." nilagay ni Vhong ang cellphone sa bulsa at tinapon ang yosi sabay pamulsa.
"Cannot be reach ka raw sabi ni Billy. Nasa hospital ang anak mo." Kalmadong saad ni Vhong.
Nagulat naman si Vice sa binalita ni Vhong dahil kahit papaano anak niya parin si Johice at mahal niya ito.
"Babalik ako mamaya.. pupuntahan ko muna ang anak ko." Pagpapa alam ni Vice kay Karylle.
"Yan, hihingi ka ng panahon para makasama si Karylle pero ngayon kakasabi niya lang ng OO aalis ka na. Magagampanan mo kaya ang pagiging asawa kay Karylle sa mahaba mahabang panahon?" Akmang susugurin ni Vice ang kaibigan pero pinigilat ito ni Karylle.
"Ano ba! Wag nga kayong mag away."
"Tandaan mo Vhong, masuwerte ka at nagkanda letche letche ang buhay ko ngayon pero sinisigurado ko pag naayos ko na to magsisisi ka't nabuhay ka pa sa mundong ito. Palalagpasin kita sa ngayon dahil ikaw ang laging nandyan para kay Karylle sa mga panahong wala ako pero ngayon na makakasama ko na siya, ihanda mo na ang gamit mo at puso mo para masaktan..."
"Tama na Vice.. pumunta ka na sa hospital, ito ang susi ng kwarto. Umalis ka na." Pagtataboy ni Karylle. Napasipa naman si Vice sa bato sa inis at tuluyan nang umalis.
Napayuko naman si Vhong at pinipigilang maiyak. Tinititigan lang siya ni Karylle dahil walang salitang lumalabas sa bibig nito dahil sa guilt na nararamdaman ng huli.
"Ito na yung sinasabi ko... akal ko hindi to mangyayari pero nagkamali ako.... alam kong option lang ako pero dapat bang masaktan ako ng ganito??" Tanong ni Vhong na nananatiling nakayuko. Niyakap naman ito ni Karylle.
"Your not an option okay?" Pag cocomfort ni Karylle kahit alam niyang hindi naman nakatulong ang sinabi niya.
Niyakap ito ni Vhong pabalik at hinigpitan ang pagkakayap.
"Wag mokong iiwan kung hindi ako isang option."
OMO! NAKAKALITO BA? HAHAHAHA ILL EXPLAIN THE SITUATION BETWEEN VICC'S MOM AND KARYLLE'S STEPFATHER IN THE NEXT TWO CHAPTERS DAHIL SILA ANG BIBIDA. HAHAHAHA KUMBAGA FLASHBACK. ANYWAY HERE'S THE UPDATE. HINTAY LANG NG KONTI SA NEXT CHAPTER'S DAHIL EXAM NANAMAN HAHAYS.. KEEP SUPPORTING MUAAAA! SORRY SA ERRORS HA. GODBLESS-BAYSHKAWEL
BINABASA MO ANG
Me and my Possessive wife
Fanfiction"Possessive means over protective, jealousy, clingy and etc. etc. A Possessive wife? Does a possessive wife still exist? well litsi, este lets see." Expect errors from this story. Kung ayaw niyo ng OA na story? go read other stories.