29. Di makapaniwala si Wakla!

1.6K 47 4
                                    

Nang matapos na ang celebration napag isipan ni Vice na sumama sa mga kaibigan upang makidalo sa birthday ni Karylle. Kahit Hindi siya invited pipilitin niyang pumunta para batiin at mag sorry kay Karylle kahit walang kasiguraduhan na mapapatawad pa siya nito.

"Sigurado ka na ba?"Tanong ni Jugs kay Vice dahil kanina pa ito hindi mapakali.

"You can still back out dude. On the way pa naman tayo eh." Pagdadagdag ni Billy. Napahilot naman si Vice sa noo dahil pati siya nalilito kung tutuloy ba siya o hindi.

"Pero para sakin mas mabuting pumunta ka. 2 years narin nung huli kayong nagkita tsaka think positive alam ko namang mahal ka parin ni Karylle eh."

Dahil sa sinabing iyon ni Jhong nabigyan nang dagdag na lakas loob si Vice para ituloy ang pinaplano.

"I'll greet her and i'll say sorry. Kung hindi niya tatanggapin yun? Gagawa ako nang paraan para mapatawad niya ako."

"Supportado ka namin Vice." Saad ni Teddy.

Nang makarating na sila. Halos kulang nalang sumali nang longest jump ang puso ni Vice sa kaba lalo na nang makita niya ang mga relatives ni Karylle at ang ama nito.
Napa atras si Vice nang nakita siya nang ama. Kakarating lang nito galing sa Amerika kaya wala siyang ka alam alam na wala na sila ni Karylle. At dahil narin sa takot nang nanay ni Karylle na baka anong magawa nito.

"Vice! San ka ba galing ha? Kanina pa kita hinahanap." Napalunok naman si Vice akma siyang magsasalita nang biglang dumating si Vhong.

"Oh V-vice. K-kanina ka pa h-hinahanap ng a-asawa mo s-san ka ba galing?." Nauutal na saad ni Vhong nang dahil sa gulat nang makita ang kaibigan sa mismong kaarawan nang nobya at sa pag dating ng ama ni Karylle.
Clueless naman ang magkakaibigan sa sinabi ni Vhong. Pero naintidihan din agad ito ni Billy dahil na ikwento sa kanya ni Vhong na hindi nila pwedeng sabihin sa Stepfather ni Karylle na wala na sila dahil hindi nila alam kung ano ang magagawa niya kay Vice at yun din ang pakiusap ng mommy ni Karylle.

"Ah. G-galing kami sa binyag." Saad ni Billy. Tumango naman si Mr. Padilla at inakbayan si Vice.

"Lets get inside." Pagyayaya nito. Kinakabahan si Vice, alam niyang malaking gulo ito.

"V-vice?" Nagulat naman si Vice nang bumungad sa kanya ang dating asawa. Kakambal narin ng pagkagulat niya ang pagkamiss at pagnanasang gustong yakapin si Karylle.

"H-happy Birthday." Vice greeted Karylle pero hinila ito ni Vhong.

"Excuse us muna." Saad ni Vhong while pulling Karylle away.

"So? Kamusta naman kayo ng anak ko? Asan na yung apo ko? Wala pa ba?"

'Ang dami niya palang hindi pa nalalaman, ang paghihiwalay namin ni Karylle at ang pagkawala ng anak namin.' Bulong ni Vice sa sarili na nagdahilan para kumirot ang puso nito.

"W-wala pa po eh. Nga pala may sasabihin lang ako kay Karylle." Umalis ito at hinanap si Karylle.

Paglabas niya sa veranda kung saan nasa ikalawang palapag ng bahay ni Karylle, doon niya nakita na nag-uusap ang dalawa.

Accidente niyang naapakan ang empty plastic bottle na nagdahilan para mapalingon ang dalawa sa kanya.

'Shit! San ka ba galing? Pano nagkaroon ng plastic bottle dito.' Inis niyang saad sa sarili.

"Vice." Pagtawag ni Vhong sa kanya. Lumapit naman siya at binigyan ang dalawa ng awkward na ngiti.

"Kailangan niyo atang mag-usap ngayon. Alis na muna ako." Kasabay nito ang paglisan ni Vhong. Napahawak si Karylle sa grills at napadungaw sa ibaba sabay labas nang mabibigat na buntong hininga.

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon