32. Tagos sa Buto Vhong.

1.5K 55 5
                                    

And because 1st spot ang #Viceral mag u-update ako ngayon hahaha.

Nang makarating si Vice sa hospital ay sinalubong siya nang galit na galit na Ina.

"Where have you been?! My God! For Pete's sake. Nasa E.R ang anak mo!" Sigaw nang Ina sa kanya, nakaramdam naman nang takot at kaba si Vice kaya't minabuti niyang lapitan si Johanna na umiiyak.

"Anong nangyari kay Johice?" Tanong nito.

"D-diba? Last week. Nagka Viral Infection siya? Tapos k-kanina nahihirapan na siyang huminga. Ang bilis nang paghinga niya kaya kinabahan ako." Patuloy sa paghikbi si Johanna.

"Where's the parents of Johice Viceral?" Tanong nang doctor na kakalabas lang. Lumapit naman agad si Vice at sinabing siya ang ama.

"Well, Johice has a Reye syndrome it is an extremely rare but serious illness that can affect the brain and liver of the child. It's most common in babies who are recovering from a viral infection. He has a diarrhea and rapid breathing so right now we are still observing him. Reye syndrome is now very rare, and only a few cases a year are reported in the United States. So it means siya palang ang may sakit na Reye syndrome dito sa Pilipinas. But we are now searching for the medicine that is good for your son. Actually we gave him some droplets medicine to stop his rapid breathing. Mechanical ventilation might be necessary if breathing becomes too slow or ineffective. Intracranial pressure and blood pressure might be monitored. Your son also might receive small quantities of insulin to increase glucose metabolism, corticosteroids to reduce brain swelling, and diuretics to get rid of excess fluid. If Johice has seizures, they'll be treated with medicines. Nevertheless, it is best to be sure, as early detection is the key to successful treatment of Reye syndrome. Mabuti nalang at naidala agad siya at hindi pa malala. He will be fine Mr. Viceral excuse me."

Nakaramdam ng awa si Vice sa anak. Nang nilingon niya si Johanna panay ang iyak nito.

"Gagaling siya." Saad ni Vice kay Johanna na ngayon ay hakap niya na. Nagulat man siya ay minabuti niya nalang hindi ipahalata kasi ngayon lang siya na i comfort ng asawa.

Lumipas ang ilang minuto ay nailipat na sa suit room si Johice.

"Baby, gagaling ka diba? Gagawin ni daddy lahat lahat gumaling ka lang." Litanya ni Vice sa anak na mahimbing na natutulog, nilagay niya ang hintuturo sa kamay nang anak na mahigpit na nakahawak sa kanya.

"Saan ka ba galing?" Biglaang tanong ng Ina kaya napa frown nalang siya.

"Diyan lang."

"Anong diyan lang? Kanina ka pa umalis, anong oras na. Malapit nang mag 10pm."

Napakamot naman si Vice sa batok at tumayo para kumuha nang baso sa mesa.

"Sa birthday ng kaibigan namin." Binuhos niya ang tubig sa baso na nanggagaling sa pitsel saka ito ininom.
Na upo naman siya sa sofa dahil inaantok narin siya.

"Sa birthday ng kaibigan? Binyag nang anak mo mas pinapahalagahan mo pa yung mga kaibigan mo. Mabuti nalang at nasa bahay niyo pa kami kasi pag wala baka ano nang nangyare sa apo ko." Pangangatwiran ng Ina. Napabalikwas naman si Vice nang maalala na sa bahay nga pala siya ni Karylle matutulog ngayon. Kinuha niya ang susi ng kotse sa mesa at akmang aalis nang biglang nagsalita ulit ang ina.

"Saan ka nanaman pupunta?"

"Ma? Pwede ba malaki na ako, aalis lang ako. Hindi ako dito matutulog kung may nangyari sa anak ko o kung may kailangan kayo itext niyo nalang ako o di kayay tawagan. Alis na po ako." He slammed the door saka dumeretso sa parking lot

Mabilis na pinaharorot ni Vice ang sasakyan para makarating agad sa bahay ni Karylle. Kailangan niyang sulitin ang bawat araw na makasama si Karylle dahil nangako itong titigil na siya pag pinagbigyan ang hiling niya. Natakot naman si Vice sa naalala. Lalayuan na niya si Karylle pagkatapos nito, kaya niya kaya?

Nang makarating na ito sa tapat nang bahay, dumeretso siya sa loob at nakitang seryosong nag uusap si Karylle at Vhong.

Vhong's hands is around Karylle's Neck while sitting in the bench, para silang mag jowang mag highschool. AKALA MO NAMAN KUNG SINONG MGA TEENAGER NA NAGDEDATE! inis na saad ni Vice sa sarili. Saka niya lang napansin na nasa harap na pala siya nang dalawa. Napakuyom siya sa nakita.

"SHE'S. MINE." ma awtoridad na saad ni Vice, napatingala naman ang dalawa. Halata sa mukha ni Karylle ang pagkagulat pero si Vhong nagawa pang tumawa at nang aasar pa.

"She's yours? Until when? Ang Mahabang panahon ay masyadong madali kumpara sa lifetime. She's Mine lifetime. Eh ikaw?" Hindi na napigilan pa ni Vice at sinuntok si Vhong.

"Vice!" Sigaw ni Karylle at inalayan si Vhong na nasa sahig na. Pinunasan naman ni Vhong ang dugo sa pumutok na labi dahil sa natamong suntok at tumayo.

"Pambihira. Suntok lang?" Panghahamon ni Vhong.

"Tama na yan, babe." Pang aawat ni Karylle.

Tama na yan, babe. Sumikip ang puso ni Vice sa narinig kayat pinipigilan niya ang mga luhang nangingilid sa mga mata.

"Kaibigan kita.. pero bat mo nagawa sakin to?" Nanginginig na tanong Vice. Binigyan naman siya ni Vhong nang nakakaloko na ngiti.

"Mahal mo siya," tinuro ni Vhong si Karylle saka huminga nang malalim.
"Pero bat mo nagawang saktan siya? Sana naitanong mo rin sa sarili mo yan Vice. Kaibigan moko kaya nagawa koto sayo, kaibigan moko kaya tinulungan kong bumangon ang taong mahal mo na sinaktan mo ng husto..."

"Vhong tama na." Pag pipigil ni Karylle.

"No Karylle. Pero Vice hindi kasali ang pagiging kaibigan natin sa nararamdaman ko kay Karylle. Tsaka kung nagagalit ka sakin dahil naging kami ni Karylle? Wag ka sakin magalit Vice, sa sarili mo dahil kung hindi mo pinakawalan at sinaktan si Karylle, hindi magiging kami at baka ngayon masaya na kayo."

"Tama na please, gabi na." Pagpuputol ulit ni Karylle.

"Kung inaantok ka na? Matulog ka na okay? Mag uusap lang kami."

"No, ill stay here." Simula kanina hindi magawang tumingin ni Karylle kay Vice dhil nasasaktam siya sa nasasaksihan.

"Sige." Binalik ulit ni Vhong ang tingin kay Vice na nangingilid na ang mga luha.

"Pwede ka namang umiyak eh. Pwede mo ring ipakita sa kanya na nasasaktan ka. Dahil kahit na umiyak ka nang dugo hindi na babalik si Karylle sayo. Masyado na siyang nilalamon nang sakit at galit, dahilan para wala nang matirang pagmamahal sayo ang babaeng mahal mo. Sana inisip mo ang pwedeng mangyari sa pananakit mo sa kanya. Mahal ko si Karylle Vice, at kung kaibigan ang babasehan mo? Mas pipiliin kong maging kaaway ka."

ARAY KO VHONG. TAGOS HANGGANG BUTO GRABE. PERO TOTOO NAMAN DEBE? HAYS. SHORT UPDATE GUYS. GABI NA KASI, USO MATULOG? HAHAHA ANYWAY, THANKS SA SUPPORT MUA!-BAYSHKAREL

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon