"Vice!" Sigaw ko sa kanya, nilingon niya ako sabay lagay ng helmet sa motor niya dala dala ang ngiting na miss ko ng dalawang linggo. Nakahawak ito sa batok na para bang kunwaring nahihiya."Na miss moko noh?" Saad niya ng makalapit sakin, hinawi niya naman yung buhok ko at inipit sa likuran ng tainga ko. Nang marinig ko kasi ang motor niya dali dali akong lumabas ng bahay, aba'y dalawang linggo kaya siyang nawala, na miss ko tuloy yung pangungulit at paglalambing niya. 2 weeks siyang wala dito sa pinas dahil kailangan niyang puntahan ang mommy niyang nagkasakit, at sabihin ang tungkol samin.
"Nope" actually i missed him gusto ko lang inisin toh nakakamiss kasi eh. Napa facepalm ito sa sinabi ko.
"Hindi mo talaga ako na miss?" Sabi niya, nakatanggap naman ito ng tango mula sakin bilang sagot. Akma na sana akong aalis ng bigla niya akong higitin sa siko well I expected it already kaya kunwari raw paalis na ako.
Nagulat ako sa ginawa niya ng biglang nag dikit ang mga labi namin, marahan niya akong hinalikan habang hawak hawak ang magkabilang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagka miss niya sakin, kilala ko siya pag na mimiss ako eh.. hindi niya na inaabala ang sariling mag explain kung gaano niya ako ka miss, halik lang, doon malalaman kong na miss niya na ako. I kissed back, because i missed him too. Dalawang linggo lang siyang nawala pero parang isang taon na para sakin, masyado lang kasing nakakamiss yung pagiging siya sa buhay ko eh, yung tinuturing niya akong reyna ng buhay niya. Ika nga BUKO dahil sabi niya 'ikaw lang ang BUhay KO'.
Marahan niyang inalis ang labi niya sa labi ko at ngumiti ng nakakaloko.
"I miss you too.." saad niya kaya natawa nalang ako sabay hampas sa braso niya.
"Aray bakit?"
"Anong i miss you too? Hindi kita na miss noh. May sinabi ba akong I miss you? Kung maka i miss you too assuming lang po?" Saad ko at natawa. Ngumiti naman ito at tinuro-turo ako.
"Hey. You kissed back!"
"No i did... i mean i did not."
"Sus! Pabebe ka pa eh. Yes you did." Bigla niya akong inakbayan.
"Teka Where are we going?" Tanong ko, ngumiti lang naman ito. Nang makalapit kami sa motor niya inabot niya sakin ang isang pink na helmet. Curious ko itong tinggap kaya natawa siya.
"Yung mukha mo oh. Teka sorry kung motor ang dala ko ngayon i mean lagi naman, kasi naman tong boarding house na tinitirhan mo ang sikip ng daan, hindi nakakadaan ang kotse ko. Lipat ka nalang kaya sa Condo ko?"pag iinsist niya. Oo masikip ang daanan dito kasi parang squater lang kasi ito dito eh tsaka no choice ako dahil ito lang ang malapit sa school ko. At ito lang yung kasya sa allowance ko eh, ayoko munang maging pabigat kina mama. Sa isang university niya ako pinag aral tapos yung dalawa kong kapatid sa mga private school kaya ayoko sa pa condo condo ni mama mahirap na baka mamolubi kami. Napilitan kasi akong mag aral na malayo sa pamilya ko kasi gustong gusto ko talagang mag college sa university na pinapasukan ko eh at ngayon na graduating na ako? Babawi na ako kina mama.
"Wag na ano ka ba, pero seriously san tayo?" Kinuha niya ang helmet na hawak ko at siya na ang nag suot sakin. He patted the sit at his back kasi nakasakay na siya sa motor niya ako nalang yung wala. Hindi ko na rin siya kukulitin sa kakatanong kung saan kami wala naman siyang planong sabihin sakin eh. Sumakay na ako sa motor niya at dating gawi nakayakap ako sa bewang niya.
Who would have thought that the guy i seduced just for the sake of my friend will be my ideal boyfriend in the present. Hindi ko inakalang mamahalin ko siya ng ganito. And i feel sorry kay Dingdong na hindi nagkulang sakin pero pinili kong saktan para lang sa lalaking yakap yakap ko na ngayon.
Isinandal ko ang ulo ko sa likuran niya at pinagmamasdan ang mga ilaw ng building at sasakyan na nadadaanan namin. Gabi na kaya ang ganda tingnan ng langit maraming mga bituin. May naramdaman akong mainit na likidong tumulp mula sa mga mata ko, dahan dahan ko itong pinunasan. Naaalala ko nanaman yung mga panahong sabay kami ni daddy na tinitingnan ang mga bituin, tuwing 6-8pm nasa rooftop kami lage at pinagmamasdan ang langit sabay kwentuhan. Na miss ko tuloy siya kung sana hindi lang dumating sa buhay namin yung lintik na Modesto na iyon eh, sana hindi namatay si daddy.
Biglang inihinto ni Vice ang motor, tiningnan ko ang paligid pero walang ka tao tao. Paglingon ko sa harapan ko tumambad sa mukha ko ang ilaw ng ICE CREAMLANDIA urggg. Matagal ko ng gustong puntahan toh, first time kong pumunta dito kasama ang daddy ko actually my first and last. Napayuko ako while trying to avoid my tears from falling.
Vice lifted my Jaw at tinitigan akong mabuti.
"B-bakit? Why are you crying?" Nga pala wala siyang alam tungkol sa storya ko tungkol sa Ice cream station na ito. Ngumiti ako ng pilit at pinunasan ang mga lubang tumulo na pala galing sa mga mata ko.
"I just remember my dad in this place. The last time i went here, kasama ko siya actually the first too."
"I-im sorry, hindi ko alam eh. My mom used to bring me here when i was a kid, at ngayon naisipan kong nasa tamang edad na ako? Gusto kong bumalik dito kasama ang babaeng huling mamahalin ko." Ngumiti siya ng sincere at niyakap ako.
"Im sorry kung pina-alala ko sayo ang daddy mo, maybe the last time you went here was with your dad whom you loved? Ako pupunta tayo dito araw araw with me, gagawa tayo ng happy memories sa station na to. Wag ka ng umiyak.." pag cocomfort niya na nagpagaan ng loob ko.
"Thank you.." i hugged him back too. I don't know why i deserve this kind of guy but thanks God for giving Vice to me.
Kumawala siya sa pagkakayap sakin. Tinanggal niya ang helmet ko at inabot ang kamay niya.
"Tara?"
Nang makapasok kami, wala parin palang pinagbago ang saya lang, kasi ang tanda tanda na nito pero heto't buhay parin i hope my dad too.
Pinapili ako ni Vice ng kahit ano well i chose what flavor i always want to eat.
"Hazelnut, strawberry, durian!" Sigaw ko ng makita ko ang durian flavor it was my dad's favorite na naging favorite ko narin.
"Almond, pistacho, and lastly coffe." Saad ko na may ngiting halos hindi na maipinta sa tuwa.
"Sakin, Coffe."
"Yun lang?" Tanong ko nahihiya din kasi ako, sa dami ba naman ng pinili ko sa kanya isa lang..
"It was your last flavor diba? And i wanted to be your last so, ayon Coffe ang kakainin ko." Sabi niya sabay abot ng bayad. Namula ako sa sinabi niya, ihhhh... keneleg eke.
Siya ang nagdala ng tray sa table namin.
While eating may nakalimutan akong itanong.
"Ano nga palang sabi ng mommy mo tungkol satin?" Saad ko na may ice cream pa sa bibig. Nakita kong nahirapan siya sa paglunok ng Ice cream at seryosong tumingin sakin.
"Uhmmm.. tu-tutol siya, but don't worry gagawin ko naman lahat lahat eh." Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
"Kung ayaw niya? Ayoko rin sa kanya. Karylle haharapin ko ang lahat ng hadlang satin.. if losing my parents would make you mine forever? Gagawin ko.."
AWW.. HOW SWEET VICE..
HERE'S THE UPDATE SA MGA MAY TANONG COMMENT BELOW SASAGUTIN KO. URGGG SILENT READERS MAG COMMENT NAMAN KAYO OH. PLEASE? NAKAKAGANA KASING MAG UPDATE PAG MARAMING COMMENTS AND FEEDBACKS. PLEASE? MUAH! GODBLESS. #VICERALBAND SA GGV EMEGED! HAHAHA K. -BAYSHKAWEL
BINABASA MO ANG
Me and my Possessive wife
Fiksi Penggemar"Possessive means over protective, jealousy, clingy and etc. etc. A Possessive wife? Does a possessive wife still exist? well litsi, este lets see." Expect errors from this story. Kung ayaw niyo ng OA na story? go read other stories.