51. Starting over again.

1.8K 63 4
                                    


Vice

Limang oras na kaming naghihintay dito pero hindi parin lumalabas ang doctor. Naiinip na talaga ako.

"Anak, kumain ka na muna.."

Itinaas ko ang tingin ko kay mommy at ngumiti lang ng mapait.

Wala akong ganang kumain, hindi ko kayang umalis dito. Hindi kakayanin ng sikmura ko ang kumain habang si Karylle nag aagaw buhay sa ER.

Gusto ko paglabas ng doctor nandito parin ako.

"Hindi na ma." Saad ko.

"Tara sa chapel na muna tayo. Narinig ko walong oras daw yan eh. Kumain narin tayo pagkatapos. Hindi ka pa kasi nag lu-lunch eh baka mapano ka pa.."

Walong Oras?
Tumayo ako at sumama kay mommy. Kailangan kong magdasal para masiguradong magiging okay si Karylle.

Pagpasok namin sa chapel ang tahimik ng lugar. Lumuhod ako at tiningnan ang crucifix na nasa harapan ko.

'Lord, wag niyo pong kunin si Karylle sa akin.. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupulutin kung pati siya kukunin mo.. Alam ko namang kasama mo na ngayon ang anak namin siguro naman sapat na iyon.. Gusto ko pang makasama si Karylle.. gusto kong tumanda kami pareho. Pangako aalagaan ko siya..." pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Umiiyak na pala ako.

Naramdaman ko naman ang biglang paghawak ni mommy sa likuran ko.

"Tahan na.. magiging okay rin ang lahat magtiwala ka lang sa kanya.." sabay turo niya sa crucifix na nasa harap namin. Tumango lang ako bilang sagot..

Alam ko namang hindi niya pababayaan si Karylle eh. May tiwala ako sa Diyos.

"V-vice! Lumabas na ang doctor!" Saad ni Vhong habang hinihingal.

Tumakbo ako papuntang ER. Lord, please wag mong pababayaan si Karylle..

Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko kapag wala siya, kapag wala na ang nag-iisang buhay ko...

"There you are Mr. Viceral. The operation finished so early. Hindi namin inakalang mag aanim na oras lang ang operation. Everything turn out fine. And shes fine..."

Sa sinabing iyon ng doctor nakahinga ako ng maayos.

Okay na si Karylle. Salamat Lord. Salamat.. hindi mo siya hinayaan.

Tinapik ni mommy ang likuran ko at ngumiti.

"Shes fine, i told you.. I'm sorry for ruining your perfect relation.. Ako ang nagdulot ng gulo, hindi naman sana dapat kasali kayo dito eh. Nabulag lang talaga ako anak. Im so so so sorry... Aayusin ko ang gulong naidulot ko... I'll fix it on my own..."

//

2 weeks ring naghilom ang sugat ng dahil sa opera ni Karylle. Everything went out fine.

"They will be here at exactly 9:15a--
Hey? Are you okay?" Tanong ni Karylle sa hindi mapakaling si Vice.

Second time na siyang kinabahan na harapin ang daddy ni Karylle. First, was the day na ipinakilala siya ni Karylle sa mga magulang nito. And Second, ang pagpapakilala niya sa ama na anak siya nito sa ibang babae..

Napakamot sa batok si Vice, hindi niya talaga alam ang gagawin. Kinakabahan siya. Panay din ang tingin niya sa relo's at mas lalong na frustrate ng makita na 9:10am na.

Kanina pang 8:30 sila naghintay sa airport para salubungin ang pamilya ni Karylle pero parang ang bilis raw ata ng oras hindi niya nga namalayang 5 minutes nalang nasa harap na nila ang hinihintay.

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon