Chapter 10: Girls Night Out

5 2 0
                                    

Songs for this chapter: Riptide by Vance Joy, Come and Get Your Love by Redbone, I Don't Know What To Do by Pete Yorn and Scarlett Johansson








Chapter Ten









Ang kahel na kulay ng araw sa mga oras na ito ang bumubuhay sa paligid habang tinatahak ang isang sambahan. Hinahatid ako ng salungguhit paroon. Kaunti ang tao sa loob, kulay itim ang kanilang suot habang nakatingin sa unahan. Isang tao ang nasa likod at doon ko piniling umupo sa tabi nito.

There was a moment of silence when a click broke it. Naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking sentido. Hindi ko inabala ang sariling lingunin ang tao sa halip pinili kong maupo ng tahimik.

Ilang sandali lang, tumunog ang piano sa harap hudyat na upang tumayo ang katabing tao, hindi inaalis ang pagkakatutok ng kanyang baril sa akin.

Sa wakas binali ko ang silensyo upang pantayan ang paninitig ng armado subalit sumenyal ito na tumayo ako na aking sinunod. Bahagya niya akong tinulak paharap at doon ko lang namalayang maraming baril ang nakatutok sa gawi ko. People have guns pointing at me dahilan upang sumunod ako.

A long, narrow box, were dead body put on it solemly lying down the casket table in the middle. It was the last thing I saw before I lose sight of everything.

Nabalot ng dilim ang tinatahak na sasakyan habang nagmamaneho ang driver ay nilingon ko ang katabing bata. Takot na nakahilig sa aking braso.

She's scared and fragile and crying. Yakap niya pati ang teddy bear. I close and opened my eyes why does it look painful.

Pinagmasdan ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas habang pumapatak sa saradong bintana ang ulan na humahaplos pababa. Napalingon ako sa batang babae na takot na takot. Tila alam ko ang dahilan, subalit hindi ko mapangalanan.

Takot ang nararamdaman niya subalit nang biglang huminto ang aming sinasakyan siya namang mas nakadagdag ng takot sa kanya. Sunud-sunod na pagtama ng bala ng mga baril sa aming kotse ang umalingawngaw. Hindi ako nakaligtas sa pag ilag nang tamaan ako sa kaliwang braso at dahilan ng pagkakabagsag ko sa sahig ng sasakyan. Impit akong umiyak hanggang sa nararamdaman ko na lang na nahihilo na dahil sa tama ng baril na natamo ko at ang mga dugong patuloy sa pag daloy. Bago ako pumikit nakita ko ang driver ng aming sasakyan na wala nang buhay dahil sa kanya halos pinutok lahat ang mga bala ng baril.

Screams and voices are all I could imagine for a scene. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay ng mahigpit nang isarado ko ang aking mga mata. Malamig iyon. She's still screaming between her sobs subalit sa huli ay naramdaman kong marahas na inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. She screamed more. I badly want to know what's happening. My vision slowly faded as I felt myself falling asleep.

"Alaurria!" Boses sa hindi kalayuan.

Umalingawngaw lang iyon sa buong paligid. Napaluhod ako sa aking kinatatayuan, hindi malaman kung bakit, at umiyak ng walang dahilan.

Luminga ako sa paligid at napagtantong napapalibutan ako ng mga parihabang salamin. I saw my reflection standing there, I don't know why she's not even crying ngunit naputol ang pagmasid ko sa aking sarili nang marinig ang isang kasa na nagmumula sa baril na ikinatigil ko pati na ang luhang dumadaloy sa aking pisngi.

Nakita ko ang isang lalaking nakatayo katabi ng salamin. Malayo ang distansya namin dahil na rin sa liit ng repleksyon nito mula sa kinatatayuan ko ngunit saglit lang ay nakalapit ito at tumigil. Bakas sa mukha ang malademonyong ngisi. Wala sa sariling tumayo ako upang harapin ang nagbabadyang kamatayan.

The Untold Tale of Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon