Chapter Twenty
After a long while of waiting, the clock's arm finally point one o'clock in the middle of the night. Nasa pangalawang baitang ako ng hagdan ng mga oras na iyon bago ko binagtas ang bawat palapag. Huminto ako pagkatapos ay binuksan ang hindi nakasarang pinto ng church. Pumasok ako ng tuluyan. Doon, nakita ko ang mga upuan, mga imahe, at ang chandelier sa taas na may kaliitan lamang.
Dahil siguro sa sulat, naghanap ako ng mauupuan upang magpalipas roon ng ilang saglit. Tinitigan ko ang orasan sa aking palapulsuhan at sabay na pinanood at hintayin ang may ari ng sulat. Isang tunog ang narinig ko sa labas. Hindi ako pwedeng magkamali dahil isa iyong yabag.
Dahan-dahan kong pinasok ang aking kamay sa suot kong jacket at doon, hinugot ko ang baril at inikot ang silencer saka iyon kinasa at mabilis na umalis ng upuan upang magtago sa pintuan ng simbahan.
I heard someone shhh'ed but I can see their shadow coming in. As their foot step in, I aim for shoot. Nanlalaki ang mata sa gulat nang makitang nakasuot ng maskara ang bumagsak na lalaki. Isang pag asinta ng bala na tumagos sa aking likuran ang aking naramdam. Sa lakas ng impak ng bala ay nabitawan ko ang baril.
Nang mamataan ko ang isa pang anino na pumapasok, ubod lakas kong sinipa ang nakatutok nitong baril at saka ko dinampot ang nahulog kong baril. Niwaksi ko sa isipan ang sakit na nararamdaman sa aking likuran bago ko binaril sa tuhod ang lalaki at sinipa sa malayo ang baril na inaabot nito sa malamig na sahig.
Sigaw sa labas ang aking narinig kung kaya't lumabas ako ngunit huli na nang makitang lumuhod ang isang madre at nawalan ng malay. Natuon ang aking mata sa lalaking nakatayo sa walang buhay na babae. Nakikita ko ang mapanlarong ngisi nito at ang hawak nitong baril na kasing dilim ng gabi.
"Can't you see, I am doing my very best job here." Tumawa ito ng malademonyo saka umiling-umiling na parang nababaliw ngunit tumigil ito nang subukan kong gumalaw. Inangat niya ang kanyang baril ng may kaseryosohan sa mukha subalit pinutok nito sa taas ang baril at saglit ang pagtawa.
Nagbabagang tingin ang pinupukol ko sa kanya kaya ay ngumisi ito, "Ganyan nga." Aniya ng may ngisi sa labi.
"Belated happy birthday, Monterey-oh! Right. Better late than never."
Nadagdagan lamang ang aking iritasyon kaya tinutok ko ang hawak na baril na ikinatawa niya at kalaunan ay sumeryoso ang tingin.
"So you have chosen death?" Aniya at walang takot na binagtas ang aming distansya sa isa't-isa dahilan upang tumapat sa kanyang mukha ang nguso ng baril. Hinawakan niya ang aking kamay upang ibaba ang baril at tinutok sa bandang dib-dib nito.
"Kill me now." Hinawakan niya ang aking kamay at mahigpit iyon kaya umiyak ako sa sakit sa klase ng higpit nito. Hindi ko maamin sa aking sarili na takot ako ngunit ayokong lukubin ako ng takot at baka iyon pa ang dahilan ng aking pagkamatay.
"Well then, sleep tight." Ang huli niyang sinabi bago ako hinila upang masalubong ang kanyang dib-dib, pagkatapos ay mabigat na bagay ang tumama sa aking likuran ang nagpatuloy sa akin sa walang hanggang panaginip.
Naglalakad ako kasama ang isang babae. May mga madre sa gilid na masayang kinakaway ang mga kamay sa ere. Tila ba ay nagpapaalam sila sa akin. Sa gilid, maraming bata ang nagtatakbuhan. Hindi ko maaninag ang bawat mukha ng narito, ni hindi ko kilala ang lahat habang sila ay tila pamilyar sa akin.
Kumunot ang aking noo nang magising ako sa pamilyar na sasakyan. Pumikit ako ngunit gulat nang maalala na ito ang gamit kong kotse. Ang Lexus.
"Gising ka na pala." Aniya ng babae sa gilid habang minamaneho ang sasakyan. Suot niya'y pamilyar na hoodie, faded jeans at all star shoes.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...