Chapter Thirty-one
Right. We are supposedly celebrating new year's eve by now, but here we are haunting a criminal. This events just really put so much ingredients to end this season and it is perfect to dine.
Sa dulo ng hallway ay ang babasaging bintana na walang alinlangang binasag niya gawa ng bilis na pagtakbo at pagbunggo doon. Abot kamay ko na sana ang pagkitil sa kanyang buhay ang dahilan ng pagharang sa akin ni Shane at sunod na lumundag roon upang panoorin namin ni Pierre ang dalawang naghahabulan.
At sa bilis ng pangyayari, lumalabas kami ni Pierre upang salubungin ang panibagong batch ng kapulisan na sa tuwina'y huli sa mga ganitong sitwasyon. Kasamang pinoposasan si Pierre at ang ilan sa mga lagi kong nakikita sa aming mansyon.
Hinayaan ko ang katahimikan ang magbigay ng balita sa akin sa aking mga natutunghayan, habang si York ay hinihintay si Herlliot na kinakausap ng dalawang pulis hanggang nagpasalamat at idismiss ito.
Noon ay pinakawalan ko ang mabigat na pakiramdam dahil sa magkahalong pakiramdam kay Llansante sa kanyang ginawa. Abot kamay ko na ang hustisya pero naudlot iyon dahil sa kanya.
Pumikit ako at tinuloy ang himbing na binibigay ng nagbabadyang tulog matapos marinig ang pagbukas-sara ng pinto ng sasakyang gamit ng aking mga kapatid.
Madilim ang gubat na aking tinatakbo. Napakabilis. Hindi ko maaninag ang dilim subalit nagpapasalamat ako dahil pumapanig sa aking sitwasyon ang nais makalayo sa tagpong aking nililimot sa dilim.
Tila malayo na ang aking narating subalit napakabagal ng transisyon ng paligid at dahilan ng pakiramdam ko na napakabagal ko sa gitna ng dilim ng gubat.
Sige sa pagtakbo habang nararamdaman ko ang palapit na presensya at ang pagkalabit ng gatilyo bago ko naramdaman ang dalawang tapik sa aking pisngi.
Naalimpungatan ako sa aking pagtulog dahilan upang pasalamatan si York na may bahid ng kaseryosohan ang mukha. "Are you okay?" Tanong niya saka yumuko upang bigyan ako ng mainit na yakap. Maging si Herlliot ay nagulat sa aktong ito ni York na hindi makikitaan ng ganitong gawain.
"Too precious to capture this." Isang flash ng camera ang nagpapiglas kay York sa pagkakayakap sa akin subalit wala itong nagawa kun'di ang alalayan muna akong makababa bago sumunod sa nakatatandang kapatid.
"Happy new year." Boses sa gilid matapos mawala sa paningin ko si York. Hindi ko inaasahang kasama namin si Naomi Rose na maayos habang ako ay nakikipaglaban sa kamatayan. Tumigil ako sa aking kinatatayuan upang titigan siya.
Imbis na sagutin ay sinabayan ko siya sa pagusisa ng mansion. Maliwanag sa kanyang mukha kung ano ang naglalaro sa kanyang isipan na minabuti kong nilantad.
"We're living in the same house. Nothing special." Ani ko at inumpisahan nang humakbang papasok ng naghihintay na dalawang pintuang nakabukas para sa amin. Been awhile now since I felt the ambiance of the mansion. Habang nililibot ko ang loob, naroon sa gitna malapit sa hagdan ang nakatayong Christmas tree na pinapalamutian at sa baba ang nakaabang na mga regalo. Mukhang hindi naman masyadong naghanda ang mga narito at tila walang nangyayari na siguro'y nakasanayan na namin. At ang hinihintay ay sa wakas lumabas rin dala ang pinagaagawang cellphone pero dahil siguro sa presensya namin, natatawang hinawakan ni Herlliot ang kanyang tyan sa nagbabadyang tawa.
Naagaw ni York ang aming pansin nang sa wakas nakuha niya ang cellphone na hawak ng nakatatandang kapatid. Mula sa loob ng hapag ang naka-ayos na mga handa na siniguradong umaabot sa dulo ng mesa. Sa gitna ang nakasinding mga kandila habang may mga pagkaing hindi tinapos na maari'y naudlot.
"We're having dinner until we got a call from that hospital, Alauria." Ani Herlliot habang umuupo.
"You were celebrating without visiting me while I was running for my life and it is unneccessary for me to just continue this holiday after all that happened. Ano 'yon, kakain ako ng binabaliwala ang mga nangyari kanina?" Tugon ko.
"Hmmm? Hindi namin alam pero maniwala ka, this celebration of holiday has nothing to do with you. Also, we wanted to surprise you but we were the ones who got surprised." At inumpisahan niya ang pagsalin ng wine sa walang lamang baso. "By the way, happy new year." Dag-dag niya at nilagok ang wine.
Marahas ang aking paghinga kaya napapikit ako at umalis sa harap nila upang itulog ang pagod at ipahinga ang katawan sa mga nangyari at magpapagaling na lamang.
Matapos ang tatlong araw na walang pasok, minabuti ko na agahan ang pagpasok sa West Field. Iba nga lang ang araw na ito kumpara sa nagdaang taong si Vincente ang hatid-sundo ko.
Bukas ang laging naghihintay na sasakyan sa amin ni Naomi Rose habang ako naman ay hindi ko lubos maisip kung paanong nasisikmura ni Herlliot kausapin si Naomi na parang may koneksyon sa kanya pagkatapos, inabutan pa ng sandwich!
My thought goes on. Huminto ang sasakyan sabay ang bilis kong paglabas at si Naomi ay abalang sinuot ang salamin bago humalo sa nagkalat na mga estudyante. Ako, sinusubukan kong hagilapin siya sa paligid.
At sa pagaakalang makikita ko siyang kasama si Abigail ay siyang pagbunggo ko sa kanya sa umuunti-unting estudyante sa corridor dahil tumunog ang bell hudyat na klase muna ang isipin ko.
"To short this..." hindi ko na inintindi ang sinasabi ng guro dahil nangangati na akong isaksak sa kamay ni Llansante ang lead ng ballpen.
Nagpasalamat ako sa hangin dahil sa wakas natapos rin ang mahabang diskusyon at heto ako, nakaabang sa kanya. Tumayo ang lahat at isa-isang lumabas hanggang sa kaming dalawa na lamang ang naiwan. Walang pagdadalawang isip ko siyang nilapitan subalit hindi nagtagumpay sa binabalak. Walang emosyon niyang hinawakan ang braso ko at tinapon ang ballpen na sana'y ibabaon sa kanyang leeg.
"Tell me, who are you dealing with?" Umirap ako dahil hindi naman nakakatakot iyon. Walang nakakatakot kung walang matatakot pero kung titignan ang kanyang mga mata, maari nga. Imbis na sagutin siya ay pumiglas ako sa pagkakahawak niya at saka dinampot ang ballpen at bag paalis ng room upang tahakin ang daan papuntang cafeteria.
Naabutan ko sa mesa si Naomi Rose na tahimik na kumakain kasama sina Geneva at Bellacris na walang inintindi kun'di atupagin ang pagdaldalan habang ang grasya ay naghihintay sa kanilang ubusin ito. Nawala sa topic ang dalawa nang makita ako, nakangiting sinalubong ako.
Higit sa lahat ng kamusta nila ay ang tanungin sa akin ang dalawang linggong holiday. Excited pa sila habang nakatingin sa akin pero dahil mabait ngayon si Naomi, siya na ang sumagot.
"Really?" Ani Geneva. Napapalakpak sa kwentong pambata sa kanya. Her eyes sparkling in amazement.
"Yes." Tipid na ani ko na ikinatuwa pa nilang dalawa habang kami ni Naomi ay nakatingin sa inosente nilang mukha. Mabenta naman kahit paano.
One bite and "Done." Ani ko dahil kating-kati na ang mga paa kong umalis roon bago pa lumabas sa aking bibig ang bagay-bagay na sa amin lang.
Eksaktong uwian namin matapos ang P.E. ay hindi ko inaasahang makita si Shane na nakatayo sa likod ng gymnasium. Ang ipinunta ko rito ay maghugas ng kamay at hindi makipagkita sa kung kani-kanino. If he were to tell me something interest me, I would like to launch a blow and live a mark in the middle of his face.
"What." I inhaled all the possibilities to attack him. Papasa na yata ako sa obvious kung ngumiting peke, tapos kaharap ko pa si Llansante na pagkayabang-yabang.
Walang anu-ano'y hinawakan niya ang aking braso upang kaladkarin, oo, kaladkarin ang tamang term dahil wala siyang natanggap na permiso ko.
"Get your dirty hands off me." May diin ang bawat salitang binitawan ko. Oh well, hindi naman likas sa kanya ang sumunod sa mando ko dahil una, nagawa niya akong gawan ng mas doble pa rito na dapat ko pa yatang ipagpasalamat?
"Seriously. You need to see a doctor or else you're dead." Banta ko na kanya lamang nginisihan matapos pumasok at maupo sa driver's seat.
"But before that, let me take you somewhere I know."
I haven't heard him joke like that. Seems like jumbled words is a stepping stone to force him to utter his feelings. Pero hindi sa ganitong paraang sapilitan.
"At kidnapper ka na ngayon?" Wala siyang sinabi sa akin. Tunog lang ng pintuan sa gilid niya ang naging sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
The Untold Tale of Darkness (Completed)
Misterio / SuspensoAlauria Monterey is her name, wether she avoid trouble, trouble never leaves her. Two weeks later after suspension, her ever rival group of girls and Llansante didn't stop from getting on her nerves. She just wanted peace after that long week but sh...